Kamatayan
Matapos ang gabing iyon na nalaman ko ang lahat sa katauhan ni hyann,, mas tumindi ang nararamdaman ko para sa kanya,,sa tingin ko hindi nalang ito simpleng pagkagusto lang,, pakiramdam ko mahal ko na siya
ngayon ay pinapaliguan namin sa ilog ang kaniyang kabayo na si gaston,,napakasungit talaga ng kabayong ito,, laging highblood pag nakikita ako
"hyann san ba pinaglihi tong kabayo mo? Ba't napakasungit niyan sakin pero sayo napakalambing naman"
"Ha-ha don't be jealous my sweet Vannie okay,,,"
"Sinong nagsabing nagseselos ako,,at diyan pa talaga sa kabayo ha che!"
"Biro lang haha..."tinalikuran ko siya,,nakakinis kasi sasabihin pang nagseselos ako sa kabayo niya hmp magsama sila ng alaga niya!
"Hey,," niyakap niya ko mula sa likod at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat," wag ka nang magtampo, ang cute mo pa naman haha"
"Ewan ko sayo hyann nakakainis ka! Lagi mo nalang akong inaasar!"
"Okay hindi na haha...payakap nalang ang handsome vampire master mo..."
Matapos ang mahabang katahimikan habang yakap niya ko,,may ibinulong siya sakin na sadyang nagpalakas ng tibok ng aking puso
"I love you Vannie sobra,,sa tingin ko hindi na ko makakaahon pa"
"I-I l-ove you too hyann,,,hindi mo naman kailangan umahon eh kasi parehas lang din tayo,,sa tingin ko di narin ako makakaahon sa nararamdaman kong ito para sayo"
Iniharap niya ko sa kanya and he kiss me slowly, it felt like it's the first time that we kissed,,he's so gentle...
Nakapikit siya habang hinahalikan niya ko...ngunit nagulat ako ng bigla na lamang siyang humiwalay at hawak ang kaniyang dibdib!
"Hyann okay ka lang ba?!" hinawakan ko ang kaniyang kamay na hinahawakan ang kaniyang dibdib,,"sobrang sakit ba?"
"Va-vannie ok-kay lang ako,,,yakapin mo nalang ako para maalis ang sakit..."
"Ha,,hindi maiaalis ang sakit niyan sa simpleng pagya---"
"Please Vannie,,yakapin mo lng ako,,magiging okay na ulit ako"
"Sige...pero pagkatapos nito,,umakyat na tao sa bahay okay? Magpahinga ka para umayos ang pakiramdam mo"
Tumango lamang siya habang yakap ko siya...masyado pang maaga para maging bampira siya,,ngunit ano kayang dahilan ng pagsakit ng kaniyang dibdib?
"Okay ka na? "Nang tumango siya ay inaalalayan ko siyang maglakad at nang nakaakyat na kami sa bahay ay pinagpahinga ko muna siya,,ako naman ay nagdesisyon munang bumalik sa may ilog upang tapusin ang pagpapaligo kay gaston at nang matapos ay itinali ko na ito sa malapit na puno
Pagharap ko ay bigla na lamang nagpakita sakin si harrion..."Anong ginagawa mo dito? Ang sabi ni Hyann diba bawal ka dito?"
"Wag kang mag alala di kita sasaktan at pasensiya na kung natakot man kita nung unang beses tayong nagkita,,,hindi ako masama,,gusto lang talaga kitang balaan"
"Kilala mo naman na siguro ako diba? Ako si Harrion Valmonte,ang nakababatang kapatid ni Hyann Valmonte,,,isa rin akong bampira ngunit hindi ako basta bastang pumapatay ng estrangherong katulad mo"
"Nung araw na nagkita tayo,,gusto kitang balaan"
"Balaan?para saan?"
"Na dapat ay lumayo ka na kay kuya habang maaga pa pero I guess huli na ang lahat,,,gustong gusto ka niya Vannie at wala nang makakapigil don kahit sino man"
"Bakit ko naman siya lalayuan? Nangako ako sa kaniyang hindi ko siya iiwan anumang ang mangyari"
"Paano ka naman nakasisiguro Vannie na mapapanindigan mo ang pangako mong yan kay kuya?"
"Alam ko sa sarili ko Harrion ang kahalagahan ng pagtupad ng isang pangako Harrion,,,hindi ba pwedeng suportahan mo nalang ako sa pangako kong iyon para sa kuya mo?"
"Hindi kita hinahadlangan Vannie,,ngunit Lahat ng bagay sa sinasabi ko sayo ngayon ay may dahilan...hindi ko ito sasabihin dahil sa ayaw kita para sa kuya ko,,ang totoo nga niyan,,gusto kita para sa kanya kasi alam ko na ikaw ang makapagpapasaya kay kuya,,matagal na panahon na siyang nagdurusa at ngayon ko lamang ulit nasilayan ang magandang ngiti ni kuya sa tuwing kasama ka niya..."
"Ngunit lahat ng bagay Vannie ay may limitasyon,,"
"Anong ibig mong sabihin?pwede ba diretsuhin mo na harrion nang hindi na ko nang----"
"Hindi pwedeng magmahal ng sobra si kuya, sa nakikita ko ngayon,,sobrang mahal na mahal ka niya at hindi ito nakabubuti sa kanya Vannie"
"Maaari niyang ikamatay ang sobrang pagmamahal sayo! Kaming mga bampira sa lugar na ito ay hindi maaaring magmahal ng katulad mong isang ordinaryong tao,,iba ang mundo mo at iba ang mundo niya..."
"Ayoko man itong gawin Vannie pero nakikiusap ako,,pwede bang layuan mo na ang kuya ko? Gusto ko pa siyang makasama ng matagal at ayokong mawala siya dahil lang sa sobrang pagmamahal sayo!"
"Marami pa kaming plano laban sa aming ama Vannie,, ngunit sa nakikita ko ngayon,, ang kaniyang buong atensiyon ay nasa iyo lang,,sa Vannie na nagbigay sa kaniya ng pagkakataong maging masaya ulit..."
"Hindi ba una palang gusto mo nang makaalis sa lugar na ito? Tutulungan kita Vannie,,makikita mo na ulit ang pamilya mo, makakalabas ka rito ng buhay ngunit ipangako mong lalayo ka na kay kuya at hindi na babalik pa..."
"Pero nangako ako kay Hyann!anuman ang mangyari,,di ko siya iiwan---"
"Kahit na ang kapalit nun ay kamatayan niya Vannie? Mas gugustuhin mo ba yon?"
"Hindi Harrion!pero mas lalo siyang masasaktan kapag iniwan ko siya at hindi tinupad ang pangako ko! Naiintindihan mo ba Harrion!"
"Naiintindihan kita Vannie,,pero pag isipan mo ang lahat ng sinabi ko,,malakas si kuya pero unti unti na siyang nanghihina dahil sa pagmamahal na yan"
"Kung ang kapalit ng pagmamahalan ninyong dalawa ay ang kamatayan,,mas mabuting pag isipan mo Vannie ng mabuti ang mga dahilan kung bakit kailangan mo siyang iwan..."
"Kapag may desisyon ka na,,pupunta ulit ako rito at tutulungan kita sa anuman ang desisyon mo...alam kong mahirap Vannie pero sana piliin mo ang bagay na makakabuti kay kuya..."
Matagal na siyang nakaalis ngunit naiwan parin akong nakatulala rito sa tapat ng ilog...ayokong gawin yon kay hyann ngunit natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya..bakit hindi niya ito sinabi sakin,,,
Ayokong sumisira ng isang pangako ngunit hindi ko maipagkakailang tama ang mga sinabi ni Harrion..nabigla ako sa kaniyang sinabi pero alam kong ginagawa niya lamang ito para kaniyang kuya...
Gusto ko nang makauwi sa amin,,makita si papa at mama,,mayakap si kuya ngunit natatakot din ako sa maaaring mangyari kapag hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Harrion...
Ano bang nararapat kong gawin?
XansetEam
YOU ARE READING
Vampire's Tears
Vampire[Completed] Fall in love with the Vampire master Hyann Valmonte whom a cold-hearted and a badass but everything turns into chaos when he met Vannie, the girl that will break his heart to be able for him to live longer Vampire Series #1