PART 2

3.4K 68 2
                                    

GRADE SIX

Ilang linggo nalang at graduation na namin, panibagong environment nanaman. New set of friends, panibagong pakikisalamuha nanaman..

nakakalungkot
highschool na kami agad..
magkakahiwalay narin kami ni crush
iniisip ko palang parang di ko kaya.. parang di makukumpleto araw ko ng hindi siya nakikita

"HOY marti! ano nanaman yang iniisip mo diyan ah! " ekskandalosang sigaw ng Gwapong Gay bestfriend ko si Lester..

"Bakla pwede pa volume ng boses mo? pinagtitinginan kana oh.. tss "

"kiber! ano ba kasi iniisip mo tulaley ka nanaman ee.. minsan iniisip ko baka sinasapian ka nanaman ni Sisa, at hinahanap mo narin ang mga anak mong si Crispin ay Basilio." nagtawanan naman sila, parang tanga talaga tong baklang to. Haha

"Sira ulo ka talaga no? " sagot ko

" Eh bakit nga tulala ka nanaman? "

"Malapit na kasi ang graduation, hindi na ata kami magkikita ni crush" malungkot na sagot ko.

"mayaman ka naman eh keri mo sundan yun sa St. Therese!"

"St.Therese?

"Yup mageexam daw siya dun at gagawin daw niya lahat makapasa lang dun haha.. well narinig ko kanina pinaguusapan nila nung mga alagad niya."

"Asa naman akong papasa ako dun eh mga exam nga dito swertihan pa kung maipapasa ko o hindi, dun pa kaya? Eh balita ko matatalino saka sikat yung school na yun "

"Masiyado nega ah ? kung gusto mo talaga magagawan ng paraan yan saka malay mo naman totoo ang milagro"

"Utak ibon ang meron ako alam mo yan, saka Milagro? Kung totoo yun edi sana Jowa ko na ngayon yung Bebe ko. Gabi gabi ko pinagdadasal yon eh. Haha"

" Panno mo magiging jowa Marti eh panay titig ka lang diyan sa Baby Girl mo bukod sa torpe ka, wala ka ring ginagawang paraan para mapansin ka duhhh" sagot ni Anne, sumang ayon naman si Jen at Lester. Talagang pinagtutulungan nila ako ah tsk.

Pagkatapos naming magdebateng tatlo
nag-aya na sila umuwi need daw magpa good shot ni Lester sa mama niya para daw bilhan siya ng iphone tsk. nagcommute na kami pauwi medyo traffic kaya past 6pm na ko nakarating sa bahay..

si yaya lang ang naabutan ko hinahanda yung table para sa dinner..

" Oh Ya asan sila? "

"Ay nak may ka meeting ang Daddy at Mommy mo eh kanina pang lunch umalis. wag mo na raw sila antayin."

"Ahh i see.. " Dapat nga sanay na ako kasi lagi naman silang ganito, hindi ko lang talaga maiwasang hindi malungkot kasi paminsan minsan naghahanap rin naman ako ng kalinga ng isang magulang.

"Wag kana malungkot bukas andito narin sila. "

"Yeah I know.. "

"sige na kumain kana paborito mo yang niluto ko para naman ganahan ka namamayat kana oh"

"Ya.. pwde mo ba ko saluhan mag dinner? sige na please?"

napansin ni yaya na malungkot ako.. kaya naman sinabayan na niya ako..

kilalang kilala na niya talaga ako halos buong buhay kasi niya andito siya samin.. simula nung dalaga pa siya hanggang ngayon na medyo nagkakaedad na siya.. tinuturing na niya akong parang sarili niyang anak na kinakasaya ko naman kasi busy sina Mommy at Daddy dun sa mini resort na pinapagawa nila sa Laguna.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon