Marry me?
Ansarap ng tulog ko..naalimpungatan lang ako nang maramdamang parang may pumipisil ng ilong ko
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita kong gising na si hyann!
Napabangon agad ako..."hyann! Okay ka na? May masakit ba sayo? Ano---"
"Okay lang ako,,,' nginitian niya ako, "don't worry too much,,,"
"Sure ka, okay ka na?"
Nang tumango siya ay sinuntok ko ang braso niya!
"Ahh! Vannie naman---" "sabi mo diba okay ka na?!"
"Okay na ko Vannie but you don't need to punch me, amazona ka pa naman"
"Aba't..." tinitigan ko siya ng masama ngunit tanging pagngisi lamang ang itinugon niya sa akin!
"Pinahanga mo ko hyann..you are indeed my handsome vampire master"
Nginitian niya ko at napansin kong namumula nanaman ang kaniyang mukha!
"Hyann,,kinikilig ka sakin ah,,namumula ka nanaman haha---uy te-ka ilayo mo nga yang mukha mo sakin,,," tinakpan ko ang bibig ko kasi nakatingin siya sa aking labi!
"I miss you Vannie,,," nilapit niya parin ang kaniyang mukha sakin at hinalikan ang kamay kong nakatakip sa aking bibig...
Ganun ang posisyon namin ng biglang pumasok sa kabahayan sina harrion at kiyo..."Kuya! you're finally awake!"
"Tsk...bat kasama mo ang lalaking yan?!Sinong nagsabi na pwede siyang tumapak dito sa lugar ko harrion?!"
"A-ano kuya,,mamaya na natin pag usapan yan,,tignan ko lang muna ang kalagayan mo..." napakasama ng tingin ni hyann kay kiyo,,,samantalang lang si kiyo naman ay nililihis na lang ang paningin sa makamandag na titig ni hyann
"Vannie come here,,," hinawakan niya ang kamay ko at mas pinalapit ako sa kaniya...ngayon ay magkatabi na kaming magkaupo sa kama habang nakadantay ang kaniyang mga braso sa aking bewang...
"Kuya,,,pano ko matitignan ng maayos ang kalagayan mo,,dun na muna si Vannie sa upuan"
"Inuutusan mo ba ko harrion?!"
"H-hindi sa ganun kuya..." halatang tensiyonado na si harrion sa kuya niya,,hayy sarap pingutin ng tenga nitong si hyann eh
"Hyann! Dun na muna ako sa upuan...ichecheck lang ni harrion ang kalagayan mo okay?"
"Pero Vannie!"
Tinitigan ko siya ng matalim,,,"susunod ka o susunod ka?"
Napabuntong hininga na lamang ito,,"okay..." pumayag narin siya sa wakas ngunit ang kaniyang matalim na titig ay binabantayan ang ikinikilos ni kiyo!
Nang kailangang tumalikod ni harrion mula sakin upang icheck ang kaniyang likuran ay sinamantala naman ito ni kiyo, agad siyang tumabi ng upo sakin at humingi muli ng tawad
"Vannie, sorry talaga sa lahat...alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sayo at sa iyong ama...patawad"
"Alam mo kiyo, nung una palang dapat sinabi mo na ang problema mo eh para di na tayo umabot sa ganito..."
"Pasensiya na Vannie,,pero totoong mahal kita,,isa yon sa mga dahilan kaya ganun ko na lamang sundin ang lahat ng ipinag iutos ng matandang iyon..."
"Pero kiyo, wala talaga kong ibang nararamdaman na espesyal para sayo kundi pagkakaibigan lang eh...sinubukan ko naman pero yung puso ko ayaw sumunod..."
YOU ARE READING
Vampire's Tears
Vampire[Completed] Fall in love with the Vampire master Hyann Valmonte whom a cold-hearted and a badass but everything turns into chaos when he met Vannie, the girl that will break his heart to be able for him to live longer Vampire Series #1