Chapter 28: Anger

107 5 0
                                        

Calland's POV

"Huwag kang gagalaw kung gusto mo pang mabuhay si Zyneth!" Sabi ni Yassi sakin kaya hindi ako gumalaw.

Naramdaman kong may sumipa sa likod ko. F*ck!

"Inuulit ko Calland, wag kang gagalaw kung ayaw mong mamatay si Zyneth!" Sh*t! Nakita ko si Zyneth sa harap ko, umiiyak. Nagbu-blur na siya sa paningin ko. Hindi pwede.

"CCCAAALLLLAAAANNNDDDD!!!!!"

JA's POV

"Nikolo! Aicken!" Tawag ko sa kanila, agad naman nila akong nilingon. Tumakbo sila sa banda ko.

"Ayos lang ba kayo?" Tanong sakin ni Nikolo. Magkakasama kaming apat ngayon, ako, si Alleck, si Nikolo at Aicken. Nahiwalay kami kay Calland.

"Oo, ayos lang kami. Si Calland, hindi namin alam. Nagkahiwa-hiwalay kami nung hinahanap namin si Zyneth." Sagot ni Alleck.

"Kailangan na natin silang hanapin." Sabi ni Aicken habang hinihingal. Kung mamatay man kami ngayon, gusto kong malaman nang pinakamamahal kong tao na mahal ko siya. Kaso hindi ko na masasabi sa kanya yun.

"Tara na JA." Tawag sakin Alleck. Nawala nanaman ako sa sarili ko. Siguro kasi tanggap ko na sa sarili ko na mamamatay na ako.

"Hep, saan kayo pupunta?" I looked back, si Nicole. Bakit ba hindi ko naaninag na mangyayari lahat ng ito? Siguro, dahil masaya kami noon?

"Just let us go Nicole." Sabi ni Nikolo. Tumawa lang si Nicole. Sh*t, we don't have time for this!

"Nikolo, tara na!" Sigaw ni Aicken sa kanya. Pero hindi siya nakinig! F*ck!

"NIKOLO!! MAKINIG KA SAKIN! BUMALIK KA DITO!" Sabi ni Aicken pero papunta padin si Nikolo sa direksyon ni Nicole. Ano bang balak niya?! Magpapakamatay ba siya ngayong kasama na niya si Aicken?! Wth!

Biglang niyakap ni Nikolo si Nicole, what?! Hindi ko na talaga alam ang takbo ng isip ni Nikolo! Nababaliw na talaga siya!

"Nicole, please. Nagmamakaawa ako. Stop this. Pagod na ako. Sumama ka na lang sa amin." Sabi niya. Putek, paki-explain nga ng mabuti ng nangyayari? Nagmamakaawa si Nikolo kay Nicole? Para mapakawalan kami?

"Sh*t! Aicken!!" Tumakbo si Alleck sa direksyon ng kumuha kay Aicken kaya tumakbo din ako papunta doon.

"F*ck! Kapag may nangyaring di maganda sa kapatid ko, Nicole. Hinding-hindi kita mapapatawad." Narinig kong sabi ni Nikolo kay Nicole.

Zyneth's POV

"CCCCAAALLLAAANNNDDD!!!"

Napasigaw na lang ako nang makita kong nawalan ng malay si Calland. Asar naman eh!

"Alam mo na ang gagawin mo Zyneth." Ayoko, ayokong pumunta doon.

Naramdaman kong may tumadyak sa likod ko. Heto na, ang pinakakinakatakutan kong mangyari.

Yassi Mari's POV

Tulog na ba lahat?" Tanong ko kala Warren at Nicole.

"Oo, ayos na. Nakatali nadin silang lahat sa loob. Gagawin na ba natin?" Tanong ni Warren sakin. Hindi pa, kulang pa lahat lahat.

"Hindi pa, kulang pa iyon. Hintayin muna natin silang magising tsaka na natin gawin." Sabi ko at tumawa.

"Huwag na kaya nating ituloy 'to? Nakokonsensiya na ako." Konsensiya? Hahaha P*ta! Meron pala nun si Nicole?

"Nakokonsensiya ka ngayon? Hahaha! Magaling! Pasabugin mo nga yan, Warren. Baka maging rason pa yan pra hindi magtagumpay ang plano." Saad ko kay Warren at umalis.

Dinig na dinig ko ang pagputok ng baril ni Warren, saan ko yun nakuha? Magaling akong pumeke ng certificates 'no.

Excited na akong marinig ang mga pagmamakaawa nila sakin, ang mga sigaw nila, lalo na ang kay Zyneth at Aicken.

Mommy, Daddy, maipaghihiganti ko nadin kayo. Sorry kung hindi ako sa langit makakapunta, dahil kailangan ko silang samahan sa impyerno.

"Yassi, okay na." Sabi ni Warren. Kailangan ko ng maghanda.

"Ihanda na natin ang surpresa nila." Agad naman siyang tumango sakin.

Alleck's POV

Naalimpungatan ako sa ingay na nangyari. Nakapiring ang mga mata ko. Pero nararamdaman kong hindi ako nagi-isa sa kwartong ito. May pagka-tanga din si Yassi eh 'no? Pa'no niya malalaman na gising na kami kung nakapiring kami? How stupid.

"AAAAAHHHH!!!" Si JA yun ahh?! Ano kayang ginawa sa kanya?!

"JA!" Sigaw ko, may nagtanggal ng piring sa mata ko. N-nasaan kami?! Human Chess Board 'to ah?!

"Amazed Alleck? Hindi pa yan tapos." Naramdaman kong may isang malamig na bagay ang dumampi sa mukha ko, nakakita din ako ng pulang likido na tumulo sa bibig ko. Sh*t ang sakit!

"AAAAAHHH!!!" Hiyaw ko. Sobrang sakit! Lalo na nang nilagyan pa niya ito ng kalamansi! Nalalasahan ko na ang dugo na nanggaling sa hiwa sa mukha ko. Ang hapdi.

"Masakit Alleck? Ngayon naiisip mo na kung anong ginawa niyo sakin nila Rielle? Akala mo hindi ko alam yun? Hahaha!" Pinagsisisihan ko naman yun eh! Nag-sorry na kami sa kanya! Kulang pa ba iyon?!

"Kulang ang sorry lang, gusto ko ding mawala ang existence niyo dito sa mundo!" Sabi niya sabay sampal sa akin.

"Warren! Gisingin mo na nga ang mga iyan! Mahaba na ang tulog niyan!" Sabi ni Yassi at agad namang sinunod ni Warren. Isa-isa niyang binuhusan ng yelo ang mga hindi pa gising.

3rd Person's POV

"F*ck! Ang lamig!" Bulalas ni Calland. Tinanggal ni Warren ang piring ni Calland sa mata. Biglang sinuntok ni Warren si Calland sa buwisit.

"Warren, kalma. Hindi pa ako tapos diyan." Sabi ni Yassi kay Warren ng nakangiti.

"Zyneth!! Naririnig mo ba ako?!" Binuhusan ni Yassi si Zyneth ng Yelo. Naiwan ito sa cocktail dress ni Zyneth ma suot niya sa Prom.

"Zyneth baby, wake-up!" Saad ni Yassi kay Zyneth sabay sampal. Hindi ito ininda ni Zyneth sapagkat nalalaman niyang hindi pa ito ang pinakamasakit na mararanasan niya.

Biglang na-gising si Nikolo nang kaladkarin siya ni Warren papuntang Chess Board. Tinanggal ni Warren ang piring sa mga mata ni Nikolo at halata sa mukha ni Nikolo ang pagkagulat at pagtataka.

"Nasaan si Nicole?!" Tanong ni Nikolo kay Warren. Tanging tawa lang ang naging tugon ni Warren kay Nikolo.

"Pinasabog ko na! Hahaha!" Halong galit at buwisit ang mababakas sa mukha ni Nikolo.

"How 'bout your sister? Hindi mo manlang ba itatanong kung okay ba siya?!" Gulat ang baging reaksiyon niya sa sinabi ni Warren.

"F*ck you Warren! Huwah mong idadamay ang kapatid ko sa galit mo kay Calland at Zyneth!" Sabi ni Nikolo, sa kanyang galit at parang gusto na rin niyang pumatay.

"Simulan na ang laro!"

A/N: Salamat talaga sa binasa kong libro nung isang araw, nakonsensiya ako habang binabasa ko eh. Hahaha 2 chapters na lang!

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon