PART 17

1.7K 67 6
                                    

Lord! sobrang sakit.. ganito ba talaga pag bawal na pagibig? bakit hindi ako pwedeng maging masaya sa babaeng mahal ko??hays hindi ako naniniwala na marami pang iba diyan.. sa Milyong tao sa Pilipinas si Angela lang ang gusto ko .. bakit hindi pwede yun Lord..

para akong mamamatay....

______________

6 na araw narin ang lumipas simula ng huli kaming magkasama ni Angela. Lagi ko siyang nakikita Sa school pero ako na mismo ang umiiwas sakanya. Hindi na rin ako nagrereply sa mga txt niya. Sa totoo lang mahirap na alisin ang tulad niya sa buhay ko at lubhang napaka-hirap pigilan ang puso na wag ng magmahal.

Last day na ng practice para sa graduation, This time totoo na. Magkakahiwalay na talaga kami. Kahit hindi ko na siya iwasan, hindi na talaga kami magkikita.

Sinukuan ko na kasi ang St.Therese. Hindi narin naman ako umaasa na makaka-pasa ako dun. Tama sila, hindi ko naman talaga dapat pinipilit ang isang bagay na imposibleng mangyari.naghahanap narin kami ng ibang school bukod sa St. Therese, tinutulungan narin kasi nila ako mag move on kay Angela.

Late na akong pumasok ng school, napuyat kasi ako sa kakanood ng movie kagabi, na hindi ko naman talaga ginagawa dati.

Umakyat na ako ng building para iwan yung bag ko sa classroom. Syempre haggard nanaman maglakad sa hagdan tss..

Sa hindi ko inaasahang senaryo.. Nakita ko sina lester na kausap yung adviser namin.

"Maam si Marti nalang, saulo na niya yung kanta..

Pagpupumilit ni Lester

Anung kanta naman kaya yun?at talagang ako topic nila aa.

Magsasalita na sana si Anne pero nakita niya ako at..

" Woah speaking of the devil.. Hahahaahhaha ayan na pala siya maam..

Ang weird lang ha? Pumasok nako sa loob ng classroom..

Goodmorning maam..
Bati ko sa adviser namin..

"Marti practisin muna yung farewell song ikaw na kakanta nun..

Ikaw na ang kakanta nun...
Ikaw na ang kakanta nun....
HUWAAAAAAT!!!

halos malaglag ang panga ko sa narinig ko! Bukas na ang graduation tapos biglang ako na yung kakanta!

Tsssss..

Wala narin akong nagawa.. Pumayag na ako.. May bulutong daw kasi yung taga kabilang section,na dapat kakanta ng farewell song..... Sa harap ng maraming tao.. At SA HARAP niya!! Baka mag kalat ako! Buti nalang talaga graduation na bukas..

Tama graduation na.. Pero masaya ba talaga ako?

----------------------------------

GRADUATION DAY

halos hindi na ako natulog sa kakapractice ng Keep holding on ni Avril lavigne..

Medyo bangag ako.. At feeling ko talaga mag kakalat lang ako mamaya.

4 pm pa naman ang ceremony.. Bumaba na ako at nag almusal na..

"Ya, nasaan sina mommy?

Tanong ko kay yaya, sana naman hindi nakalimutan ni Mommy na graduation ko ngayon..

Ay nak nasa subic sila may party na pupuntahan daw..

"Ya.. Graduation ko ngayon..

Tumahimik siya saglit.. Alam niyang malapit nakong magbreakdown dahil iniwan nanaman nila ko sa ere..

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon