Chapter 9: Making love and Happiness

220 13 2
                                    

Zyneth's POV

Habang busy sila sa dedication booth, nagpunta muna ako ng Cafeteria kasi uhaw na uhaw na ako. -.-

"Bottled water nga po." Sabi ko dun sa counter. Agad naman siyang kumuha at binayaran ko na. Madami din ang booths dito, since 4 sections per Grade Level.

Pagbalik ko. Lahat sila nagkatipon. Bakit?

"Ano nangyari?" Tanong ko sa kanila. Baka mamaya may pinatay nanaman.

"May nagsulat para sa section Eternity. Maniac Cutter ata pseudonym nung killer? At least may info na tayo about dun sa killer. Pinunit kasi ni Calland!" Sabi ni Ran Alleck.

"Anong nakalagay sa letter?" Tanong ko kasi parang hindi naman sila naalarma dun sa letter na ibinigay ni Maniac Cutter ba yon?

"Ah. Wala naman, papatayin niya daw tayong lahat." Ano?! Hindi pa kayo naalarma don?! Eh kung ako yung nakabasa mismo baka napunta na lahat ng dugo ko sa ulo ko e!

"Sabi ni Calland, hayaan na daw muna natin. Kasi daw baka kapag ipinakita nating natatakot tayo, sasaya siya. Makipaglaro lang daw tayo. Basta magiingat sa bawat galaw, dahil kapag nagkamali tayo kahit isang hakbang, patay tayo." Sabi ni Athena. Napatango tango na lang ako. Tama siya. Pero kailangan naming magingat ng todo todo.

"Tara, tapusin na natin itong booth." Sabi ni Calland sakin sabay hatak.

Calland's POV

Kailangan malaman to ni Zyneth. Kailangang kailangan.

"Zyneth, may sasabihin ako sayo." Sabi ko, kinakabahan ako na ewan. Aish! Asar naman o! Pero pamilyar kasi talaga yung nakikita ko e!

"Ano yun?" Tanong naman niya sakin. Tinuro ko yun sa isang side ng gym. Isang babaeng naka-jacket.

"Pamilyar ang jacket na yun?" Sabi niya sakin, oo. Pamilyar na pamilyar yon! Hindi ko matandaan kung saan ko nakita, that jacket! Ugh!

"Saan ko bga ba nakita yan?" Tanong niya ulit pero umiling iling lang ako, this time, nakatingin na saamin yung may suot na jacket, hindi ko maaninag yung mukha niya kasi naka hood!

"Reissah! Oo kay Reissah!" Sabi niya kaya pumunta agad kami kay Reissah, hindi naman siya nakasuot ng jacket. Eh napakainit kasi.

"Reissah, dala mo ba yung jacket mo na red? Tapos may hood?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Ha? E nakita namin kanina e." Sabi naman ni Zyneth. Pano nangyari yun?

"Baka naman magkamukha lang kami ng jacket, nung time kasi na binili namin yun ni Aicken, madami ding tumitingin, tig-isa kami nun ni Aicken e. Tas may nakita din kaming ibang Celestians na bumibili ng jacket na yun. Ano ba." Sabi niya sabay balik sa kinakain niyang donut.

"Ah." Sabi na lang namin, sinarado nanaman ang dedic booth. Kami naman ang mageenjoy.

Magkakasama kami ngayon nila Ran Alleck, Reissah, Zyneth, Sabrea, Leisselle, Rielle at ako. Nagpunta kami ng Café. Kumain ng donut. Syempre, tinatalasan ang pakiramdam namin. Mamaya baka kaladkarin na kami ng kung sino at patayin kaya magkakasama kami.

"Guys! Horror House tayo! Tignan natin kung maganda pagkakaayos ng dapat booth natin!" Sabi Reissah kaya tumakbo na kami ng 4th floor.

"Guys, hawakan niyo ko! Ayaw ko sa dulo!!! Wah!" ANG OA NAMAN NI LEISSELLE!

"Ako na sa dulo. Tss." Sabi ko, Aish. Nauna si Reissah, magkasama sila ni Ran Alleck. Tapos si Sabrea, Leisselle at Rielle. Kami naman ni Zyneth ang magkasama.

Ang boring. -.- Puro tili lang ni Leisselle ang nadidinig ko kaya binatukan ko. Maya maya pa, actually ang haba ng horror house na ito! Hindi pala, na wrong way lang kami. -.- May lumabas na babaeng naka color white na parang iniimpersonate si Sadako. -.- May hawak pa na dagger.

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon