PART 24

1.6K 60 23
                                    

Angela's Pov

"Kahit kailan hinding hindi ako papatol sa katulad niya!!" Paulit ulit kong sinasabi. Tagaktak na ang pawis ko ng magising ako sa isang masamang panaginip..

Malinaw parin ang nangyari nung gabing yun kung paano ko sirain si Marti dahil lang sa gender issue niya na hindi tanggap ng ilan. Katulad narin ba ako ng iba na inuunang mapansin ang kilos at galaw niya na hindi naayon sa seksualidad niya..

Isa narin ako sakanila.. O takot lang ba talaga ako sa sasabihin ng iba?
bakit hindi ko magawang bigyan ng pagkakataon yung nararamdaman ko para sakanya? Kelan ba ako magkakaroon ng lakas ng loob pra ipaglaban siya.

----

Sobra akong nasaktan nung malaman kong naaksidente siya nung gabing manalo ako sa pageant. Siya yung dahilan kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob para lumaban sa ibang kandidata na alam kong mas magaling sakin.Halos manakbo ako nun hindi ko na alintana ang mataas na heels na suot ko, ang mahalaga makita ko siya. Tinatawag narin ako ng Parents ko.. Pero hindi ko sila pinansin.

Pagkalabas ko ng gate tumambad sakin ang dugo sa kalsada kung saan siya bumagsak.
Andun parin ang kotseng nakabangga sakanya, pero si Marti wala na dun.. Usap usapan na agad siyang dinala sa ospital.

Yung mundo ko halos gumuho, nanghihina ang mga tuhod ko, nangigilid ang mga luha ko. Parang sasabog ako hindi ko kakayanin kapag nawala siya.

Angela!
Lumapit si Ryan sakin, kasunod niya sina Mama at Papa.

Lumuhod siya at niyakap ako. Pilit niya akong itinatayo,

ng makarating sa bahay pinakwento sakin nila Mama kung sino si Marti. "Isang matalik na kaibigan.." Ayun ang isinagot ko. Kinabukasan pumunta ako agad sa ospital kung saan siya nakaconfine. Nasa Icu si Marti hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita siya, ni hindi nga ako nakilala ng pamilya niya.

Ihahatid na kita sa inyo.
Si Ryan nagaabang sa entrance ng ospital.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinundan kita... Angela ibinilin ka sakin ng Parents mo."

"Hindi na ako bata para ihatid mo pa."
Nagderederecho ako sa paglakad palayo sakanya.

"Kahit iwasan mo ako ngayon, alam mong bukas makalawala babalik ka parin sakin.."

----

Maraming nangyari, hindi ko na maisa isa pa kung anu ano yun.. Nagkabalikan kami ni Ryan dahil narin sa hiling ng mga Parents namin, malaking katangahan na siguro pero ginagawa ko to para sakanila. Araw araw niya akong sinusundo at sabay kami umuuwi magbabago na daw siya pangako niya yun sa harap ng mga magulang ko.

Hindi ko na madalaw si Marti, siya din kasi yung nagiging dahilan ng pagaaway namin ni Ryan, kaya iniiwasan ko narin siya. Napaparanoid din kasi si Ryan iniisip niya na kami na. lagi niya akong iniiyakan nakikiusap siya na layuan ko si Marti para sakanya.

Nung araw na makalabas na si Marti sa ospital, yun ang pinaka masayang araw ko.

Nung makita ko siya sa gilid ng room, alam kong ako yung hinahanap niya the way na tumingin siya sakin ng makita nya ako .Papalapit na kami sakanya alam kong magtataka siya kung bakit kami magkasama ni Ryan.. Pinilit kong hindi siya tignan.. Ngumiti ako kay Ryan ng magpaalam siya sakin pagkatapos ay dumirecho nko sa room ng hindi manlang pinapansin si Marti.

Nagkungwari akong may pinagkakaabalahan. Tinawag niya ako ngunit diko parin siya pinansin, sa ikalawang pagkakataon tinawag niya ulit ako this time sinigawan ko na siya. Nakita kong nalungkot ang mga mata niya at lumayo siya sakin.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon