Chapter 17: Transferring to Section Eternity

129 7 3
                                    

Zyneth's POV

Isang linggo na ang nakakalipas, pero wala naman daw namamatay sa section namin. May isang linggo pa ako dito sa WPH. Hayst. Naiilang talaga ako doon sa katabi naming building e!

"Zyneth Mangulabnan." Pakness! Si Nikolo yung tumawag sakin! Ang lalim pa naman ng boses niya. Kasama niya si Warren. Ang lihim kong sinisinta -pwe!- (A/N: Tss! Zyland padin ako! Ayaw ko ng ZyRen!)

"Bakit ka ba kasi nandito ha?! Bakit ka pumayag na makipag-exchange student?! Hindi mo ba alam na mapanganib dito!" Sigaw ni Warren, sakit ah? Ipagtabuyan niyo pa ako sige lang, manhid ako eh!

"Sumama ka samin." Sabi ni Nikolo at hinila nila ako. San nila ako dadalin?! Ang sakit ng hawak nila ha?!

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa abandonned building. Nasa harap kami nito. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba at biglang nawala ang kyuryosidad ko.

"Pasok." Saad nila kaya pumasok na ako. Nakita ko doon sa loob sila Jana at Alanis. Anong ginagawa nila dito?!

"Hi Zyneth!" Sabi nila, naguguluhan talaga ako.

"Handa ka na bang malaman ang past? Ahahaha!! Sabi nila, past is past, never been discussed! Pero ngayon, kailangan eh. Para hindi ka na tanga." Ako?! Tanga?!

"A-anong ibig niyong sabihin?!" Sabi nila at naupo sa bintana, nakakalula ang taas nito pero hindi sila natatakot, alam na alam ko ang itsura ng takot dahil halos araw araw kong nakakasalamuha ang mga mukhang iyon.

"Start Nikolo." Pumunta si Nikolo sa harap ko. Tinitigan na para bang hinihigop ang kaluluwa ko.

Nikolo's POV

30 years ago, masaya naman ang CA-WPH. Lagi silang nagco-collaborate pagdating sa iba't ibang aspeto. Mga ordinaryong estudyante lang naman ang Section Eternity, KAPAG MAY NAKAKAKITA. Pero kapag walang nakakakita, panay ang pambubulas at panunukso nila sa isang tao.

Hindi nila pinansin ang mga pananakot ng binubully nila, kaya nagpakamatay ang nabubully. Ang hindi alam ng mga taga-CA ay may kasintahan pala sa WPH ang nag-suicide. Naghiganti ngayon ang nobyo niya. Pero imbis na mapatay niya, siya lang ulit ang namatay.

Pero namatay lahat ng estudyante sa Section Eternity dahil sa isang sunog. Sunog na ang CA lamang ang naapektuhan. Tinitigan lamang ng may ari ng WPH ang CA building habang nasusunog ito.

Nabuhay ang may ari ng CA at sinabing hinding hindi niya aalisin doon ang building na iyon para makonsensiya silang lahat sa sunog na walang pumansin.

Pagkatapos ng isang taon, namatay ang may-ari ng WPH. Habang tumatawa naman ang taga-CA. Ang alam ko ay may anak siyang nag-aaral ngayon sa CA. Naghihiganti.

"Ngayon, sabihin mo sakin kung sino ang pumapatay Zyneth!!! Pinatay niya si--" Pinigilan ni Warren si Nikolo. Pakness! Hindi nga namin kilala eh!

"Zyneth, pati kami nadadamay. Minsang nagpunta dito ang Magulang ni Aicken, at tinatanong kung sino ang gumawa noon sa anak niya." Sabi ni Jana. Si Aicken, Nanay niya?! Anong kinalaman niya dito?!

"W-wala akong alam." Sambit ko. Sinuntok ni Nikolo ang pader sa gilid niya, agad naman iyong nabutas dahil nga sa sunog at medyo matagal na nga ito.

"Zyneth. Tutulungan ka namin." Sabi nila, pero hindi pwede.

"Hindi pwede, problema to ng section namin, hindi talaga pwede." Sabi ko.

"Okay fine. I'll transfer to Section Eternity ASAP." Sabi ni Nikolo at umalis na. Whut. Thu. Hull.

"Hayaan mo na Zyneth. Hindi niya sinabi ang buong kuwento. Nadadala lang siya ng emosyon niya." Sabi ni Warren. Pero teka?! So ibig sabihin may kinalamaan ang WPH sa nangyayari ngayon?! ANG GULO!!

Calland's POV

Ganun padin, tambay lang. Napakaingay na namin para lang may pumansin sa amin kahit isang teacher, pero malas namin, wala e. Wala pa din kaming teacher, takot na saamin.

"Calland, pinapatawag ka daw ni Sir Gil." Aish naman oh! Dapat pumunta na lang siya dito tutal History teacher naman namin siya eh!

Nagpunta na ako ng Faculty Toom since wala naman akong choice kung hindi pumunta diba? May nakita nanaman akong estudyante doon.

"Ow! Mr. President! Ayan ka na pala. By the way, Hes is Nikolo Violago from West Pacific High. Kaklase niyo na siya simula ngayon." Whut. Thu. Hull. Sige! Dagdag pa!

"Don't act as the President Calland." Sabi niya. Ano daw?! Eh ako nga eh!

"Don't you dare talk to me like that." Sambit ko. Naaaninag ko na ang dark aura sa pagitan naming dalawa. Kaya inakbayan kami ni Sir Gil. Pero nanlilisik padin ang mga mata namin sa isa't isa.

"Go back to your room." Sabi ni Sir Gil. Pagbalik namin sa Room ay ibinalibag lang niya ang bag niya sa Teacher's table at may nilabas mula doon. Binalibag niya ang isang dart malapit kay Yassi Mari kasi nandoon ang dart board. Muntik na siyang matamaan.

"Whoev-- No, WHATEVER YOU ARE, I WILL FIND YOU MANIAC CUTTER." What the fock?!! Alam din ba niya ang namamagitan sa school namin?!

"Nikolo?!" Sabi ni Nicole pero hindi siya pinansin nito. Nice, snobber ka pala e, ano ka famous?

"Sino yun?!"

"Hindi! Ano yun?!"

"Grab ang pogi niya!"

"Exchange Student nanaman?!"

"Bago nating kaklase?"

"Anong kinalaman niya dito?"

Dinig kong sabi ng mga kaklase ko, daldalan pa sigi! whatanays.

"Uhm... guys, I need to admit something." Sambit ni Reissah.

"Ikaw ang killer?!" Sabi ni Ran Alleck pero tinitigan lang siya ng masama ni Reissah.

"Sa tingin mo kung ako ang killer aamin ako? Langya ka. Kasi eh, may nagbigay sakin ng letter kaso hindi ko maintindihan kasi French ata yun. Matagal na ito sakin eh. Kaso ngayon ko lang naisip na may Google Translator nga pala." Tumawa ang buong klase sa sinabi niya, hinablot ni JA ang sulat na yun at nilabas ang cellphone niya.

"Je suis d' accord. Attendez mon retour. Je regarde derrière vous?" Tanong ni JA. Naloload na ang cellphone niya.

"I'm with you. Wait for my return. I am watching behind you." Sabi niya kaya inagaw ko yun.

"Sino nagbigay?!" Tanong ko at tumingin siya kay Rielle.

"Sino!" Sigaw ko.

"Hindi ko alam! Nakita ko lang yan sa harap ng kwarto ni Reissah eh!" Sabi niya.

---x

A/N: Hey! Masyado ho akong busy (Busy-busy-han) ahahaha, di po! Totoo yun, madami na po kami agad school works. -______- Kaya mabagal na ang UD. Kamsa~! Vomments~!

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon