PART 47

575 19 0
                                    



Marti's POV

"Actually.. Hindi mo nababanggit sakin." Pagsisinungaling ko. Siguro eto na yung the best na sagot para sa tanong niya. Nakapag decide na akong mag-umpisa sa simula.. Sa simula kung saan kaibigan lang turing niya sa akin, at ako? Ako yung lihim na nagmamahal.. kahit nasasaktan.. kahit nahihirapan.


"Siguro nga wala pa talaga.." Pansin kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko.


"Busy ka kasi sa pag-aaral, at sobrang dedicated mo dito." Dagdag ko. Napatingin lang siya at ngumiti.. agad din akong umiwas. Hindi ko makayang makipag titigan sakanya dahil nilalamon ako ng mga titig niya.. para bang hinihila ako palapit sakanya..


"Ikaw? Bakit hindi mo niligawan si Athena? Pretty siya at mukha namang mabait?"


"May girlfriend ako.. Angela. Kaso.. masiyadong komplikado.." Bahagya akong tumungo..


"Tsk. Bakit naman?"


"Long story Anj.. sasakit lang ulo mo."


"Alam mo ba yung pakiramdam ng magising ka sa isang kwartong may mga taong hindi mo naman kilala.. Lahat sila umiiyak.. Lahat nagtatanong, nangangamusta.. hindi ko naman alam kung anong isasagot ko or whatsoever.. Ni hindi ko nga kilala yung Angela na sinasabi niyo.. Mas masakit sa ulo yung nabubuhay ka nga pero parang tanga ka naman?"


"Anj.. "


"Akyat na tayo."


Kumuyom ang mga palad ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon

"I'm sorry Anj" Nag-iba ang timpla ng mukha niya kung kanina ay malungkot siya ngayon naman ay nakangiti na siya, Isang bagay na nakakatuwa sakanya..


"Papatawarin lang kita kapag nagkwento kana"

__

Angela's POV

Inabot ni Marti sakin ang isang makapal na black notebook "Here, read this"

Kahit medyo nalilito ay agad ko yung kinuha..


"Ano to?" Tanong ko.


"Notebook? Ha Ha joke. Manuscript yan nung sinusulat kong story, actually hindi pa tapos yan pero mahaba haba na rin yan." Paliwanag niya.


"So may writer pala dito ha." Agad ko yung binuksan, tama siya marami na ang nakasulat dun at hand written ito. Napaisip ako kung gaano na niya katagal ginagawa yung story na yun. Napangiti ako nung makita ko yung unang page ng notebook.


"My Past, My Present, My Future, My Forever.. Spicy huh?" Nakangiting saad ko. So may mga ganito pala siyang pa effect. At base sa mga nabuklat ko mukhang story nila to ng jowa niya.


"Baka cheesy? Ha ha." Napatingin ako sakanya. Nakangiti siya, halos hindi na nga makita ang mata niya. Cute pala talaga siya tsk.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon