PART 45

578 20 1
                                    


Author's Note

O yeah. Sorry sa medyo matagal na update malapit na kasing matapos ang hwab kaya tinatagalan ko na ang update hahaha joke. Pero seryoso nahihirapan ako mag update dahil unang una masiyado kong mahal ang hwab, diba nga sabi nila kapag mahal mo mahirap pakawalan, mahirap tapusin.. pero lahat may ending kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap kailangan mong mag let go para sa sarili mo para sa ikakabuti ng lahat at para narin sa mga atat sa update haha lol.

Sobrang thank you sa lahat ng mga nag add ng story na to sa mga reading list nila, at sa mga sumuporta, sa mga walang sawang nagvote, nagcomment simula noon hanggang ngayon sobrang thank you po. Nung una ko tong pinublish hindi ko hinangad ang maraming reads at votes ang gusto ko lang mapublish ko ang gusto ko lang kasi nun sariling version ng Tiaom lovestory dahil bitin na bitin ako sa Yes or No eh haha. Kaya ayun super super thank you guys dahil kayo ang naging inspirasyon ko para magupdate dahil pinaparating niyo sakin na binabasa niyo yung gawa ko sobrang nakaka overwhelmed yun.

Share the love.

Vote.Follow.Comment

Heart,


___________________________

Marti's POV

Nung bata pa ako I always admire the rain.. Kasi kahit gaano pa ito kalakas kahit gaano pang perwisyo ang idulot nito in the end alam mong may rainbow parin na dadating pagkatapos ng ulan.. may maganda paring mangyayari kahit gaano kachallenging ang buhay..

Pero ngayon? Hindi ko alam kung kaya ko pa bang paniwalaan na may rainbow pagkatapos ng lahat.. Umuulan nung gabing piliin ni Angela na sumama kay Ryan at non din nangyari yung aksidente niya na nagpabago ng lahat.. Umpisa sa pakikitungo niya sakin, sa lahat.. Hindi ata kayang maalala ng puso niya yung nakalimutan ng utak niya.. At ngayon umuulan din.. Umalis na si Yaya nagpaalam siya sakin ng maayos at pwede ko rin naman daw siyang dalawin sa probinsya, at kung may pagkakataon ay dadalawin din naman daw niya ako.. Masakit? Oo sobra pero I know it's for the best ngayon ko lang narealize na tama matanda na si yaya para magtrabaho at matanda narin ako para intindihin pa.. Sana bata nalang ulit ako yung tipong iiyak pero maya maya ay okey na.. Yung magagalit, magwawala pero bilhan mo lang ng laruan o kaya kendi ay tatahan narin... sana, sana ganun nalang ulit. pakiramdam ko kasi lagi nalang akong iniiwan ng mga taong mahal ko sa panahong malungkot, sa panahong feeling mo nakikisabay ang ulap sa mga luha mo. Heto ako nakakulong nanaman sa kwarto ko na nagiging takbuhan ko sa panahon gusto kong mapagisa malayo sa magulong mundo,malayo sa mga taong nagdudulot ng sakit mas okey pa nga kausap ang kisame magaling siyang makinig at never siyang umalis.. yun nga lang wala akong sagot na makuha sakanya..

Nakakapraning. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Dapat pala Psychology ang course na kinuha ko para naman matutunan ko rin kung paano ko ihahandle ang depression na nararamdaman ko ngayon.. Nakakatawa.. sana ganun nalang kadali ang lahat..

Biglang nag ring ang cellphone ko.. Si Prez tumatawag Alas nuebe na ng gabi nagworry ako na baka anung meron usually naman kasi hindi siya tumatawag ng ganung oras.. hindi na. simula nung maging kami ni Angela..

"Hello Prez?" Imbis na magsalita siya ay tanging hagulgol mula sa kabilang linya ang narinig ko.. "Prez?? Hello Prez okey ka lang ba??" Tarantang tanong ko..

"Mar---ti.. Daddy is in the hospital right now.. I-I don't know wh-at to do.. I'm so sorry to dis---turb you.. I'm sorry.. " She said..

" San yan?? I'll be right there okey? Wait for me.." Pagkatapos niyang sabihin ang lugar ay agad akong nagbihis.. She needs me.. Kailangan ko siyang puntahan she's a friend after all..

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon