PART 53

659 25 38
                                    


A/N

Enjoy the update :) huwag kalimutang mag comment! love you guys!

__________________

Marti's POV

Malakas parin ang musikang lumalabas sa naglalakihang mga speaker, marami paring nagsasayaw, yung iba lasing na, yung iba naman chill lang. Napakapit ako, sabay ng pag-ikot ng paligid ko ang pagsikip ng dibdib ko. Shet lang. Sandali ko na munang ipinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Pinapagod ko nanaman ang sarili ko yun nalang ang tanging naibulong ko. Alas - siete na nung nagpasiya akong magpaalam sakanila, hindi ko gugustuhing malate sa date namin ni Angela, kasi panigurado mag-aaway lang kami lalo pa ngayon na galing ako ng inuman?

Agad akong nakarating sa bahay nila , Halos 30 mins lang ang itinakbo ng byahe ko, buti nalang at hindi traffic. Dali-dali akong bumaba ng kotse, Nakakapag taka lang dahil ilang beses na akong nagdoorbell pero walang lumalabas na tao. Tsk? Ang natatandaan ko sa text ni Anj na dito ko siya dadaanan? May biglaan ba silang lakad? Pero bakit hindi manlang siya nagtext?o kaya tumawag? Naghintay pa ako ng ilang minuto, bago ako nagpasiyang tawagan si Anj, pero walang sumasagot sa kabilang linya.

I decided to text her

"Umalis ba kayo? Kanina pa ako nagdodoorbell pero walang sumasagot, Call me when you got home okey? I'm worried. Uuwi nalang ako. I love you "

Imbis na umuwi sa condo at magmukmok sa sulok ng kama ko, Naisipan ko nalang bumalik sa Bar, andon pa naman sila, malamang yun? Hindi naman kasi sila sanay mag-inom ng kulang, ang inom sakanila is yung tipong gapang kana.

I parked my car outside the bar. Nandon pa yung kotse nila, tsk diba? Mga lasinggera talaga.

"Woooh! Marti you're back!" Sa lakas ng sigaw ni Ellie sa pangalan ko, tinalo pa niya yung speaker ng bar.

Agad akong naupo sa table namin, at agad na nilagok ang isang baso ng tequila. Mainit, gumuguhit parin sa lalamunan, pero I don't mind, nakaka-badtrip kasi. Ang dali lang naman magtext?

"So, ano? Di kayo tuloy?haha" Si Ellie parin, namumula na siya at lahat ng salitang sinasabi niya ay may kasamang tawa, ewan ko ba bakit ko pa naisipang bumalik dito?

"Umalis sila ng family niya, nakalimutan ata ako itext" Nakaramdam ako ng pait sa salitang binitawan ko, "Anyway? Nasaan na si Andi?" tanong ko,

"Nag-Cr , kanina pa nga yun eh" Si Sam Girlfriend ni Ellie, may amats na din, pero matino pa naman kausap,

"Ah sige, CR lang din ako, kakausapin ko na din siya,"

I excused myself, Ang dami paring tao, yung mga kaninang chill lang, ngayon lasing na. ang dami ng PDA, may naghahalikan sa bawat sulok ng bar. Nagmadali na akong maglakad papunta ng CR, Kesa naman magbagal ako at mainggit sa mga PDA na yun.

Napatingin ako sa Women Sign na nakasabit sa labas ng CR. Tsk, mukha akong lalaki pero sa pambabae ako makikiihi, hindi parin naipapasa yung CR para sa mga miyembro ng LGBTQ, tama naman kasi, dalawa lang kasi yan eh, once na pumasok ang bakla sa panlalaki at once na pumasok ang tomboy sa pambabae, ano lang ba reaksiyon nung iba? Tingin ng masama, at tingin na may panghuhusga. RIP Philippines.

I entered the comfort room. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Yeah, tama pagod nga ako. ang laki narin ng pinayat ko. Siguro kasi kakaisip at naging busy kasi kami para sa mga event sa school. Naghilamos ako, para maibsan yung init ng mukha. Palabas na sana ako ng CR, nang biglang may umungol na babae?

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon