PART 13

1.7K 57 6
                                    

Ang Hirap talaga sumingit ng oras para dito ahaha :D comment votes please :D

Angela's Pov

Ang bilis ng araw biruin niyo Saturday agad. bumili na ako kahapon ng pang regalo para kay Krimi isang mini Shirt na may nakalagay na "cute din ang boss ko" medyo korni pero diyan lang ako nagandahan ee haha, color blue siya at Pink yung Print niya. Medyo excited narin ako kasi First time ko aattend ng Dog Party.

12 noon palang inaayos ko na yung damit ko.. naplanstya ko narin yung pink floral dress na susuotin ko. napunasan ko narin yung dollshoes na ipapartner ko sakanya :) hindi naman kailangan mag ayos kasi Powder at lip balm lang ako hehe.

1pm medyo naeexcite na ako, balak ko sana magpunta na dun para makatulong ako sakanila sa pag aayos ng venue, naginvite din kasi sila ng mga classmates namin na may Dogs.

2:30 na paalis na sana ako ng bahay ng biglang mag ring yung landline sa may salas.. wala Parents ko kaya ako na sumagot.

Hello. Rivera's Residence medyo hinawi ko yung buhok ko

Angela ikaw ba yan? sabi nung babae sa kabilang linya hindi ko mabosesan kasi garalgal at umiiyak siya

ha ah eh opo ako to sino po sila? medyo kinakabahan narin ako..

Mommy to ni Ryan.. Pumunta ka dito anak, may nangyari kasi kay Ryan. nagbreakdown na siya tuluyan ng gumaralgal ang linya at puro iyak nalang niya ang naririnig ko

ha?? bakit tita anung nangyari? Hindi ko rin alam pero kinabahan na ako.. natatakot ako sa pwede kong malaman

naholdap siya anak.. kinuha mga gamit niya at binugbog pa siya mga walanghiya sila! dere derecho kwento ni Tita, rinig ko parin ang mga hikbi niya,

Asan kayo Tita?? halos maiyak na ako sa nalaman ko.. bakit naman si Ryan pa ang dami namang iba diyan bakit siya pa yung napagtripan..

binigay niya agad yung address ng Hospital kung saan nakaconfine Si Ryan.. nagmadali akong pumunta iniwan ko na si Kelly. halos manakbo na ako palabas sa gate namin.. hindi ko na naisip na nakadress ako. nagpara ako ng Taxi at agad sumakay.. wala nakong ibang naiisip ngayon kungdi si Ryan anu na kayang lagay niya? ok na kaya siya??

halos paliparin na ni Manong Driver ang taxi.. atlast nakarating na kami.. nagbayad ako at agad bumaba..

nanakbo ako papuntang Information..

Miss Saan Room ni Ryan Chua? nagaalalang naitanong ko sa nurse na mukhang mabait naman..

Wait maam check ko lang po.. tinignan niya ang record.. uhm maam room 104 po right side lang maam unang pinto po.

thank you..

tumakbo na ako ulit.. kapos hininga kong narating ang room 104.. natigilan ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Ryan.. ramdam kong nangangatog ang mga binti ko.. pinagpapawisan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.. parang hindi ko kakayanin kung anu man yung makikita kong lagay ni Ryan... huminga ako ng malalim at dahan dahang hinawakan ng mahigpit ang door knob..

nakita ko si Tita nakatungo sa kama ni Ryan.. mukhang napagod sa sobrang pagaalala..

at si Ryan... hindi ko na napigilan, tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.. nakahiga siya sugatan at ang daming benda sa katawan.. ang hirap lang makita sa ganung kalagayan yung taong Mahal mo..

Ryan.. pinipigilan kong lumakas ang pag hikbi ko.. kaya tinakpan ko ang bibig ko.. maya maya pa ay nagising si Tita.. lumapit siya sakin at agad akong niyakap..

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon