PART 57

170 11 7
                                    

Sumabay na kami sakanila kasi kanina pa gustong mag samgyup ni Nancy. Sakto kasi may reservations yung Daddy ni Jillian.

" Sorry we're late, grabe sobrang traffic parin pala! " that voice again.. kahit ilang taon na yung lumipas kabisado ko parin lahat.. Sandali akong napatigil sa pagkain, nakatalikod ako kaya for sure hindi naman niya ako agad nakita.

" Sus, sabi ko naman sa inyo agahan niyo, anyway, Anj this is Miss Tan, Guidance Counselor ni Jillian, and Miss Tan this is Angela my cousin.. " napansin kong nag iba ang mukha ni Nancy, todo ngiti siya at agad tumayo at nag offer ng handshake..

" and Anj.. si Marti na meet mo na siya diba, yung meeting last time, grabe what a small world right" Pagpapatuloy ni Lawrence, hindi ko alam pero automatic narin akong napatayo,

" Nice to meet you " bati ni Nancy , hindi ko alam pero grabe yung tensiyon na nararamdaman ko ngayon parang gusto ko nalang magpakain sa lupa. Binati ko rin siya ng simpleng ngiti.

Sa tabi ko naupo si Angela, kasi wala narin siyang choice. ang bakante nalang kasi yung 2 pang upuan sa tabi ko. Nauna na kasing umupo si Jillian sa tabi ni Nancy, hays. Saglit akong tumingin kay Nancy pero tulad kanina nakangiti parin siya. Ang weird lang kasi. hindi siya ganito, ang creepy ng ngiti niya alam kong hindi siya masaya na makita si Anj,

" Where's Alex? " Tanong ni Lawrence kay Anj, punyeta sino nanaman kayang Alex yon? Eh Kingina pakialam ko ba? hay nako! pati sarili ko kinakausap ko !

" Nasa Sb lang to get some coffee " Simpleng sagot ni Anj.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalagay ng meat sa griller, Pagkaluto ay agad kong binigyan si Nancy, Actually routine na namin to tuwing magsasamgyup kami ako lagi yung taga luto niya tapos siya yung kakain ang tamad niya kasi mag ihaw, napapangiti ako tuwing naalala ko.

" Ang sweet naman ni Sir Pogi ! Mag-asawa na po ba kayo ni Miss Tan? " Energetic pa na tanong ni Jillian, halos maibuga ko yung kinakain ko,

" Jill! Cmon, give them space " Saway ng Daddy niya. Napangiti nalang si Nancy, at yung katabi ko eto dedma kung sa bagay ilang taon narin naman ang lumipas.

" Who wants some cheese cake? " Eto na siguro yung Alex, wait she's a Lesbian?

" Me! ME! I want cheese cake! " Sigaw ni Jillian,

" of course sayo lahat to.. hehe, " Sagot nung Alex " Uy! Sorry may kasama pala tayo! "

Nakipag batian siya samin ni Nancy, Ngumiti lang din ako. hindi ko maiwasan mapatitig dun sa Alex.. hindi sa naiinsecure ako ah! never akong nainsecure sa kapwa ko katomboyan.. it's just that hindi ko malalamang Lesbian siya kung hindi siya nagsalita. Akala ko lalaki. Punyeta.

Naupo na siya sa tabi ni Angela. Rinig ko rin ang higikgik niya, yung mga tawa niya na gustong gusto ko. TSk Ano ba Marti! tumigil ka nga!

" Boo , Pasuyo nga ng lettuce thanks. " Halos sabay kaming napalingon ni Nancy kay Angela.Boo? Kinginang tawagan yon?

" Boo? " Tanong ko, Ahh Shet!! Napalakas, Halos mawindang ako, please kainin nalang ako ng lupa!

" Haha nakakatuwa naman! Boo din kasi tawagan namin ni Marti , Diba Boo? " Sagot ni Nancy, Kinindatan niya ako, Wala akong nagawa kungdi tumango.

" Sabi na eh! unang kita ko palang sa inyo alam kong mag jowa kayo haha. Nice Catch Pre ha " Ngumiti yung Alex, Anung nice catch pinagsasabe nito, ginawa pa niyang Isda si Nancy.

Hindi ko na nabilang kung gaano kami katagal ng stay sa Kbbq House na yon, pakiramdam ko taon ang tinagal ko loob non.

____________________

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon