PART 21

1.2K 54 7
                                    

Hindi ko alam kung ako lang yung nakakapansin na nagkakamabutihan na kami ni Angela, ayoko namang magexpect mahirap na no. Pinili kong lumipat ng St. Therese para kay Angela.. At dahil narin sa offer sakin ng school. Hindi na ako nag exam.dahil yun sa pagiging Musician ko.

Ang daming nagbago..
Umalis na sina Jen papuntang California, para dun sila magstay ng pamilya niya.. At dun narin siya mag-aaral for good na daw..

Si Lester naman.. lumipat na sila ng Manila dahil sa Quezon City nadestino yung Dad niya.. At nakabili din kasi sila dun ng bahay..

Si Anne naman.. Paalis narin papuntang Italy para din mag-aral napetisyon na kasi siya ng Mama niya.

Ako? Eto..ilang linggo nalang matutupad na yung pangarap kong makapag-aral sa St. Therese kasama ang babaeng pinakamamahal ko..

----

Miss ko na kayo.
Post ko sa wall ng Group page naming apat.

Ilang buwan narin ng huli ko silang makita.. Ang hirap pala ng wala kang barkadang nakakasama sa tawanan, sa iyakan at kalokohan.. Hindi ako sanay.

Kulang narin yung text at tawag para mapunan yung pagkamiss ko sakanila.Natupad nga yung pangarap ko Pero parang ang kapalit naman ay yung paglayo ng barkada ko kaya malungkot parin.

At paminsan minsan, namimiss ko rin yung mga members ng Club . Lalo na si Prez.. Na hanggang ngayon ay nagtatampo parin sakin.

" So goodbye na talaga to?" Tanong ni Prez.

Hindi ko alam kung isasagot ko, nung una palang kasi alam na niya ang dahilan ng pag alis ko..

"Hay, wala talagang good sa goodbye."

"Prez, dadalawin ko parin naman kayo dito, paminsan minsan.." sagot ko.

Bumuntong hininga lang si Prez ramdam na ramdam ko yung lungkot sakanya kung kelan kasi nasa Junior year na siya saka naman ako aalis.. Mabigat din para sakin ang iwan sila biruin mo kasama siya sa mga pangarap na binuo ko simula ng maging parte ako ng club pero.. pipiliin ko si Anj ng paulit ulit kahit sino o ano pa ang mahing kapalit. Hindi ko alam? Ganon ko siguro siya kamahal. Ewan ko. Nababaliw na talaga ata ako.

"Para sakanya iiwanan mo kami.."

Hindi na ako nakasagot.. Naiwan akong nakatulala habang pinagmamasdan ang pag alis niya.

Siguro, minsan kailangan nating mag let go sa isang tao para mas magimprove tayo, mas marami tayong matutunan sa reality ng buhay..

Simula ng araw na yun. hindi na ako kinokontact ni Prez, kahit chat o message sa facebook wala at ang sakit nun para sakin.

Isang kaibigan nanaman ang nawala para lang matupad ang fairy tale na matagal ko ng pinapangarap.

----

September

Tiffany!

Malayo palang rinig ko na.. Malamang siya nanaman yun..

Pag trip niya akong asarin, Tiffany nanaman yung tinatawag sakin ni Angela.

Close na kami.. Hindi katulad dati na awkward pag magkasama kami. Halos araw araw na kaming nagbabonding Classmates kasi kami, nagpalipat siya ng Section B para makasama ako. Kaya lang hindi kami magkatabi, Alphabetical kasi yung seating arrangement badtrip.

Masaya naman.. Kasi kasama ko na yung babaeng pinapangarap ko. Kahit na bilang bestfriend niya lang, masaya na ko sa ganung set up basta kasama ko siya.Ayun naman ang mahalaga diba? minsan sa katulad kong torpe ok na yung magmamahal ka kahit sa malayo lang ang mahalaga nakakasama ko siya. ewan ko ayoko ng magexpect ng mas mataas pa kesa dito. Kailangan kong makuntento sa kung anong meron kami. Dito ako sa commitment na alam kong tatagal at hindi komplikado para sa mata ng mga mapanghusga.

----

Foundation ng school, busy ang lahat. May gaganapin kasing Search for Mr and Ms. Campus Fashionista.. At kasali dun ang baby girl ko.

Naalala ko tuloy nung mga nakaraang buwan, kasa kasama niya ako pumili ng gagamitin na props.. Date na rin yun para sakin. Kaya lang minsan nakakatampo, kasi never niya akong isinasama sa bahay nila. Tulad ngayon kaya naman soloista ako. Hindi katulad sa Csrli sikat ako.. Eh dito I'm just a nobody.. Tss siguro kasi hindi pa ako nabibigyan ng break. Haha buti na nga lang kapag kasama ko si Angela eh napapansin narin ako.

Habang busy ako sa pagmuni muni...

He-

Hindi pa ako nagsasalita, eto na agad yung bungad nya sakin.

"Hoy, yung tarpaulin ko.."
Hay nako buti pa yung tarpaulin..

"Bitbit ko na ho. Mamaya sa pageant makikita mo." Sagot ko, kung hindi lang talaga kita mahal nako. Tsk

"Thankyou! I love you mwuah!!!!"

Ha?I love you daw???!!

End of call.

Nakatayo parin ako.. Nakatulala..

Si Angela nag I Love you sakin!!

----

7pm na, konting oras nalang ay magsisimula na ang Pageant.. nakaupo ako 3rd row malapit sa stage na pinabongga ng buong Art Club. Detalyado lahat mapa maliit man na desenyo yan.

"Hi Cousin..."
Galing sa pamilyar na boses ng isang babae.

Lumingon ako para alamin kung sino yun.. At di ako nagkamali ..Hay nako. Si Amazonang Duck nanaman.

Anong ginagawa mo dito?! pasigaw na tanong ko sa ex musical Director ko/pinsang Epal

Manonood? bakit bawal naba ako pumunta dito ngayon ha?

nang-irap siya na lagi naman niyang ginagawa sakin.Hindi ko na siya pinansin umalis narin siya sa harapan ko, at nakita ko yung pagtawa niya na parang kampon ni Nanno kabadtrip siya. Hinahabol nanaman siya ng tingin ng mga Estudyante bakit ba sila nabubulag sa itsura ng bwisit nato.

__________________

Inayos ko na ang Tarpaulin na dala ko, nagbigay na kasi ng go signal ang MC na magsisimula na ang Pageant. Isa isa ng pinakilala ang mga Judges at kasama dun ang Pinsan ko dapat pala hindi ko siya inaway away baka ilaglag niya ang Angela ko bwahahaa matapos ipakilala ang mga Judges ay sumunod naman ang mga kandidata suot ang kanilang Summer outfit.

There she is.. Naka curl ang ang mahaba na niyang buhok.. simpleng make-up lang pero mapapansin mong siya ang nangingibabaw..

God knows how much I love this girl.

to be continued..

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon