PART 11

1.8K 56 7
                                    

still on angela's POV

-----

Nag-aya na si Issa pumasok sa loob ng St. therese tinanong lang kami ng guard kung saan pupunta hindi naman siya gaanong mahigpit.

naglakad kami sa hallway at wow! totoong maganda nga ang laki ng hallway at makikita mo yung mga tarpauline ng mga alumni nila na ngayon ay professional na.

"hanga ka no."

"oo naman gusto ko mapasama sakanila no."

"kaya mo yan ikaw pa Ms. All in all"

"haha san mo nakuha yan aa."

"narinig ko lang hehe."
dumating na kami sa admin at super bait ng admin yun lang masasabi ko binigay niya samin yung requirments at kung kailan yung date ng entrance exam.

makapapag handa pa naman.thank God.

we decided to go home para dun nalang mag meryenda, dumaan muna kami saglit sa C.r malapit dun sa canteen.

nagretouch si Issa pinapanuod ko siya habang ginagawa yun.

"oh bakit?"

"wala lang, ang ganda mo pala nu?"

"ngayon mo lang napansin?haha eh maganda ka rin kasi mana mana lang."

"hindi mas maganda ka kaya.."

"oo na sige pero mas maappeal ka ee haha."

"pero seryoso papasa kaya ako?"

"papasa ka diyan pinsan tiwala lang."

"sana nga ang tagal kong inantay to ee"
may nagbukas ng pinto so tumahimik muna kami baka kasi faculty tapos naririnig usapan namin.

pagkalingon ko.. nakita ko siya..
si Tiffany.. pati ba naman dito?haist

nginitian ko nalang siya pagkatapos ng maiksi naming pag uusap. tapos umalis narin kami ni Issa.

napadaan kami sa canteen nakita ko dun yung barkada ni Tiffany ngiti nalang yung naging bati ko sakanila.

sa main gate na kami dumaan.
at sumakay narin kami ng Tricycle pauwi.

"ang cute niya no?.."
nakangiting naitanong sakin ni Issa

"huh?sino."
nagtatakang sagot ko sakanya.

"yung sa c.r kanina.hehe"

"aaahh si Tiffany."

"hindi bagay sakanya yung name niya masiyadong pambabae haha"

"Marti tawag sakanya ng barkada niya."

"sana makapasa siya no ? para maka bonding ko din siya if ever hehe."

"type mo?"

mahilig kasi sa bisexual si Issa ewan ko ba dun pero open siya dun at hindi siya nahihiya kung sabagay cute naman talaga si Tiffany naka Black V neck shirt sa loob at may suot siyang blue checkered na polo sleeve tinernuhan niya ito ng cream na fitted jeans at black na chuck taylor

"medyo.. ang cute niya kaya."
nakangiting sagot niya medyo nainis nga ako ee.

"sorry ka may ibang gusto yun haha."
pambubwisit ko sakanya.

"watch and learn magiging close ko din yan. haha"

tumahimik nalang ako alam ko namang hindi seryoso si Issa ee, saka may girlfriend din naman siya kaya nga lang hard butch yun pero may itchura naman.
bigla ko ulit naisip si Tiffany..

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon