Kapit
Nang matapos na kaming kumain,,agad na kong pinaghanda ni master hyann dahil malayo layo raw mula dito ang aming pupuntahan,,kaya naman sinuot ko na ang damit na inihanda ni master sakin kanina at tama nga ko,parang bestida ko na ito!
pero ayos lang kesa naman suotin ko parin yung damit ko. Pero infairness ambango ng damit ni master,kaamoy niya,parang hindi nalalagyan ng pawis.
Bumaba na rin agad ako pagkatapos kong mag ayos dahil naghihintay na doon si master sakin. Pagkababa ko agad na kong pinasunod ni master sa kaniya palabas ng mansyon pero sa likuran kami dumaan dahil delikado na,,baka may makakita pa saking ibang tao dito!
"Ah master,sasakay tayo diyan sa kabayo?"napansin ko kasi na may kabayo pagkarating namin sa likurang bahagi ng mansyon
"Oo may problema ba?"
"Ah wala naman po master,,hindi lang po kasi ako marunong sumakay diyan,nakakatakot baka po mahulog ako!"
"Sa tingin mo hahayaan kong mahulog at masaktan ka? syempre ako ang hahawak sa kabayo at ikaw,,sa likuran kita,,hindi tayo makakarating agad sa lugar na pupuntahan natin kung maglalakad lang tayo..."
"Ah ganun po ba master,,sigee po tara na po!"
"Tsk sasakay rin pala andami pang reklamo,,sige na aalalayan kita makaakyat..."
"Ah eh master,,ikaw na po ang mauna,,baka mamaya gumalaw yung kabayo niyo at bigla nalang akong sipain..."
"Huwag nang makulit,,,sumakay ka na!aalalayan kita tsaka hindi ka basta basta sisipain nitong si gaston,,maamo to"
"Ah sige po",,,humawak na nga ako sa kamay ni master habang siya ay inaalalayan ako mula sa aking mga kamay at bewang,,sa katunayan naiilang ako pano ba naman kasi,,ang lapit lapit namin ni master Hyann sa isat isa,,ang guwapo guwapo pa naman niya,,kung hindi ko lang alam na napakasungit nito,,crush ko to eh,,ayy kung ano anong sinasabi ko..erase,erase, erase,,,
"Ayos ka lang ba? Hindi ka nahihirapan?"
"Ah o-okay lang po master..salamat po!"Hindi ko namalayang nakaakyat na pala ako sa kabayo...masyado akong natutulala kay master,,naku mahirap to tsk...
Nang nakaakyat na rin si master,,pinatakbo niya na rin ang kabayo kaya lang dahil sa hindi ako nakahawak kay master,,muntik pa kong mahulog!
"Ano ba yan?kumapit ka kasi, humawak ka sakin!madidisgrasya ka pa sa ginagawa mo eh!"
"Sorry po master,,heto na po,,hahawak na"
Humawak na nga ko sa bewang niya,,sa balikat lang sana kaya lang pinagalitan ako ni master kasi masyadong maluwag ang pagkapit ko kaya ang ginawa niya,nilagay niya ang mga kamay ko sa bewang niya at pinagbantaan pa ko na kapag daw inalis ko yung pagkakahawak ko sa kanya,,ipapaalam niya daw sa mga tao dun sa palasyo na may bihag siyang isang estranghero!
Hayy alam na alam talaga ni master Hyann panakot niya sakin!
Ang galing ni master Hyann magpatakbo ng kabayo,,halatang bihasa na siya sa gawaing ito,nakakamangha at napakaamo ni gaston sa kaniya,,siguro kung ako yan kanina pa ko sinipa nang kabayong yan hahah!Mukhang masungit pagdating sakin eh parang amo niya hehe! Ngayon ko lang napansin,napakasukal nang daan na tinatahak namin ni master,,saan kaya kami patungo? Huwag niyang sabihing diyan niya ko papatayin! Naku po tulungan niyo ko,,,ayoko pang mamatay,,bata pa ko!hindi ko ka---
"Hoy!tinatanong kita kanina pa pero parang wala kang naririnig!"
"Ah ano po ba yon master Hyann?"
"Ang sabi ko bumaba ka na,,,kanina pa nakahinto itong kabayo pero hindi mo yata nararamdaman,,may gumugulo ba diyan sa utak mo?"
"W-wala naman po master,,sige po bababa na po ako",,,at nung eksaktong nakahawak na ako sa balikat ni master dahil nga bababa na ko,,bigla na lamang gumalaw si gaston kaya nagulat ako nung napasandig ako kay master at eksaktong eksakto pa na nagdampi ang aming mga Labi! nakaharap kasi si master sakin kanina ng patagilid dahil inaalalayan niya ang pagbaba ko kaya nung napasandig ako sa kanya,,biglang nagdampi ang mga labi namin!
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong humiwalay kay master at basta na lamang bumaba sa kabayo,,ganun din si master,,bwiset na gaston na ito,,pinapahamak pa ko kaasar!di tuloy ako makatingin kay master!
"Ah master,,pa-pasen-siya na p-po,,hindi ko sin-asadya ang nangyari.." ano ba yan,nagkakanda utal-utal tuloy ako eh!
"Ah tara n-na,,baka gabihin p-pa tayo,,,"
Nang humarap ako sa kaniya,,nagulat ako dahil namumula ang mga tenga at leeg ni master!
"Ah master,,namumula po k-kayo,,okay lang po ba kayo?"
"Ah okay lang ako,,wala to tara na!"
Nakakahiya talaga,,,parang gusto ko ng lumubog sa Lupa,,first kiss ko yon eh!kaasar bwiset na kabayo yan!
Nakakailang na tuloy kausapin si master,,ang tahimik pa naman nitong gubat na tinatahak namin,,puro pagaspas lang ng puno at hangin ang maririnig,,,
Mga ilang oras pa lang kaming naglalakad ni master patungo dun sa lugar na sinasabi niya ay unti unti namang pumatak ang ulan at kalaunan ay bumuhos na nga ito,, kaya tumakbo na kami ni master buti nalang at nakarating agad kami dun sa lugar na yon
Nabigla nga ko sa lugar eh kasi ang inaasahan ko ay pupunta kami ni master sa lugar na maraming tao at ipapapatay niya ko pero hindi,,ang lugar na ito ay parang isang paraiso,,may mga halaman sa paligid ng tulay na dinaraanan namin ngayon at pag nalampasan mo ito ay may malaking puno ka na makikita at sa itaas nito ay may bahay na maliit pero gawa sa salamin!sa harapan naman ng puno na may bahay na ito ay mayroong ilog
"Wow!sobrang ganda naman dito master,,sobrang payapa ng paligid!may iba pa bang tao dito bukod satin?"
"Wala,,ang lugar na ito ay pag aari ko lamang at wala pang ibang nakapunta dito na pinahihintulutan ko bukod sayo..."
ambilis ng tibok ng puso ko pagkasabi niyan ni master lalo na dahil habang sinasabi niya yan ay nakaharap siya sakin!
Kaya naman tumikhim na lamang ako para mawala ang kaba ko
"Sa ngayon dito ka muna dahil mas ligtas ka sa lugar na ito,,delikado na sa mansyon lalo na at may pagtitipon na magaganap mamaya"
"Ho?pagtitipon?anong klaseng selebrasyon yan master?may birthday ba?"
"Wala,,kalimutan mo na yung sinabi ko,,basta dito ka lang muna yun ang mahalaga"
Ano kayang pagtitipon yon?hmm
XansetEam
YOU ARE READING
Vampire's Tears
Vampire[Completed] Fall in love with the Vampire master Hyann Valmonte whom a cold-hearted and a badass but everything turns into chaos when he met Vannie, the girl that will break his heart to be able for him to live longer Vampire Series #1