PART 39

1.2K 44 11
                                    

A/N
tatapusin ko yung story nato, kahit mahirap hahaha. :)

Salamat ulit sa mga nagvvote,comment at npafollow sakin you guys are the best! :D
______________________________

Angela's Pov

Meron kaming 3 days Team building kasama ang Glee Club lahat ng under ng club na yun. Andiyan ang Dancing,Singing at Acting.

Maswerte kasi makakapag bonding kami ni Marti, First out of town namin to together.

Malas kasi kasama namin Si Athena na halata namang may gusto pa sa Girlfriend ko.Naiinis ako nung nakaraan lang dun sa canteen nakita ko sila at talagang kay Marti pa niya pinagamot yung sugat niya ha?! At etong si Marti manhid ata di mahalatang nagpapacute sakanya si Athena at di rin makaramdam na ayoko sila magkasama!

"Babe ok na gamit mo?
si Marti, nandito kami ngayon sakanila dito narin kasi ako natulog 4am kasi aalis na kami ng Santa Rosa para pumunta sa isang retreat house sa Subic.

May Bus na inarkila ang school medyo spoiled nga ang Glee Club kasi lagi daw silang naguuwi ng Trophy sa iba't ibang Contest.

" Babe, ok naman na, ay teka yung gamot mo sa migraine wag mo kalimutan.
Bilin ko sakanya, nito kasing mga nakaraan lagi nalang siya inaatake ng migraine niya as in pag umatake yun dimo siya makakausap nakahiga lang siya.

"Aye! Aye! Captain!
Pormang nakasaludo pa siya haha,
ang cute ng taong to.

Nagpunta na kami ng University kasi dun ang meeting place. dahil ayokong malate maaga pa andun na kami may tao narin naman at andun narin ang Athena, kausap ang iba pang member. Alam ko 40 lang ang member ng Glee Club kasi salang sala talaga yung mga sasali.

Nahagip ng mata ko si Marti na nakatingin kay Athena, ewan ko bakit bigla akong nainis sakanya iba kasi yung tingin niya.

" Harap Harapan talaga?
sarkatiskong bulong ko sakanya.

agad naman siyang tumingin sakin.
yung mukha ng nagtataka, wala nanaman siya sarili.

siguro ilang minuto lang ang lumipas dumating narin Sina Ellie at Andi pati na yung ibang members.
sa 2 seater kami naupo ni Marti at dun sa dulo para daw malambing niya ko. Sumunod din samin sina Ellie at Andi.

"Prez dito nalang tayo,ayoko sa unahan eh
Si Carla, kung sino sino naman kaibigan nito. at talagang dito pa row namin ni Marti mauupo. bali ang nangyari nasa gilid siya ni Marti magkatapat ang upuan namin. kesyo gusto nung Carla sa may bintana.

Hindi naman siya tumitingin samin pero naiinis parin ako sa twing nakikita ko siya hindi naman ako naiinsecure sakanya kasi kahit papano may itchura naman ako naiinis lang siguro ako kasi may nakaraan sila ni Marti.

Nasa unahan yung 2 adviser/coach namin kaya yung mga nasa unahan bait baitan, at kaming mga nasa likod kung anu ano ginagawa.
nagumpisa ng umandar ang bus.

"Gusto kong water,uhaw nako babe.

" Ah sige wait lang ah.
kumuha siya ng bottled water sa bag na dala niya at inalalayan pakong uminom baka daw mabasa ako eh.

after 20 minutes..

"babe, gusto ko ng matamis.

" Ah sige, wait lang.
kumuha siya ng lollipop sa bag niya at binuksan yun.saka ibinigay sakin.agad ko yung sinubo.

"Gusto mo?
tanong ko. sakto naman nung pagkalipat ko sa bibig niya nung lollipop ay napatingin si Athena, so ang ending nakita niya kami at bilang katulad niyang babae ramdam na ramdam ko yung selos niya.

sa isa't kalahating oras na byahe puro pag papabebe ginawa ko para narin asarin si Athena, para naman malaman niya kung kanino talaga si Marti at wag na siya makisali.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon