Chapter 12: Clueless Clue

163 11 6
                                        

Angelle Sam's POV

Dahil August na, sikat nanaman ang Buwan ng Wika ek ek na yan. Sa totoo lang, aish! Nababadtrip na ako kasi tatlong araw na kaming nagpapraktis ng jingle pero hindi parin kami pinagpapahinga! Asarness!

"Angelle, punta ka daw ng recording room. Kakantahin mo daw yung rendition ng A Thousand Years. Good luck!!" Sabi ng isa kong kasama sa choir. Oo, choir. -.-

Habang papalapit ako sa Recording room, papalakas ng papalakas ang tunog ng musika sabay ng pagkabog ng dibdib ko. Ewan ko ba, kinakabahan ako ngayon.

"Oh, eto na si Angelle! Pasok ka na hija." Sabi nung lalaki kaya pumasok ng ako ng room.

Tumugtog na ang intro.

~Heart beats fast,
Colors and promises,
How to be brave,
How can I love when I'm afraid
To fall,
but watching you stand alone,
all of my doubt,
suddenly goes away somehow.~

[eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee...]

Feel na feel ko na sana yung music nung biglang may matinis na sound na tumunog sa headphones! Ang sakit sa tenga!! AWW!!

Hinubad ko na pero nadidinig ko pa din! Ang sakit putik! Palabas na ako pero naka-lock yung pinto!! NNNOOO!!! Pagkatingin ko dun sa kabilang room walang tao! Ano ba?! Naglolokohan ba kami dito?! Hindi nakakatuwa!

Calland's POV

"Aray! Ang sakit sa tenga! Pataying niyo yung speaker!" Sabi ni Leisselle. Ang sakit nga! Kung naririnig niyo yung matinis na sound kapag natatapat yung microphone sa speaker! Ganun yung naririnig namin ngayon!!

After siguro ng ten minutes, yes! TEN MINUTES! Nawala na ang tunog. Makabasag eardrums ang tunog na yun ah! Sa buong buhay ko dito sa Celestine Academy e ngayon lang ako nakarinig ng ganito dito!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" What the ef?! Is that Angelle?!

Maniac Cutter's POV

Always late, too late! Subukan niyo magmabilis minsan ha?

"Sayonara Angelle." Sabi ko kahit alam kong hindi na niya ako maririnig, why? Wala e, sumabog yung eardrums niya.

Zyneth's POV

Tumakbo si Calland, sinundan ko siya at napunta kami sa music floor. Sa floor na ito, nandito ang mga recording rooms at music room.

"Si Angelle!!" Hiyaw ni JA. Tumakbo siya sa pinakadulong part ng palapag at don namin nakita ang walang buhay na si Angelle! Masiyado namang mabilis!! Kapapatay lang niya ng dalawa! May sumunod na?!

"Guys, sumabog yata yung eardrums niya dahil dun sa matinis na sound. I think dito nanggaling yung sound na iyon. Tignan niyo yung Sound System!" Sigaw ni Jorenz.

Agad tumakbo si Calland at Ran Alleck sa likod nun.

"May microphone dito. Dito nga nanggaling yung sound na yun!" Sabi ni Ran Alleck at tinapon ang microphone.

"Guys, tignan niyo to. Hindi niyo ba napapansin, lahat ng namamatay nating kaklase my pa-letter I na nakasugat sa mukha nila." Sabi ni JA kaya lumapit ako kay Angelle.

Yung eardrums niya, sumabog! Eek! Eek!! Tapos dinukot pa yun mata niya!! AAHH!! Ilayo niyo ko sa kaniya!! Napaatras na lang ako!! Eeh!! Nasa bibig niya kaya yung eyeballs niya!!

"Zyneth! Pumikit ka na lang! Huwag mo ng tignan!!" Hiyaw ni Ja sabay hila sakin palabas.

"A-ayoko pang mamatay." Buling ko sa sarili ko habang naiiyak.

"Sshhh... Tahan na, hindi ka mamamatay. Ako muna bago ikaw ha?" Sabi ni Calland at niyakap niya ako.

Ran Alleck's POV

Ang ganda ng view! Kinikilig ako putek.

"Anong gagawin natin kay Angelle?" Sabi ni Jorenz habang nakatakip ang mga mata, may pagkabkla tong ugok na to.

"Guys, look at this. May panyong naiwan dito." Sabi ni JA. Nakita ko na yung panyo na yun somewhere e.

"MI?" MI? Sinong may initials na MI? Aish.

"Let's keep this. Tawagin niyo na si Ma'am Agatha. She can handle this, madami na tayong nakikitang clue. Sana mabuo na natin to." Sabi ni Calland sabay hatak kay Zyneth. Sinundan na lang namin siya at napapailing na lang ako. Ang torpe kasi.

"P*NYETA!! AYAN NANAMAN YUNG TUNOG!" What the ef?! Tinapon ko na yung mic ah!

"WHAT THE F*CK! SUNDAN NATIN YUNG BABAE NA YUN!! BILIS!!" SHEET!! Another glimpse of the killer's mask!!

Tumakbo kami hanggang sa hindi na namin alam kung saan sumuot yung babae na sinusundan namin! She's d*mn fast!

"Sheet! Natakasan tayo!" Sabi ni Calland na hinihingal, sa totoo lang, lahat kami hinihingal. Teka, nasaan ba si Nella Rence?!

"Nasaan si Nella?! Kasama natin siya kanina diba?!" Tanong ko sa kanila kaya lumingon sila sa magkabilang direksyon pero wala dun si Nella.

"Hanapin natin bilis!!"

Nella's POV

"Hello Nella!" Sabi sakin ng isang babae na nakamaskara, kamatayan ko na ba?! Ang tanga ko naman kasing tumakbo!

"S-sino ka?!" Tanong ko at inalis niya yung maskara niya! NO WAY!!!

"Ssshhh! Wag kang maingay, don't worry, hindi kita papatayin. Ikaw ang magiging mata ko sa officers, once na sabihin mo sa kanila kung sino ako, patay kayong lahat. Oh, at hindi lang pala kayo, pati pamilya mo kaya keep your mouth shut!" Sabi niya sabay sampal sakin. H-hindi to pwede! B-bakit niya nagawa samin to?!

"Patayin mo na lang ako kesa mag lihim ako sa kanila!" Sabi ko at sinampal niya ako.

"Good. Dapat sinabi mo ng mas maaga, kaibigan pa man din kita kaso mas binigyan mo ng importansya yang officers!! Hayup ka! Papatayin ko kayo! Isasama na kita kala Sam!!" Hindi pwede! Kailangan tong malaman nila Calland!

"San ka pupunta? Papatayin na kita diba? Choose, one to five." H-ha?

"CHOOSE!!" Sigaw niya kaya lumabas sa bibig ko ang four!

"Okay, apat ang susunod kong papatayin, ah! Sila Reissah kaya? Sakto! Si Reissah, si Leisselle, si Rielle at Sabrea! Ahahaha!! Nice!" Sabi niya sabay saksak ng asul na kutsilyo sa tiyan ko.

"Sayonara."

JA's POV

Pagod na ako!!

"H-hindi to pwede, p-patay na siya!!" Hiyaw ni Zyneth. Bestfriend niya kasi si Nella. Aw! Ang sakit ng ulo ko putik!

"JA! Anong nangyayari?" Tanong ni Jorenz. Aish! Badtrip naman oh!

"Wala, wal-" Pinutol ni Alleck ang sasabihin ko.

"Guys! Gumagalaw pa si Nella!! Magsasalita pa yata siya!"

"As-si." Asi? Asi? Sino yun?!

"Sino si Asi!! Sino si Asi!" tuluyan ng pumikit si Nella kaya binuhat ko na siya.

"Jorenz! Pahiram ng kotse! Bilis!! Dalin natin siyang ospital!"

*at the hospital*

"Dead On Arrival."

-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.
A/N: Huhuhu, patay na ang pinakamamahal kong si Nella at Angelle!! UUWWAAHHH!!! Vomments nga po, ahuhuhu :'( Kamsa~.

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon