Chapter 23: Batch 1989-1990

118 8 0
                                        

JA's P O V

Papasok na ako ng bahay ng may makita akong pamilyar na lalaki sa bahay ko. Nakakairita yung mukha niya dahil lagi ko siyang napapansin sa Academy.

"Anong ginagawa mo dito? Sino nagpapasok sayo? Close ba tayo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Hindi. JA, siguraduhin niyo munang tama ang pinagbibintangan niyo. Baka mamaya matulungan niyo ang killer kung mapatay niyo ang pinagbibintangan niyo. Alam ng killer lahat ng kilos niyo, Lahat-lahat."

Calland's POV

Sht. Ano ba kasing ginawa ni Warren kay Zyneth kahapon?! Kung alam lng niya na nakita ko sila, UGH SARAP SUNTUKIN EH!

*Unknown number calling...*

"Hello?" Bigkas ko pagkasagot ko ng tawag. Tanging paghikbi lang ang naririnig ko.

"Hello!" Teka?! Nanggu- goodtime lang yata eto eh!

Binaba ko yung phone. Matutulog nga muna ako! Naaasar lang ako kapag naaalala ko yung kahapon!

3rd Person's POV

"Sabi ko sayo eh, papatayin yan ni Calland! So ano? Bakit kasi hindi ka pa nagpaalam sa kanya?! Papatayin na kita eh!" Sabi niya sa pagitan ng paghikbi ng isang babae.

"Ayaw ko sa lahat, babaeng maingay!" Isang malakas na sampal ang inabot ng babae.Alam niyang nasa harap na niya ang kamatayan kaya hindi siya makapagsalita.

"Bakit *hik* kailanga ko pang *hik* magpaalam sa kanya *hik* kung may iba naman *hik* siyang mahal? *hik* Hindi ako *hik* martir." Sabi ni Janea sa pagitan ng paghikbi. Alam niya na ang mangyayari sa kanya. She can predict what will happen soon. Hindi it kapangyarihan, tumatama lang talaga ang mga hula niya.

"Yun naman pala eh! Inubos mo pa load ko! Edi kung sinabi mo na kanina edi you may now rest in peace diba?! Tanga!" Agad na sinabunutan niya si Janea, hindi ito ang masakit alam niya, dahil pagkatapos nito ay hindi na niya muling mararamdaman ang sakit. Kahit pisikal man o emosyonal kaya hindi siya lumalaban.

"Akala ko pa naman makakatulong ka sakin, oh well... you need to choose first who will be the next victim. Give me number c'mon!" Sabi niya kay Janea na nahihirapang huminga dahil sa pagsakal na ginagawa niya.

"f-four." Ang huling salitang lumabas sa bibig ni Janea. Apat. Kahit na nalagutan na nga hininga si Janea ay walang humpay pa din ang kanyang pagsakal. Matapos sakalin ay kumuha siya ng isang tabak at marahang hiniwa ang leeg nito hanggang sa mahiwalay ang ulo sa katawan.

"See you sa impiyerno Janea." Sambit niya at pagkatapos ay bahagyang tumawa.

Ran Alleck's P O V

Anong nangyayari? Bakit ang daming nakapaligid na tao sa room?! Agad akong tumakbo para makita kung sino ang sumunod na mamatay. Si Janea. Walang buhay na nakahandusay sa loob ng silid-aralan. Pugot ang ulo.

Nakita kong papalapit sa banda ko sina Zyneth. Nang makarating sa puwesto ko ay agad kong tinanong...

"Ano nanaman ang nangyari? Hindi pa ba siya pagod?! Pagod na pagod na ko sa halos araw-araw na ganitong sitwasyon! Magpakamatay na lang tayo para mas mabilis!" Sambit ko habang sapo ang ulo.

"Alleck, lalong matutuwa ang killer kung gagawin mo yan, mapabibilis ang pagpatay niya sa section natin. Takot na sa atin ang ibang sections. Alam naman natin na puwede tayong hindi pumasok, pero pumapasok padin tayo kasi gusto nating matapos na ito. Na masolusyunan ang gusot na ito." Sambit ni Yassi Mari na kasama si Nikolo.

"Hoy Nikolo, anong ginagawa mo? Nasaan si Aicken?!" Saad ko pero nagkibit-balikat lang siya. Aba magaling, hindi niya alam kung nasaan ang kapatid niya.

"Pano kung si Aicken na ang sumunod na patayin?! Anong gagawin mo!" Sabi kong muli sa kanya.

"Si Aicken? Hindi yun papatalo sa killer. Minsan na nga yang muntik mapatay diba Alleck?" Sabi ni Yassi.

May napansin akong kakaiba sa pagkamatay ni Janea. Si Jorenz din ay namatay dahil sa pagsabog ng kotse niya, dahilan para maputol ang ulo niya. Si Janea naman, parang pinahirapan muna bago pinugutan ng ulo? Tama ba ang iniisip ko?

J-anea
J-orenz

Hindi kaya?!

"Alleck! Tara dito!" Sabi Reissah. Agad akong nagpunta sa dako niya.

"Bakit?" Tanong ko at may ipinakita siya saking isang video. Video ng pagkamatay ng isang babae? Sino naman ang babaeng ito?!

"Sino 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam eh, nakita ko lang yan sa computer ng library kasi may nakalagay na Batch 1989-1990. May kasama pa ngang picture ng mga tao na nagkakasiyahan, pero ang mas catchy pa talaga ay yung "Eternity at peace" na caption dun sa file name. Eh diba tayo ang unang Section Eternity sa school na ito? Naghalungkat na din tayo ng mga clippings about our section pero wala eh." May naalala ako.

"Saglit lang, tatawagan ko lang si Calland." Kinuha ko ang phone ko at ini-dial ang phone ni Calland. Agad namang sinagot niya ito.

"Hello Alleck, bakit?"

"Pwede ba kayong pumunta dito ni Zyneth sa library? Sa 'about-the-school' section?"

"Oo naman.".

Binaba na niya ang tawag. Hinintay namin si Calland, Zyneth at JA na makapunta doon. Nang makarating sila ay agad na pinapanood ni Reissah ang video.

"Ano to?" Tanong ni JA.

"Walang nakakaalam." Sagot ni Reissah.

"Paano at saan mo nakuha ang video na ito?" Tanong ni Calland at agad namang itinuro ni Reissah ang kalapit na computer.

"Wala kasi akong magawa kanina dahil alam kong wala naman tayong klase kaya nagtungo na lang ako dito. Binuklat ko isa-isa ang folder at ayun nakita ko ang video." Saad ni Reissah.

"Pano napunta to sa Cellphone mo?" Tanong naman ni Zyneth.

"Hindi niyo ba alam na lahat ng computer sa library ay nakakonekta sa mga cellphone ng estudyante dito? For security puroposes na din siguro at parang navigation? Tapos nakita ko yung send button sa ibaba ng video at pinindot ko yun, then my phone vibrated. I realized na napasa na pala ang video na yan sa cellphone ko." Saad ni Reissah.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Zyneth.

"We will go to the abandonned building. May isa pang library doon na tanging nakaligtas sa nangyari dati. Wala nang nagpupunta doon dahil parang ang creepy. Pero kailangan natin pumunta kung gusto nating mabuhay." Sabi ko sa kanila at nagkatitigan kaming lima.

A/N: WAHH!!! TAGAL KONG DI NAGAPDEYT! SORRY PO! SOBRANG BUSY LANG PO TALAGA SA SCHOOL. ;) Salamat po sa pag-unawa! Vote, share and comment po! Kamsa! ~

Chess Pieces 1: Celestine AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon