Calland's POV
Papunta ako ngayon sa West Pacific High dahil last day na doon ni Zyneth. Isu-surprise ko siya! Natatawa na lang tuloy ako sa sarili ko.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Nikolo dito. Hindi nakapagtataka dahil dito siya nag-aaral dati. Baka kailangan niyang kunin ang ibang forms. Narinig ko na ang mga bulong-bulungan. Tss.
"Taga-CA siya diba?!"
"Anong ginagawa niya dito?"
"Section Eternity siya!"
"Guys, balik sa room. May taga- CA."
Tss, isigaw niyo na! Nahiya pa kayo e naririnig ko naman! Nakakahiya talaga!
Sa totoo lang, ngayon ko lang ako nakapasok sa misteryosong eskwelahang ito. Misteryoso kasi dahil doon sa nangyari.
"Hello! Taga-CA ka?" Hindi, taga Pacific ako. -____- Common sense naman oh!
"Yup, Calland Cruz is the name. And you are?" Sambit ko at inilahad ang kaliwang kamay.
"Warren, Warren Ibañez." Parang pamilyar ang pangalan niya ah? Narinig ko na ito somewhere.
"Ahm, ngayon ka pa lang nakapunta dito 'no?" Sabi niya sakin. Halata ba?
"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko at tumawa siya. Anong nakakatawa? Ish.
"Papunta ka kasi sa bukid sa likod ng school." Sabi niya kaya bumalik na ako agad. Malay ko ba!
Nasaan na kaya si Zyneth? Magtatapat pa naman ako ng feelings ko. Pwe! Nakakabakla yun ah! Ano kaya ang section niya?
"Ah Warren, anong section ka ba?" Sabi niya at tinitigan lang ako.
"So, nakalipat na ba si Nikolo? Did you knew that Aicken is Nikolo's Sister?" Ano?! Kapatid ni Nikolo si Aicken! P-pero inposible! Nag-iisang anak lang siya eh!!
"Look, Clare Aicken Violago and Iann Nikolo Violago. Magkaiba sila ng Nanay, pero Iisa lang ang ama nila. Namatay si Aicken ng hindi niya nalalaman na may kapatid siya sa iba." Masyado ng napupuno ng impormasyon ang utak ko! Kaya pala ganoon na lang ang galit ni Nikolo e. Naiintindihan ko na kung bakit may dark aura na namamagitan sa aming dalawa.
"Did Nikolo tell the whole story? Ah, maybe not. He's the only one that has the right to speak about that problem." Sheet nosebleed! Kaya uminom ako ng tubig
"I'll just defacate. (A/N: Ahahaha! Naisama ko siya!)" Literal na naibuga ko yung tubig sa bibig ko! Magde-defacate na lang, magpapaalam pa! Jusme!
"Oh sure, bilisan mo. Baka lumabas ng di oras." Sabi ko at tumakbo na siya. Nakaka-ewan lang talaga! Pero nagkaroon agad ako ng instant friend!
Teka, si Zyneth yun ah! May kasama siyang dalawang babae? Aish, kaibigan niya siguro. Pupunta muna ako sa garden ng WPH.
Papunta na ako ng garden ng may mabunggo akong isang estudyante doon. I can smell the darkestest as in DARKESTEST AURA between us! That deathly glare sheet! He's killing me!
"Sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ko. Pero siya, hinawakan niya lang ang kuwelyo ko! O-ow!! Hindi ako praktisado pagdating sa suntukan!
"Anong hinde?! Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang?! Bubungguin mo ako tapos sasabihin mo sorry, hindi mo sinasadya?! Eh kung patayin kita ngayon at sabihin kong sorry! Hindi ko sinsadya!" Wow. Ang big deal ah.
"It's not a big deal." Sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa kuwelyo ko. Nakita ko ang pangalan sa ID niya.
Razzie Salas...
IV-Moonstone
Nakarating naman ako ng garden in peace. Wala munang away, patayan. I want to be calm. Gusto ko munang kalimutan lahat ng problema ko kahit sa konting panahon lang. Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog.
Warren's POV
Buti naman at tinanggap niya ang excuse ko. I know him. Kilalang kilala. Mula sa kaimbuturan ng kaluluwa niya ay kilala ko siya. Hinding hindi ko siya makakalimutan.
"Hi Warren!" Dinig kong sabi ni Zyneth. Sa lahat ng kukunin mo Calland, si Zyneth lang ang matitira sakin.
Pagkatapos mo akong talunin sa lahat ng magaling ako, biglang makakalimutan mo ako? Hindi yun pwede.
"Hello! Tara, punta tayong garden!" Sabi ko, humanda ka Calland sa makikita mo.
Tumango naman kaya nagpunta kami sa garden. Perfect, gising na si Calland.
"Zyneth..." Sambit ko, ewan ko pero kinabahan ako bigla! Pwe! Nakakabakla naman yon!
"Hmm?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Could you please look at me." Sabi ko kaya tumngin siya sakin. Hinawakan ko yung kaliwang kamay niya. Ayon sa aking peripheral vision ay nakatingin si Calland.
"Zyneth, I need to confess something. All this time, you've been my dream, inspiration crush at marami pang iba. Hindi ko alam pero naakit mo ako eh. Ewan ko pero ikaw talaga yung tinitibok nito *turo sa dibdib*. Zyne--" Pinutol ni Calland ang sasabihin ko jusme!
"Zyneth, mahal kita." Wtf. That's my chance! This Calland, hindi na kita hahayaang manalo sa taong pinakamamahal ko!
"H-ha? A-ano bang p-pinagsasabi niyo?" Tanong niya. Halata sa mukha niya ang pagkalito.
"Mahal kita." Sabay naking sambit ni Calland.
Zyneth's POV
Sumasakit ulo ko!! Teka!! Ayaw ko ng ganito!
"Zyneth, choose." Sabi ni Warren, mahal ko si Warren simula pa lang grade 4 ako. Pero hindi ko alam na unti-unti na din pala akong nahuhulog kay Calland! Sheet! Ayaw ko ng ganito!!
"Pagkatapos kitang ituring na kaibigan, lolokohin mo ako! T*rantado ka!" Sabi ni Warren kay Calland at muntik niya ng suntukin si Calland, pero humarang ako. Ayaw ko siyang makitang nasasaktan! Ayaw ko!
"Z-zyneth?" Sambit ni Warren. Naiiyak na ako putspa!
"A-akala ko ba ako ang mahal mo?" Sabi niya, tuluyan ng pumatak ang luha ko.
"Hindi Warren, si Calland." Sabi ko at inalalayan si Calland.
Warren's POV
Humanda ka sakin Calland, magkikita at magkikita pa tayo. Good luck na lang sa inyo kung magtatanga-tangahan kayo. Madami akong alam na hindi niyo alam. Kilala ko ang killer Zyneth, mali ka ng pinili.
---x
A/N: Nagsagawa po ako ng survey kung si Waaren ba o si Calland ang pipiliin ni Zyneth. Mas madami kay Calland, ay hindi pala. Lahat pala si Calland ang pinili! xD ahahaha Guys, naa-appreciate ko ang pagbabasa ng mga silent readers, pero hindi naman po masamang magcomment at vote! xD Kamsa~!
Next Chapter: 19: She's Back
BINABASA MO ANG
Chess Pieces 1: Celestine Academy
Misterio / SuspensoBook 1 of Chess Pieces Trilogy 1st Section 50 students 1 killer Try and find before 50 shades of red ink take over. Are you ready to take risk in a game where your own life is at stake? This is CELESTINE ACADEMY, where one wrong move KILLS YOU! 5 4 ...
