Dakip
Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog ngunit akoy nagtaka kung bakit wala nanaman si hyann? hindi kami magkatabi ngunit natatanaw ko siya mula sa silid niya na aking inuukupa kaya naman madali kong mapansin kapag wala siya
madalas ay wala si hyann pagsapit ng hating gabi,,san kaya nagpupunta yung lalaking yon,,,kung kelan gabing gabi na saka pa aalis...
natatakot pa naman ako mag isa dito lalo na dahil bumabalik sa aking alaala ang hitsura ng halimaw na aking nakita!
mga ilang oras lang ang lumipas,,,nakaramdam ako na parang may nagmamasid sakin,,,dahil sa salamin ang bahay na ito ni master although one way mirror naman,,,pakiramdam ko nakikita parin ako ng kung sino sa labas...
kaya naman kahit natatakot ay pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga at pinakiramdaman kung may tao ba
Nakarinig nanaman ako ng kaluskos kaya naman lumabas ako ng bahay upang sundan ang tunog na ito!
Dahan dahan akong naglalakad habang pilit na sinisilip kung ano nga ba itong kumakaluskos hanggang sa hindi ko namalayang nakarating na ako sa pinakamadilim na parte ng lugar na ito,,,
Tandang tanda ko na ito ang parte ng lugar kung saan ako nagtago nang makiusap si hyann na lumayo muna ako! hyann nasan ka na ba? Iligtas mo ko rito,,natatakot ako na baka patayin ako ng halimaw na ito!
sa madilim na bahaging ito,,,natagpuan ko siya ngunit bakit nakatayo lamang siya sa gitna ng madilim na bahagi ng lugar na ito at napansin kong masyadong bilog ang buwan ngayon,,nakatapat pa sa kanya!
habang pinagmamasdan ko siya ngayon,,kakaiba ito!hindi ko man makita ang hitsura niya dahil nakatalikod ito sakin,,alam ko na hindi ito isang pangkaraniwan!halimaw nga talaga pero mas lalo akong nabigla ng magbago ito ng anyo! naging isang tao na ito!
pagharap niya ay hindi ko inaasahan ang makikita ko...
napatakip ako sa aking bibig ng napagtanto ang isang bagay!
H-hyann?pabulong ko yang sinabi habang gulat na gulat! kinusot ko pa ng ilang beses ang aking mata ngunit ganun parin ang aking nasaksihan,s-si Hyann ay i-isang,,,,
kahit na nanginginig ang tuhod ko ay tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na alam ang patutunguhan ko...hindi niya ko nakita pero siya,,kitang kita ko kung pano magbago ng anyo! ayokong maniwala pero....
eksaktong makalabas ako sa kanyang lugar ay biglang may nagtakip ng panyo sa aking bibig at bigla na lamang akong nahilo hanggang sa nawalan ako ng malay at ang huli ko nalang na naalala ay may bumuhat sa akin na isang lalaki at isinakay ako sa isang karuwahe...
_________________________________________________________________________________________________________________________
Isang maliwanag nanaman na buwan ang nagbabadya sa kanya,,,sobrang saya niya kanina at ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong labis na saya ng kanyang puso dahil sa isang babae...ngunit kahit hindi niya gustuhin,,hindi talaga sumasang ayon sa kanya ang kanyang pagkatao,,magiging isang bampira nanaman siya...at ayaw niyang malaman ito ng babaeng nagpapatibok ng kanyang puso kaya ninais niya munang lumayo upang hindi ito matakot
sa tuwing magiging bampira ito,,,ang kanyang mga kamay ay nagkakaroon ng mahahabang kuko, ang kulay ng kanyang balat ay hindi ordinaryo ang kaputian, ang kaniyang mga ngipin ay nagkakaroon ng mahahabang pangil at nagkakaroon siya ng maraming balahibo sa katawan!
samakatuwid,,,mukha itong isang halimaw na bampira! At ang pinakaaayawan niya sa lahat ay sa tuwing magiging ganito ang anyo niya,,hindi niya alam ang kanyang ginagawa,,wala siya sa kanyang sariling pag iisip at ang alam lamang niya ay pumatay!
pumalibot ito sa sarili niyang lugar at naghanap ng mapapatay sakto ay nakakita siya ng isang hayop ay kaagad niya sinipsip ang dugo nito!
nang matapos ay naghanap siya ng madilim na lugar kung saan ay may maliwanag na buwan na siyang nagbabalik ng kanyang ordinaryong katauhan bilang tao...
sinambit niya ang mga katagang ito sa isang pabulong na paraan...
"mes de poder, mi apariencia cambiará, hará una ordinaria que es mi verdadera personalidad ..." (Buwan ng kapangyarihan, aking anyo ay baguhin,,gawing isang ordinaryo na siyang tunay kong pagkatao)
Hanggang sa bumalik na ulit ito sa kaniyang ordinaryong hitsura at dali daling bumalik upang masilayang muli ang espesyal na babae sa kanyang buhay,napangiti siya dahil sa isiping iyon
ngunit nang makarating at walang madatnan rito ay agad na kumulo ang kaniyang dugo,,,alam niyang hindi ito aalis ng basta basta dahil nangako ito sa kanya at isa lamang ang dahilang tumatakbo sa kanyang isip...
Napakawalang hiya mo talaga! lahat ng nasa paligid mo ay gusto mong magdusa katulad mo! Wag na wag mo lang talagang sasaktan si vannie dahil kung hindi,,,kakalimutan kong naging ama pa kita at matitikman mo lahat ng masasakit na bagay na ipinaranas mo sa amin ng kapatid ko!
"Espérame Vannie, no importa lo que diga mi buen padre, por favor no escuches..." (Hintayin mo ko Vannie,,kung ano man ang sabihin ng magaling kong ama, wag na wag mong pakikinggan pakiusap).
XansetEam
YOU ARE READING
Vampire's Tears
Vampire[Completed] Fall in love with the Vampire master Hyann Valmonte whom a cold-hearted and a badass but everything turns into chaos when he met Vannie, the girl that will break his heart to be able for him to live longer Vampire Series #1