Chapter 25: Prepared

78 4 0
                                        

Nikolo's POV

Ngayon ko sana gustong sabihin kay Aicken na kapatid niya ako. Pero kinakabahan ako sa magiging reaction niya. Nag-uusap sila ngayon tungkol sa JS. Kapag tapos na silang mag-usap ay kakausapin ko na siya. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan.

"Listen up! Sa mga natitirang estudyante ng Eternity, listen very carefully. You're all paired up para sa darating na JS. Itanong niyo na lang kay Zyneth kung sino ang ka-partner niyo." Sambit niya. Parang bad mood yata siya ngayon? Haay. Sa JS ko na nga lang sasabihin.

"Tapos, tayo din ang inatasan na maghanap ng place para sa JS. So, kung sino man ang may alam na lugar na pwedeng pagdausan ng JS. Don't hesitate to raise your hand." Nagtaas ng kamay si Yassi.

"I think pwede sa Hotel ng Aunt ko, doon talaga madalas may nagaganap na JS. Pero suggestion ko lang naman yun. Kung ayaw niyo, ayos lang." Sambit niya pero ngumiti lang si Aicken.

"Okay, sa Hotel tayo ng Tita ni Yassi. I'll talk to our principal. PLEASE LANG WALANG MAGPAPATAYAN." Mariing sabi niya habang isa-isa kaming tinitigan.

Pagkatapos ay umalis na silang dalawa ni Calland. Naiwan si Zyneth sa room.

"Zyneth!" Tawag ko sa kanya, agad naman niya akong nilingon at binigyan ng ngiti.

"Bakit?" Tanong niya sa 'kin.

"Ahm... wala naman. Sasabihin ko na lahat kay Aicken sa Prom." Saad ko, muli siyang ngumiti at tumabi sa akin.

"Mabuti naman at handa ka na? Good luck. Kaya mo yan!" Sabi niya at nagtawanan kami. Ano kaya ang pakiramdam kung si Aicken ang katabi ko ngayon at sa kanya nakikipagtawanan? Ang sarap siguro sa feeling.

Aicken's POV

All is set. Sa totoo lang, wala talaga kaming balak pumunta ni Calland sa Principal's Office 'no. Takot din naman kami sa Principal namin. Well, ginawa lang naman namin yung excuse para makapag-usap kami.

"Saan tayo?" Tanong sakin ni Calland. Hinigit ko siya papuntang labas ng school. Alam kong hindi kami papayagang lumabas at firsf time naming mag ditch 'no.

"Café." Sambit ko. Gumawa muna kami ng pekeng advisory letter na pinapalabas kami dahil may pinapagawa. Agad namang pumayag ang guard.

Habang nasa taxi kami, hindi mapakali si Calland.

"Hoy, anong nangyayari sayo?" Tanong ko sa kanya pero inirapan niya lang ako. Wow ha? Kapal ng mukha.

"Si Zyneth, ayaw niyang maniwala. Nung namatay si Leonaji, parang ang weird. Parang iba yung pumatay sa kanya. Simula pa lang ng una, lahat ng pinapatay ni Maniac Cutter ay hinihiwaan niya ng pa-letter I sa mukha? Pero si Leonaji, wala eh." Sambit niya. Naalala ko yung peklat sa pisngi ko.

"Ahm... Manong , hindi po dito yung daan natin." Sabi ko sa Driver, teka? licensed driver na ba 'to? Parang di naman nalalayo yung age namin sa isa't isa.

"Hindi niyo ba ako natatandaan? Haay, mahirap talagang maging tanga. Ang tanga niyong dalawa, any minute now, sasabog ang buong Celestine Academy! HAHAHAHAHA!" May paparating na sasakyan!! Maaksidente kami!! No!! Kailangan kong makabalik sa school!!

*PPPOOOOTT*

"Aicken! Dilat! Huminto yung sasakyan na makakabunggo satin! Labas bilis! Kailangan nating makabalik sa school!" Sambit ni Calland. Agad akong lumabas at tumakbo kami pabalik ng school.

Calland's POV

Wala na kaming pakielam, kailangan naming makaalis dito! Naming lahat! Dire-diretso kami sa Paging room. Pero nagdalawang-isip kami ni Aicken. Baka niloloko lang kami nung driver na yun. Baka isipin pa nilang baliw kami.

"Let's stop this joke. She's playing with us! At sa puntong 'to! Mache-checkmate na tayo! Kailangan na nating kumilos! Kailangan na nating igalaw ang pinakadelikadong move sa ngayon." Saad ni Aicken sa akin habang nanlilisik ang mata. Para kaming hayop sa circus na pinaglalaruan para sumaya. Hindi na kami papayag.

"Aicken, humanda ka sa Prom. Kinukutuban ako. Sasabihin ko din 'to kay Zyneth." Sabi ko sa kanya at bumalik na kami sa room.

"Zyneth, may sasabihin ako." Sabi ko sa kanya. She looked straightly to my eyes. May nakikita akong takot sa mga mata niya. Niyakap ko siya.

"Calland?" Bulalas niya pero hinigpitan ko pa lalo yung yakap sa kanya.

"Kung ano man ang mangyari sa Prom. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. At poprotektahan kita hangga't kaya ko. Ikaw lang kasi yung babae na minahal ko ng ganito higit pa sa pagmamahal sa kapatid at Nanay ko. Kahit ako, aaminin ko, natatakot ako sa mangyayari sa JS. Pero handa na ako, kasi doon din naman tayo pupunta lahat." Saad ko sa kanya habang yakap-yakap siya, ayaw ko siyang bitawan dahil ayaw kong makita niya na umiiyak ako. Kahit man lang dito sa mundong ito ay halaga ako.

"Mahal na mahal din kita." Sabi niya sakin. Saglit napunan ang malungkot na pangyayari ng saya at pagmamahal.

"Oy! Tama na yan! Tsansing na yan Calland!" Dinig kong sabi ni Alleck. Ahh!!! Moment na namin yun eh!

"AAALLLEEEECCCKKK!!!" Nagtawanan kami sa hallway. Sana laging ganito. Kaso hindi.

Maniac Cutter's POV

Ohh ~ ! How sweet ~ ! Kaso hindi na yan magtatagal, malapit na ang araw na makikita kong maghahalo-halo sng mga dugo ninyo sa iisang lugar. Kung hindi niyo sana ginawa sakin 'to, hindi ko din 'to gagawin sa inyo. Apat na taon kong tiniis lahat ng masasakit na salitang binibitiwan niyo sa akin!

Aicken's POV

Pauwi na ako. Putek, buti na lang hindi namin itinuloy yung dapat gagawin namin kanina. Nakakahiya. Hindi naman pala totoo yung sinabi nung Driver eh.

May yumakap sa'kin. Si Nikolo. Bakit kakaiba yung pakiramdam ko sa kanya? Parang napaka-importante niya sakin? Mahal ko siya pero hindi yung pagmamahal na gusto ko siyang maging boyfriend or what?

"Bakit pakiramdam ko, kapag binitawan kita, mawawala ka sa akin?" Sabi niya. Wow. Di ako nainform na pagmamay-ari niya pala ako.

"Hahaha. Pagmamay-ari mo pala ako." Sabi ko at natawa din siya, priceless.

"Nalaman ko kay Zyneth na ikaw pala ang ka-partner ko sa Prom. Ikaw may gusto nun ha'no?" Ang kapal ng mukha!

"LAKAS NG HANGIN! TINATANGAY AKO! WOOSH!" Sarcastic kong sabi. Tawa lang siya ng tawa.

A/N: Trip ko na talaga siyang tapusin ngayon hahaha. Hanggang Chap 30 na lang siya ahh! Hahaha Pero putek, pagiisipan ko kung magbu-book 2 ako.

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon