PART 56

269 10 6
                                    

3 years ago.

From : martidc@ mail.com
To : anjrivera@ mail.com
Subject : Please read this one

Angela,

It's been a year.

Kahit sinasabi ko na kakayanin ko ang ending hindi ko parin talaga kaya. Siguro sa ngayon? Ewan ko. Hindi ko parin maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat
ikaw parin yung pinipili ko ikaw parin yung gusto kong makasama. Ang hirap lang kasing mag let go kahit pa minumura ka na ng universe, kahit pa sinasabi nila na I deserve someone better pero ang choice ko is laging ikaw. Kahit pa ilang beses mo kong iwan sa ere. Ikaw parin talaga.

Simula umpisa hanggang ngayon ikaw parin talaga Anj. Siguro sumobra ako kaya napagod ka. Siguro naging oa ako kaya umalis ka nalang bigla. Akala ko kasi kapag mas nag care ako , kapag mas naging clingy, akala ko hindi kana aalis.. kasi dati ganun yung hinahanap mo diba? Yung taong seseryoso sayo. Yung taong hindi ka gagamitin, yung taong mag stay sayo gaano man kahirap ang mundo.. yung taong ikaw lagi yung pipiliin?

I guess sumobra talaga.. or nagising ka nalang talaga isang araw na ayaw muna sakin? o kaya naman naalala mo na ako? naalala mo na kung bakit tayo nag away nung gabing yon? Anj hindi ko talaga maintindihan kung saan ako nagkulang o kung saan ako nagkamali bakit bigla ka nalang hindi nagparamdam? Mukha namang okey ka.. nabalitaan ko na naalala mo na ko pero bakit di ka parin bumabalik? Ganon ba kalala yung ginawa ko? Masama na bang ipagmalaki ko sa buong mundo na ikaw yung mahal ko?

Okey kana Anj.. Pero paano ako? Paano naman ako ngayon? Binigay ko na sayo lahat ng kaya kong ibigay . Paano na ko uusad kung sa bawat hakbang ko ikaw yung nakikita ko? Paano ko na haharapin yung future na plinano nating dalawa kung mag-isa nalang ako.. mag-isa nanaman ako.

Sorry sa paghiling ko ng sobra. Sorry kung masiyado akong nag expect sayo. Sorry kung naramdaman mo na nakakasagabal ka sakin. Sorry kasi mahal kita.

Kung alam ko lang na yun na ang huling araw na mahahalikan at mayayakap kita sana mas hinigpitan ko pa yung yakap ko. Sana mas hinalikan pa kita ng sobrang dami. Sana hindi nalang kita sinabayan ng init ng ulo. Sana mas inintindi pa kita. Sana pinaramdam ko nalang sayo na okey lang, okey lang ako.. sana hindi ako nagmadali, sana hindi ako nag isip na kinakahiya mo ako sana sinarili ko nalang yung sama ng loob, sana binaliwala ko nalang lahat.. para sana okey pa tayo ngayon.. para sana hindi ka naaksidente, kasi simula non nag iba na lahat, gumulo na lahat.

pakiramdam ko ang tanga ko kasi hinayaan kita.. bakit di kita pinigilan? bakit hinayaan kitang umalis ulit, Bakit di kita pinag laban? Baka kung sinabi ko sa Parents mo baka hindi ka nila hinayaang umalis.. baka sana na work out natin yung relasyon natin? Kung sinabi ko lang sana sakanila na Girlfriend kita na wala akong paki kahit mag bestfriend yung mga Nanay natin. Kingina napapraning nako Anj.

Walang araw na dumating na hindi ko sinisi yung sarili ko Anj, walang gabi ang lumipas na hindi kita naiisip at sobrang sakit non.

Pero wala na akong pakialam kahit masakit kahit nakakadurog. Ikaw at ikaw parin yung pipiliin ko. Even in my second life. I will still choose you. Because I love you. Ikaw yung pinaka magandang nangyari sakin at hinding hindi ko pagsisihan, kahit na hindi naging maganda. Kahit na naging masiyadong masakit.

Sana kapag dumating yung araw na okey kana, kapag mahal mo na ulit ako bumalik ka huh? Dito lang ako . Nandito lang ulit ako sa lugar kung saan mo nanaman ako iniwan. Naghihintay sayo. Bumalik kana please.

Marti

_________________________

"Hey Marti nandiyan ka pa ba?"

"Huh ano nga ulit yon?"

"Tinatanong ko kung free ka bukas since weekend naman? Labas tayo?" Pag ulit ni Nancy. Nawala nanaman ako, ano bang nangyayari sakin.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon