PART 52

502 19 37
                                    


______________

ANGELA'S POV

Nagising nanaman ako sa isang masukal na kakahuyan.. sobrang dilim, tanging liwanag lang ng buwan ang naaaninag ko.. Pilit kong inihahakbang ang mga paa ko ngunit bigo ako.. Sandali akong kumalma at doon din biglang may nagsalita.. "Angela, mahal ko." Sambit niya.. ng lingunin ko ay wala namang tao. Alam ko sa sarili kong hindi ako takot sa multo, ngunit nung mga oras na yon ay nakaramdam ako ng takot, takot na hindi ko maipaliwanag. Sandali kong ipinikit ang mga mata ko at ng imulat ko ito ay bumungad ang duguang pigura ng isang lalaki.. Puno ng luha ang mga mata niya at nang humakbang ako palayo ay agad na niya akong nayakap. Yakap na puno ng pagmamahal.. yakap na pumawi ng takot at nagbigay saya sa akin nung mga oras na yon..

"Ate! Gising na may bisita ka" Ilang beses pa akong kumurap bago ko na-realize na si Paula pala ang nasa harapan ko. "Nandiyan si Ryan si baba" Nakasimangot niyang tugon.

Agad akong bumangon "bakit daw?" tanong ko

"Hindi ko alam, may pabulaklak siya eh, bumaba ka nalang dun, chika mo nalang sakin later"

Sabay alis, mukhang busy siya dahil panay ngiti niya sa harap ng cellphone niya.

Inayos ko ang sarili ko at nagmadali ng bumaba. Sana naman hindi siya magtagal kasi may lakad pa kami mamaya ni Marti. Good thing about my amnesia is kahit papano ay naalala ko na ang pamilya ko at ilan sa mga kaibigan, kasama na dun si Ryan. My last memory with him is the night we broke up.. Ewan ko? Kaya siguro hindi nababanggit sakin ni Marti yung samin ni Ryan kasi masiyado ako naging sira nun? At I remember I even change university for him. Anyway enough with that.

Naglakad na ako pababa.. then I saw him with a boquet of white roses.. ngumiti siya sakin.

Napaisip nalang ako kung anong meron? Mas lalo akong nagulat ng makita ko ang parents niya at sina mom at dad, busy sila sa pag-uusap nung dumating ako.

"Hey sweetie andiyan kana pala" Bungad ni Mommy. Agad namang lumapit si Ryan para ibigay sakin ang bulaklak na dala niya. Lumapit din sakin ang Parents niya na nagbigay ng mahigpit na yakap.

Nahagip ng mata ko si Mommy na ngiting-ngiti. Naupo ako malapit sakanya, inilapag ko muna sa coffee table ang bulaklak na bigay ni Ryan.

Binasag ni Ryan ang katahimikan..

"uhm Anj? Can we talk outside?" Panimula niya. Agad naman tumango sina Mommy at Daddy. Wala narin akong choice kungdi sumama sakanya.

I find myself sitting beside Ryan.. We're here in my favorite place. Nuvali.

Nag-insist siyang bumili ng dinner take-out nalang kasi nga pupunta kami dito.

"So.. what is it?" Paunang tanong ko.

"Why don't we eat first?" ngumiti siya at inabot sakin ang burger at fries na pina take-out niya.

"We can talk and eat at the same time right?" kinuha ko ang pagkain na inabot niya

"Alam ko galit ka parin.. pero Anj, I need to tell you something.." Hinawakan niya ang kamay ko "I want you back"

Ilang beses ko pang pinakinggan bago nag sink in sa utak ko ang sinabi niya.. "I want you back Angela please?"

"Ryan.. please stop it? Alam mong hindi ko nakalimutan yung dahilan ng break up natin at ikaw ang dahilan kung bakit tayo naaksidente"

Inayos ko ang bag ko at tumayo na ako. this is nonsense. Pagkatapos ng lahat? Babalik nalang siya na parang walang nangyari? Sana nga siya nalang ang nakalimutan .

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon