Chapter 30: Bad Dream

117 5 0
                                    

Nikolo's POV

*BANG*

"RRREEEIIISSSAAAHHH!!!"

Nakita ko si Reissah na may kasamang mga pulis, tanging ako na lang ang may malay sa aming walo. Na-baril ng kasama ni Reissah si Yassi pati na si Warren.

Walang malay si Yassi at Warren.

Agad kong nilapitan ang mga kasama ko. Masaya ako ng nalaman kong lahat sila ay may mga pulso pa. Hay. Thank you po God.

"Bilis po! Kunin niyo na po ang mga kaibigan ko! Dalin niyo po sila sa ospital!" Sabi ni Reissah. Tapos na, tapos na ang paghihirap namin!

"Reissah, salamat at dumating ka! Salamat talaga!" Sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako, nakikita ko sa mga mata niya na malungkot siya.

"Buti naman at lumaban kayo, akala ko talaga huli na ako." Wika niya at tumawa. Kailangan na ba naming magsaya?

*AT THE HOSPITAL*

Emergency Room

"Doc, please nagmamaka-awa po ako. Please save them!" Halos kaladkarin na ni Reissah yung Doktor. Alam kong malalabanan nila 'to. Kaya nila 'to.

"Yes, gagawin naman namin lahat." Sabi ng Doktor at bumitaw na si Reissah. Umiiyak na si Reissah.

"Reissah, okay na. Kaya nilang labanan lahat ng 'to. Ngayon pa ba sila susuko? Ngayong wala na si Yassi? Hindi sila ganung tao. Pero teka, ikaw lang ba ang nakaligtas?" Tanong ko sa kanya.

"Reissah! Nikolo!" Narinig kong sigaw ni Sein. So, nakaligtas din siya?

"Mr. Violago?" Tanong nung Nurse sa akin. Tumango lang ako.

"Sir, gagamutin po muna namin yung sugat niyo." Nakalimutan ko, may sigat din pala ako. Kaso hindi naman 'to yung masakit eh.

"Sein, nasaan sila Leisselle?" Narinig kong tanong ni Reissah. Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sumunod na pangyayari dahil pumunta na ako sa isang bakanteng kwarto.

"Sige Nikolo, kami ng bahala kala Calland. Pupunta na lang kami ng kwarto mo." Sabi ni Sein kaya tumango lang ako.

Reissah's POV

Naalimpungatan ako nang tapikin ako ng isang Nurse. Agad naman akong bumangon.

"Ms. Montemayor, pinapatawag po kayo sa ER." Sabi nang Nurse kaya agad akong pumunta sa ER.

Nakita kong nakatayo yung Doktor sa banda ni Calland. Tanging si Calland na lang ang nasa ER. Nasaan na kaya sila Alleck? Lumapit ako sa kaniya.

"Doc?" Tanong ko, tumingin siya sa akin at ngumiti. Ewan ko pero, nawala yung tinik na nakabaon sa puso ko. Parang ang sarap ng huminga ngayon kesa kanina.

"They're all safe. Medyo malalim lang ang pagkakasaksak kay Calland kaya hindi pa siya nagi-gising. Pero maya-maya lang eh magigising nadin siya. Yung iba mong kaibigan eh naihatid na sa mga vacant rooms. Tignan mo na lang sila doon." Sabi sakin ng Doktor. Ang saya ko. Kahit wala na siya.

"Reissah! Gising na si Zy!" Masayang wika ni Rielle sa 'kin. Agad akong tumakbo sa dako niya st pumunta kami sa kwarto ni Zyneth.

"Zyneth!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Sobrang saya ko!

"A-ouch." Sabi niya, nakalimutan ko, sariwa pa nga pala ang pagkaka-saksak sa kanya ni Yassi. Nasaan na nga pala si Yassi at Warren?!

"Sorry, natuwa lang ako!" Sambit ko sa kanya at tumawa. Hindi siya makatawa kasi halatang nasasaktan siya sa sugat niya.

"Ayos lang, sanay na ako." Sabi niya. Siguro, sa mga pinagdaanan namin ngayon, ituturing na lang namin itong isang masamang panaginip. Sobrang samang panaginip.

"N-nasaan yung iba?" Dugtong niya. Agad kong tinignan si Rielle at itinuro ang kabilang kwarto.

"Ligtas na tayo, kayo." Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Zyneth.

"Salamat nga pala sa inyo ah. Kung hindi siguro kayo dumating, malamang patay na kami." Sabi niya. Tumango lang nama ako bilang tugon.

"Sige Zyneth, magpahinga ka muna, pupuntahan ko lang yung iba." Sabi ko sa kanya at tumango lang naman siya.

Salamat at tapos na ang lahat ng ito. (Author: Salamat talaga! Hahaha)

Pumunta muna ako ng kwarto ni Nikolo para sabihin ang balita. Pagka-bukas ko ng pinto ay nakita ko si Nikolo na natutulog, sa kabilang kwarto naman ay natutulog din si Aicken. Nandun na din ang Nanay ni Aicken.

"Reissah, hija! Pasok ka! Tulog pa'din 'tong dalawa eh. Salamat nga pala sa inyo ha?" Sabi ni Tita. Pumasok lang ako saglit at lumabas na din.

Sunod kong pinuntahan si Alleck. Magkasama sila ni JA sa iisang kwarto. Natawa na lang ako pagka-bukas ko ng pinto. Hindi ko kasi inaasahan na dahil lang sa isang beef steak ay mag-aaway sila. Natatawa na lang ako sa isip ko.

"Hoy kayong dalawa! 'Wag kayong magtalo! Pagkain lang yan eh!" Saway sa kanila ni Sein. Pumasok ako sa kwarto nila at pinagbabatukan silang dalawa.

"Aray naman Reissah!" Sigaw ni Alleck sakin, na-miss ko din yun! Normal na ang lahat.

"Nasaan si Yassi at Warren?" Tanong ni JA sakin. Nagkibit-balikat na lang ako.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap sng Doktor. Nakasalubong ko siya. Tinanong ko kung nasaan si Yassi at Warren.

"Hija, wala na sila. Baril ang tumama sa ulo ng dalawa. Imposible nang mabuhay sila." Sabi nung Doktor sakin. Agad akong bumalik sa kwarto nila JA para sabihin yun.

"Hay." Ang naging tugon nilang dalawa.

Simula ngayon, normal na lang muli ang lahat. Normal na tao na lang kami, hindi na takot sa kinabukasan. Isang bangungot ang naganap, na kailangan naming ibaon sa limot at gumawa ng bagong alaala. At ituring ang bangungot na ito sa isang...

Masamang Panaginip.

A/N: Yehet. Makakatulog na ako. xD hahaha Epilogue na tomorrow! :)

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon