Chapter 16: Celestine Academy's Past

129 8 2
                                        

Calland's POV

Dahil sa nangyari kay Jorenz, hindi na namin nalaman kung sino ang damuhong iyon. At dahil sa namatay na nga ang Adviser namin na si Ma'am Agatha, kahit ibang subject teacher namin ay hindi na nangahas na turuan kami.

"Calland, can I talk to you for a minute?" Oh? Nandito pala si Sir Treb eh.

"Sure Sir. Para saan po ba yun? Tuturuan niyo na po ba ulit kami?" Natawa lang siya sa sinabi ko, anong nakakatawa?

"Meron kasi tayong exchange student from West Pacific High. Two weeks siyang nandito. Si Zyneth ang ipinadala ng school natin para sa West Pacific High." Sabi niya kaya tumango lang ako. At least safe si Zyneth dun.

"Sige po, nasaan po ba siya?" Tanong ko at tinuro niya ang library. Nagtungo na ako doon at nakita ang isang babae. Kinausap ko siya.

"Ahm excuse me Miss? Ikaw ba yung exchange student from West Pacific High? Diba sa Section Eternity ka? Tara sumama ka sakin. By the way, I am Calland Cruz from section Eternity. The Class President." Yep, I claimed it. Baka magtaka siya kung nasaan ang President namin. Hindi rin naman pwedeng excuse na absent lang si Aicken dahil 2 weeks siya dito. At isa pa, she's dead.

"Ah sige po." Po? Nakks, ang layo ng edad namin ah?

"Ano name mo?" Tanong ko sa kaniya. Well, she's pretty cute. Pero mas maganda padin si Zyneth of course.

At ito ang malala, mas matangkad siya sakin. Saklap 'te! Ngumiti siya, napansin ko yun kasi napansin ko lang.

"Nicole. Nicole Cruz po." Nicole Cruz?! Kaaano ano ko siya? Kaya pala parang nagulat siya nung nagpakilala ako.

"Saan po ba ang room niyo?" Nakakailang na talaga yung pagsabi niya ng po.

"Ah, Nicole, could you please remove the word 'po' when you're talking to us. Don't worry, di kami nangangagat. By the way, nasa 4th floor, room 409." Mamamatay tao lang yung iba. At hindi niya yun pwedeng malaman.

"Wait lang Nicole, diyan ka muna sa labas. may sasabihin lang ako sa kanila." Sabi ko at pumasok na ng room. Sinatado ko muna ang pinto pati ang bintana.

"Listen up guys, we have an exchange student from West Pacific High. And also I want all of you to shut your f*ckin' mouth tungkol sa mga nangyayari sa section natin. Understand?" Tumango sila kaya binuksan ko na ang pinto at bintana.

"Introduce yourself." Sabi ko ng cold kay Nicole. Umupo na ako sa upuan ko at tumingin sa kanya.

"Hello Everybody. I am Nicole Cruz. From West Pacific High. Running for Batch Valedictorian. I hope that we can be friends." Sabi niya, kung ako lang siguro si Aicken, kinakausap niya na to. Kaso hindi ako si Aicken e.

"Sit on the front please." Sabi ko ulit, nagdaldalan na ulit ang mga kaklase ko. Nakita kong nilapitan na ni Yassi si Nicole kaya nakampante na ako ng konti. Kamusta na kaya si Zyneth dun?

Zyneth's POV

"Zyneth! Tara! Punta tayo ng Canteen!" Dinig kong sabi ni Jana. My new friend, buti at mabait sila. Iniwelcome pa nga nila ako.

"Ah, sige sige." Sabi ko. Sana ganito na lang kami, bumalik sa normal ang lahat kaso... hindi na pwede... sinimulan na niya.

"Ano kakainin mo?" Tanong ko kay Alanis. Another friend of mine, kakakilala ko pa lang sa kanila pero ang close na namin!

"Ahm... Drummets and Java Rice." (A/N: Miss ko na tong kainin sa school!) Woah, masarap nga yon! Pero mas gusto ko yung waffle.

"Ah, magwa-waffle na lang ako." Sabi ko at bumili na ng waffle. Pumunta na kami sa table nila Jana ng may umupo sa table namin sana! Jusme! Kaklase ko to sa Loyalty ah!

"Tara na Zyneth, may mga ungas kasing lalaki sa tabi tabi." Sabi ni Alanis at inirapan sila, pero bago pa man kami makaalis ng tuluyan ay hinawakan niya ang braso ko.

"Hindi ka na dapat nagpunta dito." Sabi niya at bibitawan niya ako. Huh? Problema nun? Mas gusto ko nga dito kasi dalawang linggo akong safe from patayan.

"Forget it. Tsk." Sambit pa niya. Buisit lang.

"Huwag mo ng pansinin si Nikolo, weird talaga yan." Sabi ni Alanis. Umalis na kami at nakahanap na ng upuan. Kumain na kaming tatlo at umalis na din.

"Tara." Sabi ko at habang naglalakad kami sa corridor ay may napansin akong abandonned building. Oo, Building.

"Ahm, pwedeng itanong kung bakit may abandonned building don? Tsaka kung abandonado naman na, bakit ayaw pang gibain?" Tanong ko at nagkatinginan sila.

"Hindi yan pagmamay-ari ng school. Kakambal yan ng West Pacific High. Ang Celestine Academy. Pero ngayon, hindi na." Ano?! Dating CA ang building na yon? I smell something fishy here.

"Kaya hindi namin alam kung bakit nandiyan padin iyan. Teka, ikaw nga dapat ang may alam nung storya niyan kasi taga-CA ka e." Sabi ni Jana, oo nga. Pero wala namang nabanggit samin si Ma'am Agatha. At hindi ko na yun matatanong kasi patay na siya. At hindi rin nila pwededng malaman ang nangyayari sa school namin ngayon.

Ran Alleck's POV

May kakaiba akong naamoy dito sa Nicole na to ah! Kanina pa siya libot ng libot ng tingin sa room namin! May alam kaya siya?

"Nicole, can I talk to you?" Sabi ni Calland. This is the signal. Pupunta kami ng Private Room.

Tumayo na kaming tatlo nila JA at sinundan silang dalawa. Bumaba na kami ng hagdan hanggang sa marating namin ang ground floor. Tanging kami lang ang nakakaalam ng basement ng school na ito. Kahit si Zyneth, hindi niya alam.

"Sit down." Cold na sabi ni JA. Umupo naman si Nicole at tinignan kami isa-isa.

"Alam kong isa sa inyo ang may alam sa nakaraan ng West Pacific High at Celestine Academy!" Hiyaw niya, problema niya?

"Ano bang pinagsasasabi mo?!" Hiyaw ni ko. Tumango lang naman si JA pero umiwas lang ng tingin si Calland. Ano bang problema nila?!

"Oo alam ko."

A/N: Jusme! Buti naisama ko si Nikolo! xD ahahaha, vomments ho~! Kamsa~! :)

P.S. For Chess Pieces Cast, go to my account and my works. Then there you can see CP Cast.

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon