Chapter 5

83 4 0
                                    

Harrion

Isang linggo na ang nakararaan mula nung mangyari ang insidente nung gabing yon ngunit magpahanggang ngayon,,di parin ako pinapansin ni master,,may nagawa ba kong mali para kahit man lang kausapin ako di niya magawa?

nung araw na magising ako kinabukasan ng mangyari yon ay nagtataka ako kung bakit parang umiiwas na sakin si master,,nung una okay lang eh kasi kahit paano kinakausap niya naman ako pero nung lumipas pa ang mga araw,,parang hangin nalang ako sa paningin niya,,,,

mas gusto ko pa yung nagsusungit siya kesa sa hindi siya namamansin!tulad nalang ngayon,,paalis nanaman siya tapos babalik gabi na,mag isa nanaman tuloy ako sa lugar na ito!

mas mabuti sigurong humanap na ko ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na ito at makauwi na samin,,tutal okay lang naman na siguro kay master kahit umalis ako eh,wala naman ng ibang tao dito bukod samin tsaka wala namang nakaalam na may nakasama siyang isang estrangherong katulad ko sa mansyon...

Sinigurado ko munang nakaalis na si master bago ako tuluyang lumisan sa lugar na iyon,,,matagal ko nang napapansin na ang gubat na ito ay masyadong madilim na kahit umaga ay tinatakluban nito si haring araw,,,nakakapagtaka naman

Malayo layo na rin ang aking nalakbay,,napakahirap humanap ng daan kung pano ko makakabalik samin,,masyadong maraming direksyon itong gubat,,natatakot ako na baka iba ang mapuntahan ko kapag tinahak ko ang iba't ibang direksyon kaya dineretso ko nalang ang daanan...

haay kakapagod naman!nagpahinga na muna ako sa ilalim ng malaking puno dito sa gubat,,pagod na pagod na ko,,kanina pa ko naglalakad pero parang walang direksyon ang pupuntahan ko

"Psst!"

"a-ano yon?!"

"Pssst!"

"sino ka?!anong kailangan mo sakin?"

Naramdaman ko nalang na biglang umihip ng malakas ang hangin at naglaglagan ang mga dahon...makalipas ang ilang segundo,,may bigla akong naramdaman na malamig na bagay sa aking leeg!

"anong ginagawa ng isang estrangherong katulad mo dito?"

"Ah--wag mo kong papatayin pakiusap!wala akong ginagawang masama,,hinahanap ko lang ang daan pauwi samin"

"alam mo bang ang lugar na ito ay hindi pangkaraniwan para sa isang tao na katulad mo?"

"ha?a-anong ibig mong sabihin?"

tinanggal niya ang pagkakatutok ng kaniyang punyal sa aking leeg at pumalibot ito sa akin

"hindi ka ba nagtataka sa lugar na ito? sa pagkakaalam ko halos isang linggo ka na dito tama ba?"

"Oo pano mo nalaman?"

"sinasabi ko na nga ba,,masyado talagang malihim si kuya,,,lahat ng bagay na gustuhin niya,,ginagawa niya ng walang pahintulot mula sa iba"

"Ano?sinong kuya?"

"Manahimik!makinig ka sa lahat ng sasabihin ko dahil minsanan ko lamang ito sasabihin sa iyo bilang babala"

"habang maaga pa,,kailangan malaman mo na ang mga bagay na ito,,dahil ngayon palang nakikita at nararamdaman ko na ang kahahantungan ng kapatid ko pag pinagpatuloy niya pa ang kahibangang ito"

"ang lugar na ito ay hindi para sa isang tao na katulad mo,,,hindi sumisikat dito ang araw,,at kung sino man ang makapasok na tao sa lugar na ito ay hindi na tumatagal ang buhay!"

"Ha?eh bakit hindi ka ba tao?tsaka yung mga tao sa mansyon,,pati kasambahay..."

"hindi sila katulad mo!ang tawag sa kanila ay mga hundapi, nagiging anyo  lamang silang tao kapag umaga at pagsapit ng hating gabi bumabalik na ulit sila sa sarili nilang anyo"

"A-anong ibig mong sabihin?nung makita ko sila nung gabi na napadpad ako dito mga tao sila na sinasamba ang sinasabi nilang master tsaka kaya lang naman napadpad ako dito ay dahil dun sa asong mukhang unggo--"

"yun ay isang hundapi!,mga tao pa sila nun dahil nagiging hundapi lamang sila kapag hating gabi na kung saan ang buwan ay nagbabadya ng kadiliman"

"pero napakaimposible nang sinasabi mo!"

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ayaw ni kuya na makita ka ng mga tagasunod niya?"

"Ku-kuya?tagasunod?"

"Unang dating mo palang dito nakita na kita,,nang sundan ko si kuya at natuklasan  ka niya,nakinig ako sa usapan niyo,,sinundan ko kayo at nung gabi ding iyon napagtanto ko na may kakaiba sayo kaya hindi ka niya nagawang patayin"

"A-ang tinutukoy m-mo bang kuya ay si master hyann?!"

"harrion!lumayo ka sa kanya!"

"Oh kuya,,andito ka na pala,,buti naman ng malaman ng babaeng ito ang mga bagay na kailangan ni---"

"Manahimik ka!kahit kelan hindi kita pinahintulutan na makialam sakin,,alam mo naman yon diba ngunit bakit tila nakalimutan mo?!"

"Matuto kang lumugar harrion,,,kuya mo ko kaya matuto kang sumunod,,,bumalik ka na sa palasyo"

"patawad kuya pero ayoko lang na mapahamak ka dahil sa babaeng yan! alam mo naman ang mangyayari sayo kuya kapa----"

"Tumigil ka! alam ko ang ginagawa ko harrion,,bumalik ka na sa palasyo"

"Pero kuya...."

"Alis na!wag mong hintayin na magalit pa ko sayo ng husto harrion!"

"Tsk...."

"Diba sabi ko sayo wag na wag kang lalabas sa lugar ko?mahirap bang intindihin yon vannie?!"saad niya matapos makaalis yung harrion

"hmp! ewan ko sayo master,,kailangan ka pa palang galitin para lang kausapin mo ko!"

umalis na ko doon,,iniwan ko na si master,,nakakainis siya,matapos niya kong hindi pansinin ng isang linggo ,may gana pa siyang magalit sakin

Bahala siya sa buhay niya,hinding hindi ko na siya susundin,,manigas siya!

XansetEam

Vampire's TearsWhere stories live. Discover now