Chapter 4: Investigation Starts

307 16 6
                                        

J.A's POV

Kailangan kong mahanap kung sino ang gumawa nun sa kaibigan ko, pagsisihan niya to!

"Sinong may gawa nito?! Umamin na kasi!" Sabi ni Ivee na naiiyak padin, naiintindihan ko siya kasi boyfriend nga niya si Ice. Nakita ko ang mga kaklase ko, walang kibo.

"I-ivee, walang aamin kasi pumatay siya ng tao." Sabi ni Aicken kay Ivee.

"Ano bang ginawang masama ni Ice sa inyo ha?! Ang bait bait niya!" May narinig na kaming ambulansiya sa baba, dumating na ang adviser namin.

"Class, alam niyo naman siguro ang nangyari kay Ice, Ivee, naiintindihan ka namin. Class, kung sino ang gustong pumunta sa burol ni Ice, sasamahan ko kayo." Sabi ng adviser namin.

"Ma'am, may suspect na po ba dito? Imposible naman pong suicide ang nangyari." Sabi ni Zyneth. Oo tama! Kaya nga kailangan na nating mag-ingat.

"Nagsisimula na ang imbestigasyon, sa ngayon wala pa. Pero I'm sure, mahuhuli din siya, okay dahil sa nangyaring ito. Umuwi muna kayo ng bahay." Sabi ng Adviser namin kaya nag-ayos na kami ng gamit, cleaners kami ng group 2.

"Claeners maiwan!" Sabi ni Jaxel, leader namin.

Nakapaglinis na kaming lahat, yung iba nagwalis, yung iba pinunasan ang board, ang iba nag-ayos ng upuan. Umalis na ang iba at naiwan ako, pinilit iniisip kung sino ang pwedeng gumawa nun kay Ice.

"Sino kaya?" Nadinig kong may nagsalita, paglingon ko, si Abigaille.

"Wala akong alam! Sheet! Bakit ba kasi to nangyari?!" Tanong ko sa kanya.

"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." Sabi ni Abigaille na nagpakilabot naman sakin.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya tapos ngumiti lang siya.

"Basta mag-iingat ka, tara uwi na tayo." Sabi ni Abigaille. Ang creepy!

Nauna na siyang bumaba kasi inilock ko pa ang pinto namin, ang iba namang klase, tuloy pa din.

"AAAAAAAAHHHHHH!!!!!" F*ck sigaw yun ni Abigaille! Mabilis akong pumunta ng hagdan kung nasaan siya. Nakita ko siya na nakaupo! Naglabasan din ang ibang estudyante.

Good luck section Eternity! Sana matapos niyo ang school year na ito!

Nabasa ko yun sa may gilid namin, baka dun natakot si Abigaille!

"Abigaille, tahan na!" Sabi ko at nilapitan siya.

"A-ayoko pang mamatay!" Sabi niya.

"Walang mamamatay." Sabi ko.

Aicken's POV

"Sheet naman o! Nakalimutan ko yung Portfolio ko sa room! Diba Aicken may duplicate ka?" Tanong sakin ni Riessah. Anak ng tokwa!

"Oo, bukas mo na lang kaya balikan?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Hindi pwede, nandun yung iba kong gamit, sa folder na yun." Sabi niya kaya no choice ako. -.-

Habang pabalik kaming classroom, nakita namin si JA at Abigaille.

"Ano nangyari?!" Tanong ko sa kanila at tinuro naman ni JA yung nasa gilid niya.

"F*ck! Abi, Pumunta muna tayo sa room. Tatawagin ko lang lahat ng officers." Sabi ko at pumanik na ng room namin, nadatnan namin dun si Yassie Mari sa room namin.

"Oh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Nakalimutan ko yung water bottle ko e." Sagot naman niya, teka?! Pano siya nakapasok?! E nasa akin lang naman ang Susi at kay Jophin?!

"Pano ka nakapasok?!" Tanong ko sa kanya.

"Hiniram ko kay Ma'am yung susi, sige alis na ako. Uwi na din kayo." Sabi niya. Ah 'key!

Naghintay pa kami ng ilang minuto at dumating na lahat ng officers.

"Now, let's start." Sabi ko. Since bestfriend ko naman si Riessah, pinaiwan ko na siya.

"Ano bang pagmimeetingan at kailangan dito pa sa room?" Tanong sakin ni Calland, hinigit ko siya papuntang hagdan kung saan nakasulat yung nakita namin.

"A-ano to? Dito kami nagdaan kanina pero hindi ko to nakita?" Pumunta ako ng Faculty room at nag-excuse sa aming adviser.

"Ma'am, may ipapakita lang po kami sa inyo." Sabi ko at tinignan niya ako, tumango siya at lumabas. Lumabas na din ako at pumunta na kami dun sa Hagdan.

"What's this?! Tinatakot niyo lang mga sarili niyo! Wag kayong maniwala diyan!" Binura ni Ma'am ang nakasulat dun, nabura siya. Dugo, dugo ang ginamit na pangsulat.

"Aicken! Stop this, ayaw kong tinatakot ang klase ko! Kapag hindi pa ito natigil, papalitan ko ang set ng officers!" Sabi ni Ma'am. Aba putik! Masakit yon, ayaw ko. Mahal ko ang ginagawa ko. Napaluha na lang ako at dumiretso sa room namin.

"Guys, let's stop this, ayokong nadadamay kayo ng dahil sakin." Sabi ko at umalis na.

Calland's POV

Masakit yun, sobra. Naiintindihan ko naman si Aicken e. Gusto lang din naman niya kasing tumulong sa nangyari. Bumalik ako ng classroom pero wala na dun si Aicken.

"Nasaan si Aicken?" Tanong ko.

"Umalis na, sabi pa nga e itigil na daw natin to. Ayaw daw niyang nadadamay tayo ng dahil sa kanya. Ano bang nangyari?" Tanong sakin ni Zyneth. Haay, grabe naman kasi e.

"A-ano kasi, pinakita ni Aicken kay Ma'am yung nasa hagdan." Sabi ko at nakunot naman ang noo ni Zyneth. Haay, apag wala ang Pres, Vice Pres na ang sausunod kaya go.

"Okay, ganito ang nangyari..." Ikinuwneto ko na nga ang nangyari. Nabigla din sila syempre. Nakita ko si Reissah na biglang tumayo.

"Kaya pala umiiyak siya pagdating niya dito, tinawag ko nga siya pero hindi niya ako pinansin." Sabi niya.

"Pero sino ang pumatay kay Ice? Ano? Agents na tayo ngayon? I like this!" Sabi naman ni Athena.

"Hindi tayo makakakilos ng wala ang Presidente."Sabi ko.

"Pero para saan pa ang Bise Presidente?" Sabi naman ni Zyneth.

"Oo, pero si Aicken, gusto lang din naman niyang tumulong." Sabi ko at nag-nod naman sila.

"Okay sige ganito, lahat ng kaklase natin, kunin niyo lahat ng impormasyon nila. 49 na lang tayo kaya kailangan mag-ingat." Sabi ko.

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

A/N: Hello guys! Tagal bago iupdate to! Sorry po ah! Sana po maintindihan niyo! Kamsa~! Vomments Please!

P.S. : Hooy yung mga kaklase ko na lagi akong minemessage, tinetext at kinukulit na iupdate to, inupdate ko na po. Uso po ang mag-vote at comment! Yun na nga lang kasiyahan ko e! Hahahaha! Arigatou!~

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon