JA's POV
Papunta kaming pito ngayon sa lumang library na nandun sa video. Medyo creepy, in short-nakakatakot. Oo lalaki akong tao pero kakaiba yung pakiramdam eh. Hindi naman sa natatakot ako, pero pano kapag ikaw yung nasa sitwasyon ko! Magfa-five thirty na ng gabi, hinintay muna naming matapos ang klase bago kami pumunta sa dito sa building na 'to. Kahit wala naman kamig klase, para safe kasi baka may makakita pa sa amin. May nakasulat na "Prohibitted Area" sa labas ng building.
"I-itutuloy pa ba natin 'to?" Tanong ni Reissah. Kasalukuyan niyang kasama si Leonaji. Well, teka? Bakit parang wala si Aicken eh sinabihan naman namin siya?
"Oo, nandito na tayo eh." Sagot naman ni Alleck. Wala masyadong nagpupunta sa lugar na ito, kumabaga sa tao, nilimot at iniwan na. Nagfe-fade nadin ang pintura, halata na prohibitted na pumunta ang mga estudyante dito. Pero nilabag namin.
Bawat hakbang ay sinisiguro namin na walang mangyayari. Sa wakas, nakarating nadin kami sa silid-aklatan na ito. Una akong pumasok, sobrang alikabok, pero isa lang ang ipinagtataka ko eh. Wala namang pumupunta dito pero ayaw pang gibain at gawing bagong building? Aish.
"Guys, safe. Medyo maalikabok lang, Leonaji, may hika ka diba? May dala ka bang face mask?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya. Hay nako.
"Maiwan ka na lang diyan, look out na din." Sambit ni Calland. Kanina pa walang kibo si Yassi at Zyneth. Mababakas sa mga mukha nila ang takot, bakit nga ba namin ginagawa ito? Isa lang, gusto naming masagot lahat ng katanungan sa isip namin.
"G-guys? A-alis na kaya t-tayo? A-ang c-creepy kasi eh." Sabi ni Yassi. Sabi nga ni Alleck kanina, wala na 'tong atrasan.
"Wala na tayong magagawa, nandito na tayo, ituloy na lang natin 'to." Sabi ni Calland. Nagmatsag kami sa loob. Wala namang kapansin-pansin dito kindi yung creepy na look niya. Maayos naman ding nakahilera ang mga libro.
"Guys, tignan niyo 'to." Sabi ni Alleck. Pumunta kaming lahat sa kanya. Isang yearbook? Batch 1989-1990.
Agad namin yung biniksan. Lahat ng section namin ngayon ay nandun din. Pero sa dulo, hindi pamliyar yung pangalan nung section.
Wala din kaming nakitang section Eternity sa Yearbook na katulad nung sa video. Pero tinignan namin yung Perpetuity na section.
"Look carefully, Celestine Gue-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Zyneth ng may marinig kaming isang kalabog. Sht! Si Leonaji!
Reissah's POV
Isang malakas na kalabog ang gumimbal sa lahat. Agad na tumakbo si JA sa pinupuwestuhan ni Leonaji. Agad ko siyang sinundan.
Huli na ang lahat. Masaklap. Talagang binubuwisit na ako ng damuhong killer na yon!
"Lumabas ka! Bakit ba ang duwag mo! Hindi mo kami kayang harapin! Wala kang kwentang mamatay tao!" Singhap ko habang yakap-yakap si Leonaji.
"Ako? Duwag? HAHAHA!" Dinig ko. Nagkatitigan kami ni JA. Agad namang lumabas ang mga kasama namin sa loob.
"Guys takbo! MAY PAPALAPIT DITO!" Napatingin kami sa likod namin ng may makita kaming naka-bestidang babae. Puro dugo yung katawan niya. Malamang siya ang pumatay kay Leonaji!
"Reissah tara na!! Iwan mo na diyan si Leonaji!! Patay na siya!" Sigaw ni Alleck. Gustuhin ko mang maiyak pero wala na akong panahon dun. Paalam na Leonaji.
"Takbo!! Bilis!!" Teka? Bakit ba ako tumatakbo eh doon din naman pupunta ang lahat?
Zyneth's POV
"Reissah! Bakit ka huminto!" Sigaw ko kay Reissah, tinalikuran niya ako na parang walang naririnig. Hindi siya pwedeng mamatay! May kailangan pa kaming malaman sa kanya ngayong alam na namin ang nakaraan!
Nakita kong tumakbo si Alleck sa banda ni Reissah at kinuha ito. Mabilis niyang binuhat si Reissah, alam ko na ang nasa isip niya. Wala na si Leonaji, ano pang silbi ng lahat?.
"ZYNETH! TARA NA!" Sigaw ni Calland sa akin. Tumakbo ako ng tumakbo. Hanggang sa makalabas kami ng building na iyon. Hindi na ako babalik doon. Buti't nakuha na namin ang gusto naming makuha.
"G-guys?! Nasaan si Yassi?!" Sigaw ni JA. Sht! Yassi Mari, kailangan mong makaalis!
Maya-maya ay nakahinga na kami ng maluwag ng makita namin si Yassi.
"Muntik na ako dun ah!" Sabi niya. Agad na kaming umuwi sa kaniya-kaniya naming bahay.
Nang makauwi ako sa bahay, agad kong binuklat ang Yearbook. Perpetuity. So ang section na ito ang Eternity noon.
Nabitawan ko ang nasabing libro ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. What? May nakaipit na mga sulat? Aish.
"Sino yan?" Tanong ko, narinig kong sumagot si Yassi kaya pinatuloy ko na ito.
"May clue na ba kayo?" Tanong niya sa akin. Sa totoo lang, wala pa. Umiling ako ng marahan.
Muli kong binuklat ang libro. Celestine Guevarra. Sino ka ba talaga? Ang hirap na! Para kaming mga detectives na kahit isang clue ay walang mapanghawakan.
Nakipagkuwentuhan muna ako kay Yassi ng ilang minuto pagkatapos ay nagpaalam nadin siya. Napansin kong naiwan niya ang panyo niya sa kwarto ko. Hahabulin ko pa sana siya kaso nakaalis na siya. Inilagay ko muna iyon sa closet ko.
"Guevarra? Parang familiar yung apelyidong yan!" Pinipilit ko talagang maalala kung saan ko narinig ang apelyidong iyan.
*toot* *toot*
Aicken calling...
"Hello?"
"Hello Zyneth, sigurado na talaga ako sa nakita ko kanina, please maniwala ka. Kilala ko na ang killer."
"Sino?"
*toot*
Binaba niya ang phone. Okay. Naniniwala naman ako kay Aicken eh. Hindi ko alam kung paano siya napagbintangan ng ganun-ganun na lang.
Nag-vibrate ang cellphone ko. Nagtext siya. Huh? Paanong naging siya eh kasama namin siya kanina? Imposible.
Calland's POV
Kilala ko na. Alam ko na. Humanda siya sa akin. Napaka-careless niya palang pumatay? Bakit hindi ko pa 'to nakita sa simula pa lang?
*toot* *toot*
Message from Aicken. Aish. May meeting daw bukas about sa JS. Sasali pa ba kami doon? Haish.
A/N: Heyy!! Ilang months na ba ang nakalipas noong huli kong in-update ito? Hahaha. Okay, magtatapos na po ito sa Chapter 30. Ang hirap ng umisip ng plot kapag nasa climax hahaha. Salamat! Vote Commenr and share po! :)
BINABASA MO ANG
Chess Pieces 1: Celestine Academy
Misterio / SuspensoBook 1 of Chess Pieces Trilogy 1st Section 50 students 1 killer Try and find before 50 shades of red ink take over. Are you ready to take risk in a game where your own life is at stake? This is CELESTINE ACADEMY, where one wrong move KILLS YOU! 5 4 ...
