PART 48

562 12 0
                                    


Marti's POV

Dear Puso,

Hiling ko na sana ay nasa mabuti kapang kalagayan.. sana matatag ka pa rin kahit na paulit ulit kang itinutumba ng lahat.. sana tumitibok ka parin kahit na ilang libong beses kanang nasaktan..

Sana kumapit ka parin kahit pa sabihin ng ilan na tigilan na yan..Sana patuloy ka paring magmahal.. sana mahalin mo parin ang buhay.. buhay na puno man ng sakit, buhay na puno man ng luha.. sana. Sana mahanap mo pa rin ang saya sa kabila ng pighati saking mga mata..

Nagmamahal,

Ako. Na nagmamay-ari sayo.

___________________


"Pre, naisip ko lang.. paano maaalala ni Angela na mahal ka niya kung may amnesia nga siya diba?"

Isang mapait na salita galing sa isang kaibigan na paulit- ulit gumugulo sa utak ko.. paano nga ba niya maaalalang mahal niya ako kung hindi nga niya alam kung paano at saan nagsimula ang istorya naming dalawa.. Isang malaking katangahan na atang umasa ako sa kakarampot na notebook na siyang binigay ko sakanya.. nagbabaka sakali na "baka?" baka makatulong ang mga salita para mapunan ang mga alaalang nawala.. Pero sapat bang isulat ko lang? sapat bang ipabatid ko lang sa paraang garalgal.. sa paraang duwag.. sa paraang ako lang ang may alam..


Maaabot ba ng puso niya ang pag-ibig na aking inilimbag.. Makakaya bang alalahanin kahit na katiting ang mga pangyayaring sami'y nagbigkis? Hindi ko alam.. walang may alam.. kung kelan? Kelan nga ba maabot ng puso niya ang pagmamahalan namin na paulit-ulit kong binabalikan..


"Hoy! Marti ano okey lang ba diyan??"


Bumalik lang ako sa ulirat ng ugain ako ni Angela.. Masiyado akong lutang. Halos isang buwan narin simula nung makalabas si Angela sa ospital.. at hanggang ngayon, hindi parin niya ako maalala.. Minsan nga napapa-isip ako na bakit sa dinami-rami ng pwede niyang makalimutan eh ako pa? Sinasadya ba niyang huwag ako maalala? O sadyang magpalaro ang tadhana saming dalawa? Bumalik na ang ilang sa mga memorya niya.. Family, ilan sa mga kaibigan at kakilala.. si Ryan.. at ako? Heto ako.. nananatiling palaisipan ang lahat kung bakit at paanong ako lang ang hindi niya naalala.. Kinginang buhay!.


"Okey lang ako. May naalala lang ako. Anyways saan mo gustong pumunta?"


Napag-usapan namin na dapat tuwing sabado ay kami ang magkasama "Bessie Time" daw. Kahit na medyo mahirap ang sitwasyon.. Kingina! Aarte pa ba ako? Sapat na sakin ang makasama siya.. Ayoko ng humiling sa mga Santo.. Ayoko ng pumanata sa itim na Nazareno.. Mag-hihintay nalang ako.. maghihintay hangga't siya na ang tumawag sakin ng "Babe"At "Mahal" ..


"Take-out nalang ulit natin yung snacks, tapos tambay nalang ulit sa nuvali"


"Hindi ka ba nag-sasawa sa nuvali?" Tanong ko. Simula kasi nung dinala ko siya don ayaw na niyang paawat..

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon