PART 38

992 31 6
                                    


Vote , Comment And Follow :)

Love lots.!

---------------

Marti's Pov

Nasa Kotse parin kami tinatahak ang daan pauwi sa bahay, wala naman dun sina Mommy dahil nandun sila kay Kuya.

Diko napigilang umiyak kanina, buti nalang lumusot kay Anj na tears of Joy lang yun kahit ang totoo sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Hindi ko na hinayaang malaman pa niya na nakita ko sila sa Resto, Kahit kailangan ko ng explanation pinili kong tumahimik nalang kasi panigurado masasaktan lang lalo ako sa katotohanan na manggagaling sakanya.Isama mo pa yung problema sa bahay.

" Babe? Nagpaluto na ako kay yaya,
Adobo yung gusto mo diba? "

Pinilit kong sabihin yan ng sobrang saya.Tumango lang si Anj. Nakarating na kami sa tapat ng bahay. Tinanggal ko yung seatbelt niya at pinagbuksan siya ng pinto.

"Hi ya!"
masayang bati ko sakanya, ngumiti siya at tinignan agad yung sugat sa may kilay ko.

"Manang, nabagsakan ba talaga yang mokong na yan?"
Si Angela, napatitig si yaya sakin. at pinandilatan ko siya para hindi na niya mabanggit yung nangyari.
Sumangayon nalang si Yaya at etong si Angela mukhang hindi kumbinsido. Kumain na kami pagkatapos ay umakyat na ng kwarto dito na tutulog si Anj kasi babawi daw siya sakin.

"Anung totoong nangyari diyan?"
Umayos siya ng pagkakahiga at tinitigan ako.

"Babe naman, nabagsakan nga"
napakagat ako sa labi ko.

"Alam na alam ko kapag nagsisinungaling ka"
hinawakan niya ang mukha ko.

"Anung nangyari diyan, " paguulit niya.

bumangon ako at umupo, ganun din ang ginawa niya.

"Babe? please tell me."

"Nabagsakan lang babe, believe me."
ayoko ng pahabain pa ang usapan kapag nalaman pa niya malamang mauungkat din yung sa resto.

ngumiti nalang siya at hinalikan ako sa lips. "Sige na nga,halika na tulog na tayo."

tumabi ako sakanya at yumakap.napadampi sa may malapit sa dibdib niya yung kamay ko. Tss. ang babe ko walang bra. hahaha. dati naman hindi niya hinuhubad tinatanggal niya lang yung strap.

"Hoy ikaw! tigilan mo yang iniisip mo ha! ngiti ngiti ka pa diyan."
Natawa nalang ako bigla akala ko makaka score ako pero hindi pala.

-----

Kinabukasan nagbreakfast lang kami at umalis narin.

"Babe, Pasok na ako ah? kita tayo mamaya"
una siyang bumaba ng kotse, tapos palinga linga pa siya sa paligid na parang may tinitignan kung may nakatingin tss.

10am pa ang class ko. at 8am palang tss. san ako tatambay nito.
bumaba ako ng kotse.

"Maria Tiffany Dela Cruz"
bungad niya.. nang lumingon ako Si Ryan tss. tinignan ko siya tingin na may halong pagtatanong.

"What do you want?" formal na tanong ko. ngumiti naman siya yung ngiti niya nakakaaaar.

"Let's talk"

ayun nga pumayag na akong kausapin siya dun lang kami sa coffee shop sa tapat ng school.tahimik lang kami habang kinakain yung cake na at coffee na inorder niya.

"Hihimatayin ang Mom niya kapag nalamang pumatol sa babae ang Panganay niya."

Si Ryan, hindi siya nakatingin sakin, ang mga mata niya ay naka focus dun sa lesbian lover na pumasok.
hindi ako nakasagot. nakatingin lang ako sakanya.

"Alam ko lahat Maria Tiffany"

"Its Marti"

"Marti, o Maria Tiffany walang pinagkaiba yun babae ka parin"

nanginginig na ang buong katawan ko sobrang nababadtrip nako.

"Kung tapos ka ng insultuhin ako, baka pwede na akong umalis?" sarkastikong tanong ko. hindi ko na inantay ang sagot niya at tinalikuran ko na siya.

"Mag ingat ka, Hawakan mo siya mabuti kasi malapit na siyang mawala sayo"

Sigaw ni Ryan, nagtinginan ang mga costumer, hindi ko na siya pinansin nagtuloy nako sa paglalakad at bumalik na ng school.

8.40 palang. dumerecho ako ng c.r
naghilamos ako para mabawasan ang galit na nararamdaman ko.
namumula na ang mukha ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin.
Anu bang trip ng Ryan na yan.

napabuntong hininga ako sobrang lakas.

"Ok ka lang?" Si Prez, lumabas siya sa isang cubicle.Napatingin ako sa suot niya bagay na bagay talaga sakanya ang all white na uniform haha.

"Ha, Ah ehh Oo naman" sagot ko, basang basa yung mukha ko. may kinuha siya sa bag niya, panyo

"halika nga dito". lumapit siya sakin at pinunasan ang basa kong mukha.
may tao sa c.r pero di niya yun pinansin, bagay na hindi kayang gawin ni Anj.

" Yan, pogi ka na ulit" Bahagya pa niyang inayos ang buhok ko.

"Salamat, Uhm Prez what time class mo?" tanong ko, bigla nalang lumabas sa bibig ko eh.

"ah 10 pa, bakit?" sagot niya, may halong pagtataka. tss. shet ka Marti dont tell me yayayain mo siya lagot ka kay Angela.

"Tara sa canteen" Aya ko sakanya, no choice na ako gusto ko siya makausap dahil sobrang badtrip ako
tumango siya at tumawa.
"Dont tell me problemado ka nanaman ha? haha ikaw ah option mo ko." nangaaaar yung mukha niya pero bakit parang may kirot?

" yan nanaman yang apog mo ah! haha, hindi na kita gusto no!"

nagbago ang mukha niya sa sinabi ko, "Ah Prez What I mean is-

" Haha sira alam ko yun! feeling ka rin ah! " tumawa nanaman siya.

pumunta na kami ng canteen umorder lang kami ng nachos at drinks.

"Bati na kayo?" panimula niya habang ngumunguya ng nachos.

"Yup, kahapon pa, Thanks to you"
nakangiting sagot ko.

"ako? bakit thanks to me? haha"

"Nagselos siya sayo eh hahaha"

"Sira ka talaga" ngumuya na ulit siya.

tumahimik ang paligid may dumaan atang anghel hahaha.

habang ngumunguya siya ay napansin ko yung gasgas sa may braso niya.

"Napano yan?" kinuha ko ang braso niya at hinawakan ko yun. napa aray siya tsk.

binawi niya yung braso niya, " Nung P.E yan nagasgasan ako."

tumayo ako . " Oh san ka pupunta?"

"Antayin moko dito"

tumakbo ako papunta sa locker ko kinuha ko yung first aid kit at tumakbo ulit pabalik kay Prez.

"Give me your hand" maotoridad na sambit ko.

agad naman niya yung sinunod. ginamot ko yung sugat niya nagulat pa nga siya sa ginawa ko.

"Marti" napatingin ako si Anj. nanlilisik na ang mga mata niya at ang sama ng tingin kay Prez.

tumayo ako at nilapitan siya
"Oh babe, may klase ka pa diba?"

"Wala kaming Prof, aalis nako kung busy ka?" tumingin siya kay Prez, Knowing Prez ayaw niya ng gantong eksena nagmadali na siyang tumayo at umalis, tumango lang siya bilang paalam.

To be continued..

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon