Chapter 10

55 2 0
                                    

Bampira

Nagising ako sa isang masamang bangungot at nung nilibot ko ang tingin sa silid kung nasan ako ngayon,,,iba ang hitsura nito!

Nasan ako?! anong nangyari?

bigla na lamang bumalik ang alaala ko kagabi,,hindi pala yon isang bangungot,,kundi totoong nangyari kagabi!

pero napakaimposible namang isang halimaw si Hyann! hindi ako naniniwala,,pero saka ko na ulit iisipin yon,,ang kailangan kong gawin ngayon ay kung paano ako makakaalis rito tsaka sinong nagdala saki----

"mabuti naman at gising ka na iha..."

"sino ka?! Bakit mo ko dinala dito?"

"wala naman,,kailangan ba may dahilan? hindi ba pwedeng gusto lang kitang makilala?"

"huwag mo kong linlangin! Sa hitsura mong yan,,hindi uso ang salitang pakikipagkilala sa ibang tao!"

"hmm matapang ka rin eh no,,baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita at kung di lang kita kailangan,,kanina pa kita pinatay habang wala kang malay!"

"wala akong pakialam,,patayin mo ko kung gusto mo pero hindi maiaalis sa pagkatao mong isa kang masama!"

"Magaling!  malaki ang maitutulong mo sakin upang mapaamo ko ulit ang suwail kong anak!"

"kaya pala baliw na baliw siya sayo,,kakaiba ka,,mabuti nalang at ikaw na ang lumapit sa pain ko,,di mo na ko pinahirapan",,sabay ngiti ng isang malademonyo

"Napakawalanghiya mo! palabasin mo ko dito! ayokong makasama ang isang katulad mong demonyo!"

"kahit ano pang gawin mo,,walang mangyayari dahil hanggat di ko nakukuha ang gusto ko,,mananatili ka dito!"

"walang hiya ka!"

"Baliw na baliw siya sayo alam mo ba at dahil sayo kaya ngayon kinakalaban niya na ko!"

"sino bang tinutukoy mo? Palabasin mo ko dito!"

"Si hyann,,,ang panganay kong anak, ang tagapagmana ko..."

"S-si Hyann? huwag na huwag mo siyang idadamay dito,,napakademonyo mo!"

"Ha-ha-ha wala ka nang magagawa,,wag kang mag alala,,lahat ng bagay na gusto mong malaman,,sasabihin ko,,magsabi ka lang kung gusto mo nang malaman..."

"ayoko! Hinding hindi ko papakinggan lahat ng sasabihin mo! sinungaling at ayokong malaman kung ano man yang bagay na sinasabi mo! Iwan mo na ko dito,,demonyo!"

Bigla itong lumapit sakin at sinakal ako,,,hindi ako makahinga,,sobrang higpit ng pagkakasakal niya sakin!

"B-bita-wan m-mo ko,,h-hindi a-ko ma-kahinga!"

"Sa susunod,,ayos-ayusin mo ang pananalita mo,,hindi mo pa ko kilala kaya umayos ka!"

binitawan niya na nga ko at umalis na sa silid na inuukupa ko

Umubo ubo ako,,napakahigpit ng pagkakasakal niya sakin!  napakademonyo talaga niya!

siya ang ama ni hyann pero napakademonyo niya! Sa istilo palang niya alam kong wala siyang pinapalagpas,,lahat ng sumasalungat sa kanya ay pinapatay niya!

kahit natatakot ako kay hyann dahil sa nakita ko kagabi, gusto ko parin siyang makita at sanay matagpuan niya ko dito sa lungga ng ama niya...

hyann sorry kung tinakasan nanaman kita kagabi,,sana hinintay ko nalang ang paliwanag mo imbes na pinairal ko ang takot ko...ayoko rito,,,natatakot ako!

nang sinubukan kong buksan ang pinto ng silid na ito,,akala ko makakatakas na ko pero hindi,,gusto ko nalang umiyak ng malamang nakalock ito!hayop na matandang yon,,walang awa!

Vampire's TearsWhere stories live. Discover now