Ran Alleck's POV
"HUWAG KA NG IINOM DIYAN!"
Hiyaw ni Reissah sakin. Pakness naman o! Uhaw na uhaw na ako!
"Reissah, uhaw na uhaw na ako! Atsaka bakit ba ayaw mo akong painumin?" Tanong ko sa kanya at hinila niya ulit ako. Jusme, kaladkarin mo na ako!
"Ma'am Agatha is dead. Sa mismong water tank nakita ang bangkay niya. Kaya pala wala siya kanina, it means na kaya hindi ko yan pinapainom sayo kasi nandyan ang bangkay niya." Sambit niya. Sheems! Muntik ko ng maisuka ang digestive parts ko!
"Ha?! Pano nangyari yun?!" Tanong ko sa kanya at hinla nanaman niya ako, sige! Maghilahan na lang tayo dito!
Nakarating kami sa isang crowded na lugar. Sobrang crowded. Yung pinuntahan namin ay yung location ng water tank. So dinala ako ni Reissah dito?!
Flashback...
3rd Person's POV
"Ginawa ko na ang gusto mo. Ibalik mo na sakin yung anak ko!" Sabi ni Ma'am Agatha sa kaharap niyang estudyante.
"Ungas! Alam na ni Jorenz kung sino ako! At dahil yun sayo! Bakit mo siya sinama sa CompLab?! At nakita niya ako doon na nagsasalitang ako ang pumapatay! Nadadagdagan nanaman ang problema ko! At dahil diyan, papatayin kita. Kasama ang anak mo pati si Jorenz." Pinilit tumakbo ni Agatha, simula't sapul ay ayaw naman niyang magturo sa lugar na ito, kinailangan niya lang ng pera.
"Hindi ka makakatakas Agatha. Ay sorry po, Ma'am Agatha pala." Sabi ng kanyang estudyante sabay turok ng injection sa likod ng guro nito.
"Please! Lalayo na ako! Hindi mo na ako makikita! Pakawalan mo na ako pati ang anak ko! Please, nagmamakaawa ako." Pagmamakawa ni Agatha, hindi niya ginusto ang ginagawa niya. Sa totoo lang, gustong gusto na niyang sabihin sa mga estudyante niya kung sino ito. Pero hindi niya magawa dahil papatayin ang kanyang pinakamamahal na anak.
"Dapat naisip mo yan nung umpisa pa lang Agatha! Walang hiya ka!" Sabi ng estudyante sabay turok ng isa pang injection.
"Mercy Killing, ahahaha! Ang poisonous drug na tinatarget ang internal organs ng isang tao. Don't worry, magkakaroon ka lang naman ng internal hemorrhage, bubula ang bibig mo at magiging violet ang balat mo. Ang talino ni Zyneth. Should I thank her para sa ginawa niyang project? Ahaha! Sino ba naman kasing tangang Chem teacher ang magpapagawa ng lason?! Alam mo bang si Zyneth lang ang nakaperfect sa lason na yun! At nahirapan akong nakawin yun kaya nageffort din naman ako sa pagkamatay mo Agatha." Si Zyneth ang gumawa ng Poisonous drug na iyon na kung tawagin ay EtnEX 008.
"Walang Hiya k-- *ugh* *ugh*!" Ang tanging nasambit ni Agatha bago sumuka. Sumusuka na siya ng dugo, kamatayan na niya na.
Maya maya pa ay nagkikisay na si Agatha, namatay siyang dilat ang mga mata. Nagkulay lila ang balat at bumula ang bibig. Masasabing tamang tama ang ginawang lason ni Zyneth. Sa totoo lang, third year pa nila project iyon.
"Thank you Zyneth, tinulungan mo akong patayin ang guro na ito." Sabi ng estudyanteng ito. Hinila na niya si Agatha papuntang water tank, hindi niya namalayan na bukas ay may maglilinis sa tangkeng iyon. Halos malustay na ang buong katawan ni Agatha dahil sa pababa ang daan sa tangke. Puro sugat ang mukha, pati katawan.
"Paalam Agatha." Sabi niya sabay kandado ng water tank.
end of flashback...
Reissah's POV
"Nakita si Ma'am ng mga naglilinis, sabi nila na sariwa pa daw ang sugat niya." Sabi ko kala Zyneth, nakabalik na kami ng classroom habang nagfa-flashback.
"Peste! Pinatay na din niya si Agatha! Teka, nasaan ba si Jorenz?" Tanong ni JA kaya naghanap kami, pero wala si Jorenz.
"Tawagan mo kaya?" Sabi ni Calland kaya agad naman itong idinial ni JA.
(Hello?)
"Nasaan ka?"
(Pare! Kilala ko na kung sino siya! Papunta na ako ng school!)
"Sige! Bilisan mo!"
"Ano sabi?!" Sabi ni Sabrea,
"Kilala na niya." Sagot ni JA kaya muntik na siyang masuntok ni Calland.
"G*go ka ba JA o sadyang B*bo ka lang?! Bakit hindi mo tinanong kung sino! Mamaya patayin na si Jorenz! Alam mo naman na matalino ang pumatay diba?! Bwisit JA! Hindi mo ginagamit utak mo e!" Sabi niya at napahilamos sa mukha. Maya maya, bumalik na ulit siya sa katinuan.
"Sorry sorry sorry sorry. Sorry talaga, di ko sinasadya. Nadala lang ako, sorry talaga. Iyon na kasi ang pagkakataon na malaman natin kung sino siya. Sorry JA. Sorry guys." Sabi niya samin kaya tumango lang kami.
"Tatawagan ko lang ulit." Sambit ni JA at idinial na ulit si Jorenz. Pero binalibag lang biya yung cellphone niya.
"Lowbat ako bwisit!" Nagsayang ng cellphone. -____- Dapat ibinigay mo na lang sakin.
"Sino may number ni Jorenz? Reissah, diba meron ka? Please nga oh." Sabi ni Zyneth kaya kinuha ko na yung cellphone ko, teka, saan ko ba yun nilagay.
"Hindi ko makita! Leche!" Sabi ko kayo hinalughog na ulit nila yung backpack ko pero wala talaga, pati yung damit ko halos hubarin ko na wala talaga!
"Patay tayo diyan. Sinabi ba niya kung nasaan siya?" Tanong ni Ran Alleck, umiling lang si JA kaya nalungkot na kami. Alam na namin ang kahihinatnan ni Jorenz.
3rd Person's POV
"Hi Jorenz!" Sabi ng isang babae sa likod ng kotse niya. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nakapasok na pala ito dito.
"Hindi ka man lang ba babati? Oh, alam mo na siguro ang kahihinatnan mo diba?!" Dugtong pa niya habang hinihimas ang mukha ni Jorenz.
"Say your last words Jorenz." Sabi niya at sinuntok ni Jorenz ang kasama sa kotse, makakatakas na sana siya ng bigla siyang saksakin nito. Ang asul na kutsilyong may lason na ginawa ni Zyneth, na kung tawagin ay EtnEX 008.
"Hayop kang babae ka! Mamamatay karin! Mamatay k-- *ugh* *ugh*" Sumuka na si Jorenz habang nakahiga sa gitna ng kalsada na walang katao tao, silang dalawa lang ang nasa lugar na iyon kaya imposibleng makihingi pa siya ng tulong.
Hindi alam ni Jorenz na nilalason na pala siya, nararamdaman niya ang bawat pagpunit ng kanyang laman, walang kaawa awang pinagsasaksak muli ng babae si Jorenz. Tuluyan ng namaalam si Jorenz sa mundo at nilamon na ng kadiliman.
"Salamat talaga sa Zyneth sa paggawa ng Lason na ito. Kung alam mo lang na ito din ang papatay sayo!" Sabi niya at hinila si Jorenz papasok ng kotse. Nilagyan niya ito ng bomba. Sumabog na ang kotse at pumunta siya sa di kalayuan. Nakita na lamang niya ang pugot na ulo ni Jorenz na lumilipad papunta sa kanya pero hindi niya ito pinansin.
"Kailangan kong magbihis. Puri dugo ako." Sambit niya sa kaniyang sarili at tuluyan ng nilisan ang lugar na iyon.
-/-/-/-/-/
A/N: OmO!! UD na siya yey! xD Tigil muna tayo sa patayan, xD ahahaha! Wala pa kasi sigurong clue kung sino ang pumapatay e. :3
BINABASA MO ANG
Chess Pieces 1: Celestine Academy
Mystery / ThrillerBook 1 of Chess Pieces Trilogy 1st Section 50 students 1 killer Try and find before 50 shades of red ink take over. Are you ready to take risk in a game where your own life is at stake? This is CELESTINE ACADEMY, where one wrong move KILLS YOU! 5 4 ...
