Athena's POV
Nandito kami ngayon sa burol ni Aicken, Haay, wala na talaga siya. Miss ko na siya agad. Mahal na mahal namin yon, pano ba naman kasi, iniintindi niya kaming lahat. Kapag kasalanan ng iba, siya ang sumasalo sa galit ng teacher namin, masakit yun. Lalo na kapag nagkasala ang iba naming kaklase sa Curriculum Chairman, siya ang magsosorry kahit hindi niya kasalanan. E ano nga ba namang magagawa niya? Presidente lang naman siya, nasasaktan at umiiyak din.
Ipina-cremate siya, ewan ko ba kung bakit. Yung putok ng baril kahapon, aish. Hindi yun sa school. Sa Munisipyo, malapit lang kasi ang Munisipyo sa CA. Kaya kinabahan kami. Yung sa CCTV, hindi parin maipaliwanag ni Jorenz!
"Hanapin niyo siya, ang pumatay sa anak ko. Bago mamatay si Aicken, may sinasabi siyang hindi ko maintindihan. Isang pangalan." Alam ni Aicken?! Kilala niya kung sino?! Bakit pa siya namatay!
"Hindi niyo po ba talaga naintindihan?" Tanong ni Zyneth kay Tita, pero si Tita, umiling lang. Halos kulang na lang, sumabog yung mata niya sa sobrang pula.
Maniac Cutter's POV
HAHAHAHAHA! NAKAKADALAWA NA! 2 DOWN, 47 TO GO! HUMANDA KAYO GUYS! HAHAHAHA!
"Ano? Confirm na bang patay si Aicken?" Tumango ang kausap kong lalaki. HAHAHAHA! Pagkatapos mo akong kaibiganin, iiwan mo ako sa ere Aicken?! Yan ang napapala mo!
"Si Ice, HAHAHA! Ang tanga ng nag autopsy!" OO! Ako ang dumukot ng mga mata ni Ice, ang saya! BOO! At hindi nagsuicide si Ice! Ano siya tanga?
Calland's POV
Ako. Ako na ang papalit sa pwesto ni Aicken, kaya ko ba? Kalalaki kong tao, natatakot ako sa responsibilidad na to! Nakikita ko kasi si Aicken, hirap na hirap. Napapailing na lang tuloy ako.
Papauwi na ako galing burol ni Aicken, kay Ice hindi pa kami nakakapuntang officers, baka bukas.
1 message received...
Hey Calland! Mag-iingat ka! Baka mapatay na kita, HAHAHAHA!
Fr: 09001234567
8:30 pm.
Anak ng tokwa't baboy! Malaman ko lang kung sino kang damuho ka! Papatayin kita! Nandito nako sa harap ng bahay, ish! Kapagod. Nasa akin nga pala yung hard drive, panuorin ko muna.
Naglinis muna ako ng katawan bago ko itambak ang katawan ko sa kama at kinuha ang laptop. Isinaksak ko na ang hard drive at hinanap ang CCTV footage, ang papanuorin ko ngayon, kung pano nakatakas yung damuho na yun! Nilason pa ako ng walang hiyang yon!
Habang nanunuod ako, napansin ko na biglang gumalaw si Aicken nung nawalan ako ng malay, yung iba kong kasama, tumba lahat. Si Zyneth, hindi din makagalaw.
Napapanuod ko sa video kung paano ako sinugutan ng lintik na yun! Si A-aicken, nahablot niya yung maskara nung damuho na yun! Leche! Bakit nakatalikod sa CCTV! Lechugas!
"Calland, samahan mo nga si Ellise. May bibilin lang daw." Aish! Asar naman tong kapatid ko o!
"May ginagawa ako!" Sabi ko. Aish! Anakanangnanaymo!
"Saglit lang." ANG KULIT!
"Mi! May ginagawa akong napaka importante! Kapag hindi ko to nagawa baka mapatay ako!" Sabi ko kaya yun, lumubay na. :3
Ipinagpatuloy ko ang panunuod o! Lechugas! Clare Aicken Violago! Bakit ka namatay kung kilala mo na kung sino?! AAIIISSH!
Dumating na si Ma'am Agatha, binuhat niya si Aicken. Hay nako. Kung alam ko lang, kung alam ko lang! Bwisit na taiser yon!
BINABASA MO ANG
Chess Pieces 1: Celestine Academy
Tajemnica / ThrillerBook 1 of Chess Pieces Trilogy 1st Section 50 students 1 killer Try and find before 50 shades of red ink take over. Are you ready to take risk in a game where your own life is at stake? This is CELESTINE ACADEMY, where one wrong move KILLS YOU! 5 4 ...
