Yassi Mari's P O V
Nakasakay ako ngayon sa school bus. Kinakabahan ako, pupunta kasi kaming Region IV-A. -.- Ang layo. Doon kasi gaganapin ang chess battle. Naalala ko tuloy ang mga nangyayari sa school. Gusto ko ngang umalis para mabuhay ako. Kaso wala naman kaming kawala.
"Yassi, are you ready?" Tanong sa akin ni Teacher Andree. Coach ko sa Chess, kailangan kong maipanalo ang laban ko.
"Yes po." Sabi ko sabay talon sa upuan ko. Ngumiti naman siya ng kakaiba. Huh?!
Zyneth's P O V
Masikip. Madilim. Malamig. Maginaw. Pakiramdam ko ay nakalublob ako sa tubig. Hindi ako makahinga. Tulong! Tulungan niyo ako!
Nakaahon ako sa tubig na iyon at nakahinga ng maluwag. Maya-maya pa ay may bumubula sa may gilid ko. Tao. May kasama ako!
Isang babaeng nakaharang ang mahahaba niyang buhok sa kaniyang mukha. Nakaputing blusa siya na puro bahid ng dugo! Pinilit kong lumayo sa kanya ngunit bigo ako, nahawakan niya ang braso ko at...
"AAAAAHHHH!!!!" Hiyaw ko. Nanaginip lang pala ako. Hindi ako pweden magkamali, si Aicken ang babaeng nasa panaginip ko. Siya an babaeng nakaputing blusa. Tinignan ko ang braso ko. May marka iyon ng kamay, namumula. Mahigpit na hinawakan iyon pero bakit hindi ko naramdaman?!
"Zyneth?! Ayos ka lang ba?!" Narinig ko si Mommy na kumakatok sa kwarto ko. Agad kong binuksan ang pinto pero hindi si Mommy ang nakita ko!
SI AICKEN NA NAKAPUTING BLUSA!! DUGUAN AT NAKATAHI ANG BIBIG!!
"AAAAHHHH!!" Panaginip sa panaginip?! Pano nangyari yun?! Ngayon lang nangyari sakin ito!!
"Z-zyneth... t-tulungan mo a-ako..." Yung boses na yun, s-si Aicken nanaman?! Nananaginip lang ako diba?! NANANAGINIP LANG AKO!!
Nakita ko siya na nasa isang sulok ng kwarto ko. Nababaliw na ba ako?! Umiiyak siya! Gusto ko siyang tulungan pero nakakatakot ang hitsura niya!
"Bakit Aicken?! Buhay ka pa diba?! Bakit naman ganito?!" Tanong ko sa kanya pero lalo lang lumakas ang pag-iyak niya! Aaarrraay!! Masakit na sa tenga!!
"MMOOOMMMYYY!!! DDDAAADDDDYYY!!! TULUNGAN NIYO PO AKO!!" Pakiramdam ko ay walang lumalabas na boses sa bibig ko at walang nakakarinig sakin!
"ZYNETH!!!" Napabalikwas na lang ako sa kama. Grabe, parang totoo!! Binabangungot ako. Sleep Paralysis.
"Zyneth, anak! Ano bang nangyayari sayo?! Tulog ka pero pabalik balik ka sa pinto mo at binubukas-sara mo iyon! Tapos kinakalabog mo yung pinto? May sakit ka ba?!" Tanong sakin ni Mommy. Anong oras na ba?
"Mommy, papasok na po ako." Sambit ko at naligo na ako. Kumain ng agahan at hinintay ang service.
Nang makarating ako sa classroom. Pinagmamasdan ko si Aicken. Posible kaya ang sinasabi ni Ran Alleck?
"Zyneth! Good morning!" Sabi niya sakin at hinawakan niya ang braso ko kaya napaiwas ako. Nagulat naman siya sa naging reaksyon ko.
"S-sorry Aicken. Di ko sinasadya." Sabi ko at nauna ng pumasok sa kanya sa room.
Nagkakaingay na sa room pero wala pa din paki si Aicken. Hindi naman siya ganito dati. Kaya tinanong ko siya.
"Aicken, bakit ayaw mo silang sawayin?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos lang yan, wala namang teacher ang maglalakas loob na sawayin ang kaingayan natin diba?" Sagot niya sa akin, sabagay may point siya. Pero nagiiba na talaga ang mga kinikilos niya eh.
"Zyneth. Anong ginawa mo kay Aicken?" Tanong sa akin ni Nikolo. Umalis kasi si Aicken pagkatapos niyang sagutin ang katanungan ko.
"Ikaw? Anong ginagawa mo kay Zyneth?" Sambit ni Calland. Wow lang Calland! I highly appreciate your kindness to me.
Hinila ako ni Calland papalayo kay Nikolo. Ang weird talaga ng lalaking yun! Aish!!
"Pabili nga ho ng bottled water." Sabi ko sa canteener. Agad naman niya akong inabutan ng tubig. Inubos ko yon. Ay teka, nakalamutan ko si Calland. Nakatitig lang pala siya sa'kin buong lagok ko. Nakakailang.
"Zyneth... ahm... ano kasi..." Kinamot pa niya bahagya yung ulo niya. Kumunot naman ang ulo ko.
"Ano yun?" Hinila nanaman niya ako. Sige, maghilahan na lang tayo dito. Nakaupo na kami ngayon sa grotto. Naks grotto. Wala eh, mayaman ang school na ito.
"Ganito kasi yon. Kung napapansin mo. Si Aicken, diba hindi naman niya alam na kapatid niya si Nikolo? O baka naman alam niya ayaw lang sabihin sa atin? Kasi tignan mo. Ayon sa experience ni JA. May kasamang lalaki yung babaeng killer. So baka nagpapanggap lang si Aicken at Nikolo?" Sabi niya. May point siya dun. Pero bakit kailangan pa niyang lumitaw e mas mapapadali ang pagpatay niya kung alam naming siya ay patay na kaya hindi siya mapagbibintangan?
"Tignan mo o, magkasama si Aicken at Nikolo." Sabi ni Calland. Ano naman ngayon kung magkasama sila? Kami nga din magkasama, hindi niya ba napansin yun?
"Kanina ka pa walang kibo. May sakit ka ba?" Bigla nanamang pumasok sa utak ko yung nangyari sa akin kanina. Sleep paralysis.
Yassi Mari's P O V
Defeated. Walang kwenta. Walang utak. Walang isip. Iyan ang tingin ni Yassi sa kaniyang sarili matapos ang tatlong laban ay talo parin siya.
"It's okay. Alam ko namang mahirap ang mga kalaban mo dahil Nationals na ito." Sabi sakin ni Teacher Andree. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Hiyang hiya ako sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanila.
"Yassi, kumain ka muna." Saad ni Teacher Andree sa akin. Nakatingin sa kawalan. Masakit para sa akin ang matalo. Imbes kasi na ipanalo ko yun, ay natalo pa ako. Minaliit ko kasi masyado ang mga kalaban ko.
Fines' Restaurant (this is a product of my imaginationXD this restaurant doesn't exist! Pero kung gusto niyong matikaman ang mga luto dito, punta kayo dito sa wattpad worldXD)
"Yassi! Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? Diba sabi ko sayo ay ayos lang ang matalo? Pero hindi ibig sabihin nun ay talo ka na talaga! Kailangan mong harapin ang mga susunod na pangyayari Yassi! You need to face everything!" Oo. Tama si Teacher. Kailangan kong tibayan ang loob ko at matapos na ang labang ito!
Aicken's P O V
Ang gaan ng loob ko sa kanya. Para ko siyang kapatid. Ang mga mata niya ay halos kamukha ng sakin. Teka? Ano nga ulit full name niya?
"Uy Nikolo, ano full name mo?" Tanong ko sa kaniya at umarap naman siya sakin habang nainom ng Cola.
"Iann Nikolo Poe." Poe? Parang pamilyar! Ah! Yung kaklase ko dati nung elem ako ay Poe ang apleyido!
"May plano na ba?" Tanong niya sakin. Ngumiti naman ako ng kakiba sa kaniya kaya napatawa kaming dalawa.
---x
A/N: Uwah!! NagUD ako kasi, PUTOL YUNG INSIDIOUS NA IBINIGAY NA MOVIE SAKIN NG KAKLASE KO!!! Paging Shane, walang copy ng Pitch Perfect 2!!! TT^TT ibang movie yata yung nacopy mo. TT^TT Polergiest ba yun? Basta yown! Hoy Hakobe, yung Insidious, lufet! Bakit putol?! By the way, CPRreaders! xD CPR for short, vomments naman diyan!!! xD Kamsa ~ !
BINABASA MO ANG
Chess Pieces 1: Celestine Academy
Mystère / ThrillerBook 1 of Chess Pieces Trilogy 1st Section 50 students 1 killer Try and find before 50 shades of red ink take over. Are you ready to take risk in a game where your own life is at stake? This is CELESTINE ACADEMY, where one wrong move KILLS YOU! 5 4 ...