Katotohanan
"Naalala mo nung huling beses na dinala kita rito? Ikinwento ko sayo ang buhay ko nung bata ako,,na lumaki akong walang natanggap na anumang magandang bagay mula sa aking ama, namuhay ako ng mag isa na dala ang galit at poot sa aking ama"
narito kami ngayon sa hardin,,,napapansin kong malapit na maghatinggabi,,ang buwan ay unti unti ng nagbabadya ng kadiliman....magkatabi kaming nakaupo sa ilalim ng malaking puno habang pinakikinggan ang lahat ng kaniyang mga paliwanag
"tama ang narinig mo kanina Vannie,,"humarap ito sa akin habang sinasabi ang mga salitang sadyang nagpabigla sa akin,,,dati naririnig ko lang ang mga iyon pero di ko akalaing totoo at sa lalaking nagpapabilis pa ng pagtibok ng aking puso!
"Ako si Hyann Valmonte, anak ni haring Madrid Valmonte at isa akong bampira, sa umaga normal ang hitsura ko ngunit pag ang buwan ay nagbabadya na ng kadiliman,,bumabalik ako sa aking kakaibang anyo, naalala mo nung gabi na pinalayo kita mula sa akin?"
"O-oo,,nung gabi na parang nahihirapan kang huminga at sabi mo magtago ako sa lugar na hindi madaling mahanap...."
"yun ay dahil ang aking anyo ay unti unti nang nag iiba,,,pag ako ay isang bampira,hindi ko kilala ang mga tao sa paligid ko,,ang laman lamang ng utak ko ay kasamaan,ang pumatay at ayokong may magawa ako sayo na pagsisisihan ko kinabukasan kaya pinalayo kita Vannie..."
"bumabalik ako sa normal na anyo sa madaling araw at kapag ang buwan ay napakaliwanag...Ito ang nagbibigay sa akin ng kakayahang bumalik sa normal na pagkatao..."
"Hindi ko ginustong maging ganito,,ngunit ito ang aking kapalaran,,ang aking ama ay isang bampira ngunit ang aking ina ay isang ordinaryo lamang na tao katulad mo..."
"Ib-ig mong sabihin, hindi ka purong bampira? Kasi sabi mo ang na---"
"Oo Vannie, kaya rin ako nagiging tao at ang kapatid ko ay dahil ang ina namin ay isang tao,,,ngunit namatay siya ng hindi man lang naipaglalaban ang kaniyang sarili mula sa aming ama!"nakita kong kumuyom ang kanyang kamao kaya naman hinawakan ko ito...
"Pinatay siya ng sarili naming ama! Kitang kita ko Vannie kung paanong ginamitan niya ng kanyang kapangyarihan ang aming ina upang magkaroon siya ng kakayahang maging tao! napakawalang hiya niya,,ni hindi ko manlang naipaglaban ang aming ina dahil sa nung mga panahong iyon ay wala akong kakayahang lumaban sa kanya!"
"Vannie...ako yung tinutukoy nilang master nung gabing napadpad ka sa mansyon... at totoo ang sinabi nang aking ama,,na lahat ng nakapaligid sayo rito ay hindi mo katulad...sila ay mga hundapi kahit na ang ang mga kasambahay sa mansyon,,ngunit pinag iingat kita sa kanila dahil hindi lahat ay aking mga tagasunod,karamihan sa kanila ay alipin ng aking ama na ang alam lamang ay pumatay!"
"Pe-ro kung ikaw ang master na iyon,,bakit di mo sinabi sakin nung tinanong kita tungkol dun? tsaka diba dapat pinatay mo na ko nun!"
"hindi ko din alam Vannie,,simula nung makita kita nung gabing iyon, there's something special in you kaya agad kitang nilapitan at di na nagdalawang isip na dalhin ka sa mansyon,,mabuti nalang dahil nung mga panahong iyon ay wala si papa"
"Eh si-no y-ung bihag ninyong lalaki na sinaktan nung mga hundapi nung gabing iyon?"
"Isa siya sa mga alipin ni papa at may kinuha siyang napakahalagang bagay sakin ngunit hindi mo na kailangang malaman yon dahil ayokong madamay ka sa mundong ginagalawan ko...."
"Eh si harrion? Nasan siya?"
"nasa mansion parin siya ngunit hindi rin siya madalas na naglalagi roon,katulad ko ay may obligasyon din siya at may personal na dahilan kung bakit hindi kami pwedeng magsama sa lugar na ito...yun ay dahil sa ayaw naming malaman ng aming ama na gumagawa kami ng plano laban sa kaniya!"
"Ngayong nalaman mo na Vannie ang mga sikretong itinatago ko, tanggap mo parin ba kung ano ako? Hindi parin ba nagbago ang nararamdaman mo para sakin dahil sa mga natuklasan mo ngayong gabi?"
hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya sa kaniyang dibdib...
"Nararamdaman mo ba Vannie? Ang isang bampira na katulad ko ay bumibilis ang pagtibok ng puso dahil sayo,,, tanggap mo parin ba ko Vannie? Hindi ka ba natatakot sakin?"
"Ang totoo niyan Hyann, nung gabing nadakip ako ng iyong ama,, nakita kitang nagbago ng anyo sa madilim na parte ng iyong lugar,,sobra akong natakot at inakala kong isa kang halimaw dahil yun din ang hitsura na nakita ko nung gabing pinalayo mo ko at pinagtago at dahil din sa sobrang takot ko, lumabas ako sa lugar mo kaya naman nadakip ako ng iyong ama..sorry"
"So, you already know Vannie na hindi ako ordinaryong tao bago ko pa aminin sayo? But hindi kita sinisisi kasi kahit sino namang makakita,,matatakot talaga sa hitsura ko eh, kung ordinaryo lang sana ako Vannie katulad mo, hindi ka na mahihirapan ng ganito,I'm sorry kung hindi ko inamin sayo kaagad ang totoo,,natakot ako na baka mas lalo kang lumayo sakin kapag nalaman mo,mas mabuti pa sigurong lumayo na ko mula sayo para hindi ka mapahamak pa..."
"No,listen to me,,hinawakan ko ang kanyang pisngi, oo hyann natakot ako pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kita tanggap,na ayaw ko na sayo at lalayuan nalang kita ng basta basta,kahit ano ka pa,,hindi mawawala ang espesyal na nararamdaman ko para sayo,,wag kang mag alala okay? katulad nang ipinangako ko sayo,hindi kita iiwan,your my vampire master now,," then I smiled at him
"I will be your handsome vampire master and you will be my sweet Vannie ,," then he smiled at me and hug me tightly...
Nang nagdilim na ang buwan,,bigla na lamang lumayo si hyann at nakita ko kung paanong nahihirapan siya ngayon habang unti unting nagbabago ang kaniyang anyo,,sobra akong kinakabahan na baka saktan niya ko dahil iba ang anyo niya ngayon,pero naniniwala parin ako na hindi ako sasaktan ni hyann. Nang makita ko nang buo ang kaniyang hitsura,,sobrang kakaiba,,ngunit nakapagtataka dahil nakatitig lamang ito sakin, at nang tangkain kong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay, bigla na lamang bumalik ang kanyang ordinaryong anyo bilang tao!
"Hyann! Naging tao ka ulit! " Sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya
Niyakap niya rin ako ng sobrang higpit, "I think you're that person na matagal ko nang hinahanap,,"
Hindi ko man naintindihan ang sinabi ni hyann ngunit patuloy ko lang siyang niyakap sa ilalim ng isang maliwanag na buwan...
XansetEam
YOU ARE READING
Vampire's Tears
Vampire[Completed] Fall in love with the Vampire master Hyann Valmonte whom a cold-hearted and a badass but everything turns into chaos when he met Vannie, the girl that will break his heart to be able for him to live longer Vampire Series #1