PART 18

2K 69 3
                                    

A/N

ang hirap hirap mag updates :( dami kasing problema kainis :(
anyways pasensya na at sobrang tagal bago ko nasundan yung last chapter.

follow nyo ko @SUPERMAINE07

thank you :)

Belated Merry Christmas at Happy New year sa mga readers and followers ko :)

--------------------------

MARTI'S POV

First year Highschool na ako pero easy go lucky parin, iniisip ko lagi na maging complete attendance lang ako kahit babagsakin ipapasa parin ako ng teacher.. hahaha

pero may nagbago sakin..

Vice President na kaya ako ngayon sa klase at sa Music Club..

favorite kasi ako ng mga classmates ko, yung sa club naman napagtripan lang nilang iboto ako kasi that time ako yung laging inaasar ng Club Adviser namin dahil sa pagiging tiboom ko.. hahahaha

hindi sa pagyayabang pero medyo medyong slight na sikat na ako sa campus hahaha.. malaking bagay yung naidulot ng music club, lagi kasi akong kumakanta at tumutugtog sa stage kapag may special na okasyon,kaya yung iba kilala ako, kahit hindi ko sila kilala.

hindi ko inexpect na ganito kalaking pagbabago yung idudulot sakin ng highschool.

Every Thursday ang Club meetings kaya naman tuwing thursday ay kanya kanya kaming takbo nila Lester sa mga designated rooms namin.kamalasan 4th floor pa yung room ng Music Club hahaha, Kaya bago pa ako makadating sa room eh para na akong bagong ligo.. Sa pawis nga lang ..

Medyo naattract narin ako sa mga Girls dito sa College of St. Rose of Lima Inc. (nahahabaan talaga ako sa name ng school namin ahaha) Honestly dun talaga sa President ng Club namin na si Athena Loraine Perez fullname na yan ha?

Sophomore, Hindi lang siya President ng Club, Vice Chairman din siya ng Student Council,Siya talaga yung sikat kasi halos buong campus kilala siya.

Campus Queen.. Mas sikat pa nga siya sa mga Seniors..

Sa puti niya, iisipin mong Gluta yung gatas niya nung baby pa siya..

Sobrang puti niya.. Bumagay sakanya yung shoulder length na kulot niyang buhok.. Actually dulo lang yung kulot ;) sabi niya natural daw yun.. Matangos na ilong.. Mapupulang labi, na akala mo ay laging may lipstick.. Bagay din sakanya yung braces niya sa ngipin, pansin ko nga lang kapag nakabraces ka e lagi kang nakangiti haha.

Medyo matangkad ako sakanya, 5"7 na kasi yung height ko, mukhang epektib yung cherifer na iniinom ko 5'5" naman siya matangkad narin para sa isang Pinay.

Kapag nakikita ko nga siya.. Parang Kylie Padilla at Angel Locsin ang datingan.. Astig, cowboy, yung tipo ng babae na mapapakain mo kahit saan.. At siya din yung tipo ng babae na paniguradong A-underin ka.. Hahaha

Thursday

Friend una naako sainyo ah?
Paalam samin ni Lester, may practice kasi sila sa cheerdance..

My God Lester bataka pa!wag ka mauna! Nagpaawa epek pa si Anne

Leche ka ANNEGHET! sabay batok pa kay Anne na kasalukuyang tawa ng tawa

Nagpaalam narin ako sa barkada ko, pupunta pa kasi ang Music Club sa Plaza. May Special event kasing magaganap sa darating na Pasko,ang sabi samin christmas concert kasama ang mga piling Private School, every year daw nagaganap yun. Nakakaexcite lang, masshowcase na yung iba't ibang talent ng miyembro ng Music club sa Csrli.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon