Chapter 5: State of Coma

300 14 4
                                        

Aicken's POV

Sheet! Ang sakit sa puso ng sinabi ni Ma'am, ayaw ko. Ayaw ko! Habang naglalakad ako, naalala ko na may kukuhanin pa nga pala ako sa Library. Nakayuko. Hindi alam kung pano haharap sa pagmumukha ng Adviser ko bukas.

Walang librarian? Bakit? Ish... kahit wala, dirediretso padin ako sa paglalakad, ewan ko ba, kinakabahan ako.

Pumunta na ako sa Nonfiction Shelf. Habang may kinikuha ako, may humawak ng leeg ko! F*ck!

"Wag kang maingay Aicken! Don't worry, hindi kita papatayin!" Sino yun?! Boses babae?!

"D*mn you! Sino ka ba?! Bitawan mo nga ako!" Sa panahon ngayon, hindi na uso ang takot, kailangang lumaban!

"Don't you dare call me a damn!" Sinampal niya ako! F*ck ang sakit! Dumugo pa yung labi ko!

"Hindi pa sana kita papatayin Aicken e, kaso, binuwisit mo ako." Pinilit kong tanggalin yung maskara niya pero malakas siya kahit babae siya! Pinagsisipa, pinagsusuntok, pinagsasampal, wala! Walang nangyayari! Hindi parin ako makawala!

"Wag kang malikot!" Sinikmuraan niya ako kaya hindi ako makagalaw! F*ck! May parang matalim na bagay na dumampi sa mukha ko, naramdamang ko ang pulang likido na tumutulo sa mukha ko at kapag gumalaw ako, siguradong didikit yun sa mata ko! Kaya pilit kong kinuha yun kahit masakit sa kamay at binalibag.

"Magaling Aicken, pinapahanga mo ako!" Kinuha niya yung buhok ko at sinabunutan! F*ch her!

"Gusto mong uminom?" P-parang kilala ko ang boses na to?!

"Heto o! Inumin mo tong Muriatic Acid! Masarap yan!" Sheet! Pinilit kong sumipa! At yes! Nagtagumpay ako! Kinuha ko ang hawak niyang muriatic acid kahit may sugat ang kamay ko. Sinaboy ko sa mga kamay niya. Nakakadiri ang itsura! Lulmolobo tapos puputok!

Tumakbo ako palabas ng library at nakita ko si Ran Alleck!

"Alleck! Tulong! ALLECK!" Hiyaw ko at napatingin naman siya, tumakbo ako palapit sa kanya.

"Aicken! Anong nangyari sayo?!" Nagpapakasaya. -.-

"F*ck!" May humablot samin ni Ran Alleck kaya napamura din siya! Dahil lalaki naman siya e nasuntok niya yung humablot samin at tumakbo malapit sa SC room.

"Sinong gagawa nun?!" Tanong niya sakin, oo. Sino nga ba ang pwedeng gumawa nito?!

Zyneth's POV

Magkasama kami ngayon nila Calland dahil humahanap kami ng mga info sa kaklase namin, nandito kami sa SC room.

"Calland, nakita mo ba si Ran Alleck?" Tanong ni Abigaille kay Calland.

"Ah, sabi niya bibili lang daw siya ng pagkain. Pabalik na din yun." Sabi naman ni Calland.

*KALABOG KALABOG KALABOG* (cheap effects ng malaka na kumakatok sa pintuan ng SC Room XD)

"TEKA!" Hiyaw ni Athena at bnuksan yun.

"PRES! ANONG NANGYARI SAYO?!" Bulalas ko, nakita ko kasi na may sugat yung mukha niya na pa-letter I?! Diba, ganito din yung na kay Ice?! Sheet! At dumudugo yung kamay niya, yung kabilang pisngi naman niya, namumula na parang sinampal.

"Pumunta tayo ng Clinic!" Sabi naman ni JA at umiling siya agad.

"Walang lalabas!" Sabi niya at inilock ang pinto na kinagulat namin. Sheet, yung pulang likido sa pisngi niya e tumutulo padin, diretso sa puti niyang blusa kaya pinuntahan ko kaagad siya.

"Maupo ka muna Pres." Sabi ko.

"Ano ba kasing nangyari?!" Tanong ni Charmaine.

"Papunta ako ng Cafeteria, bigla na lang akong tinawag ni Aicken tapos nakita kong ganiyang na siya, pumunta ako sa kanya. Tinanong ko kung anong nangyari ng may biglang humatak samin. Sinuntok ko tapos tumakbo ba kami dit-" Pinutol ni Aicken ang sasabihin ni Alleck.

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon