Pag iwas
Nagising ako mula sa isang masamang panaginip,,sinaksak daw ako ni Hyann! Parang totoong totoo siya!
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ng mahigpit ang aking kumot...ano kayang ibig sabihin ng aking panaginip? Bakit sa dinami dami ng mapapanaginipan ko ay ganun pa
Limang taon na pero nung makita ko siyang muli, bumalik lahat ang alaala niya sakin...simula ngayon pipilitin ko ang sarili kong mahalin si kiyo, ayoko nang habulin ng nakaraan
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sakaling makita akong muli ni hyann pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, huwag lamang kaming magtagpong muli!
Sa kabilang banda ay isang lalaki ang nakikipaglaban sa mga tauhan ng kaniyang ama, nalaman nito ang kaniyang ginawang pagpunta sa babaeng kaniyang minamahal
"Kahit anong gawin niyo, hindi niyo ko mapapatay, nagsasayang lang kayo ng oras kakasunod sa pinag uutos ng aking walang hiyang ama!"
Napakaraming hundapi ang nakapalibot sa kaniya, habang siya ay patuloy na nakikipaglaban sa mga ito gamit ang kaniyang makapangyarihang espada
Nabalot ng dugo ang paligid, lahat ng hundaping nagtangkang pumatay sa kanya ay namatay!
Habang ang ama niya ay pinapanood lamang ang kaniyang pakikipaglaban sa mga ito habang may malademonyong ngiti
"Sa susunod kasi hyann, matuto kang sumunod,,lahat ng ikinikilos mo ay alam ko at kaya kong gawin ang lahat para hadlangan ka sa iyong kasiyahan!"
*Smirk "nakasisiguro ka ba na ang iyong mga alipin ay tapat sa iyo? Pa, huwag kang pakasigurado dahil hindi lahat ng nasa tabi mo ay tamang impormasyon ang binibigay sayo...at masyado ka naman yatang nagtiwala sa binitawan kong salita sayo noon..ha-ha kahit kelan hindi ko susundin ang mga sinasabi mo!"
"Sigurado ka ba Hyann? Paano kung sa kakasuway mo sakin ay ipalit ko ang buhay ng babaeng minamahal mo"
"Subukan mo! Nang malaman ng lahat sa palasyo ang mga lihim na itinago mo nang matagal na panahon"
Nagpupuyos sa galit ang kaniyang ama na siya namang ikinatuwa niya dahil malapit na, malapit na nilang maisakatuparan ng kaniyang kapatid ang lahat ng kanilang plano
Just wait for me Vannie, kapag nagawa ko na ang lahat, babawiin kita sa hayop na lalaking iyon!
_________________________________
Ngayong araw ay naisipan kong yayain si kiyo na mamasyal...itinatak ko sa isip ko na dapat si kiyo lamang ang aking iniisip at wala nang iba pa...
"Kiyo pansin ko lang, matagal na tayo pero ni minsan hindi kita nakitang kasama ang pamilya mo,,nasan sila?"
"Ah-eh n-nasa ibang bansa sila eh...ako lang yung nasa bahay"
"Ayos ka lang ba? Bat parang namutla ka?"
"A-ayos lang ako Vannie, tara dun naman tayo sa bandang iyon"
Narito kasi kami sa mall, balak ko rin mamili ng mga pagkain sa bahay kaya dito ko nalang din naisipang yayain na mamasyal si kiyo
"Kiyo kwentuhan mo naman ako tungkol sa kanila,,para naman kung sakaling magkita na kami eh alam ko ang itatawag ko sa kanila"
"Vannie, h-huwag nalang kaya, kasi di ako sanay na nagkukuwento ng personal kong buhay eh"
"Ah ganun ba...sige pala wag nalang, tara na at may kailangan pa kong bilhin"
Medyo nadismaya ako roon kay kiyo kasi pakiramdam ko may itinatago siya sakin..pero ayaw ko siyang pagdudahan kaya inialis ko na lamang ang pagdududang iyon sa aking isip
YOU ARE READING
Vampire's Tears
Vampire[Completed] Fall in love with the Vampire master Hyann Valmonte whom a cold-hearted and a badass but everything turns into chaos when he met Vannie, the girl that will break his heart to be able for him to live longer Vampire Series #1