2

76 4 0
                                    


Itutuloy ang kwento? Nakakunot noo akong nakatingin sa librong hawak ko ngayon. Sayang biten eh ganda pa naman ng kwento.

"nagtataka ka ba?" halos mapatalon ako sa gulat nang may magsilata sa bukana ng shelf ng libro, isang matanda.

"t-teka ikaw yung matanda kahapon ah" nakilala ko siya agad, napangiti naman siya saka tumango.

"nagtataka ka ba kung bakit hindi naituloy yan?" patuloy niya sa libro habang nakatayo siya doon.

"opo eh ang ganda pa naman po. Pero may note naman po sa huli sabi niya itutuloy ang kwento kapag nahawakan na ng nakatakda"

Tinignan ko ulit ang librong hawak ko wala talagang katuloy ang kwento. Ibabalik ko na sana nang magsalita siya ulit kaya napatingin ako sa kaniya.

"dahil nahanap na niya ang taong magtutuloy sa kwento" huh? Naguguluhan ako.

Naglakad siya kaya nagmadali akong hinabol siya na hawak pa ang libro, walang katao tao dito sa library kaya madali ko siyang nasundan. Nakita ko na lumiko siya sa pinakahuling shelf ng libro tumakbo ako saka lumiko rin doon.

"lola! Wait lang po..." pahina ng pahina ang boses ko dahil sa bigla ko ang library na luma ay nagmukhang bago.

What the fuck? Napatingin ako sa librong hawak ko at naging bago ito hindi lang iyon dahil naka filipiniana din ako. Halos hindi ako mapakali saa nakikita ko ngayon sa harap ko, ibat ibang tao nakasuot nang baro't saya.

Asan ako? Halos mahilo ako dahil hindi  maproseso ng ulo ko ang nangyayari, tumakbo ako papunta sa may bintana at halos matumba ako ng iba ang mundong kinalalagyan ko.

"no..no this is not happening im just dreaming" binubulong ko sa sarili ko na nagkokomfort sakin. Tangina ano bang nangyayari? Asan na yung matanda? Lumiko lang ako sa library bakit iba na?

"Binibini ikaw ba ay nawawala?" napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko isang babae na nakasuot na gaya ko. Hindi ako makasalita dahil hindi ako makaget over. Gosh!

"marahil ay nagulat ka sa akin dahil sa aking pagtatanong. Batid ko kasing ikaw ay nakatulala kanina kaya kita nilapitan" nakangiti  niyang sabi sakin. Then she look at the book that im holding.

"iyan ba ang ibig mong basahin?" napatingin din ako sa librong hawak ko.

"where am i?" biglaan kong sabi, nakita ko naman na parang naguluhan siya.

"a-ano iyon binibini? Hindi ko maiintindihan ang iyong pinaparating" gosh! Nagtravel ba ako sa past?

"a-ang ibig kong sabihin ay nasaan po ako?" napangiti siya sa tinanong ko.

"nasa silid aklatan ka binibini" what? Silid aklatan? Anong year ba ito? Tumingin ako sa nakapaskil na letra sa ding ding at halos manlaki ang makita ko ng makita ko ang taong 1901.

Putangina bumalik ako sa mga ninuno namin?

"ayos ka lang ba?" dahan dahan akong tumango sa tinanong niya, kahit ang dami nang tanong sa isip ko.

"ako nga pala si Corazon ang tagapangasiwa sa silid aklatan na ito? Ano ba ang pangalan mo binibini?"

Anong sasabihin ko? Magsasalita na sana ako nang may nagsalita hindi kalayuan saamin.

"Lucianna!" marahang may tumawag sakin, tumingin ako doon at may papalapit saking babae na maganda at maputi.

"andito ka lang pala kanina ka pa hinahanap ni  Señorita Emiliana" nagpaumanhin siya sa matanda at ako naman ay hinila niya.

Naguguluhan ako ano bang nangyayari? Naglakad kami palabas sa bahay na iyon saka ko nakita ang kaibahan talaga ng lahat. Walang malalaking building walang nga kabahayan na nakikita ko sa amin. Wala ni isa, lahat sila naka baro't saya at mga nakabarong.

Hinigit ko ang kamay ko at nagulat naman ang kasama ko. Sino ba ito? Asan ba ako? Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang sarili ko at nasaktan ako it means hindi ako  nananaginip.

"ano ba ang nangyayari sayo Lucianna?" nagtatakang tanong ng babae kanina, ako naman ay hindi makasalita im still confused and dumbfounded.

"s-sino ka?" nagtaka siya sa tanong ko kaya lumapit siya sakin kaya napahakbang ako palikod.

"ano ba Lucianna ako ito si Amihan" Amihan? Yung encantadia ba iyon? May kapangyarihan ba ito na hangin?

"hay nako iniwan lang kita saglit nagkaganyan ka na, halika na umuwi na tayo at hinahanap ka na ni Senyorita" hinila niya ako, nagpahila ako dahil wala pa akong lakas dahil sa gulat.

Nadaanan namin ang mga karwahe. Madaming tao pero maaliwalas ang paligid, hindi gaya sa amin na nagiinuman ang mga kapitbahay at dikit dikit ang mga bahay. Dito ay hiwa hiwalay ito at makaluma.

Naglakad kami habang hawak ko ang libro, dumaan kami sa isang malawak na palayan maraming magsasaka. Napatigil ako saglit para tignan ang tanawin, familiar ang part na ito sakin.

"Magandang Umaga Binibini" napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita, pagkalingon ko may isang lalako na nakadamit longsleeve at may sumbrerong gawa sa hindi ko alam ang tawag doon.

Napatingin ako sa kaniya. Sino naman ito? Hindi ako makasagot sa sinabi niya kaya ngumiti ako. Ngumigi rin siya at nakita ko ang dimple niya halla! Gago ang gwapo! Wait lang nahulog ata panty ko.

Nagulo ang imahinasyon ko nang magsalita si Amihan sa tabi ko. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"mamaya mo na siya kausapin Alejandro at hinahanap na siya ni Senyorita Emiliana" nagpaalam siya sa lalaking nangngangalan na Alejandro saka kami naglakad na ulit.

"naku buti nalang at mabait si Senyorita at paborito ka niya kaya hindi tayo papagalitan"

"a-ano bang nangyayari?" nagtataka kong tanong, pumasok kami sa isang gate at bumulagta sa harap ko ang malaking bahay as in na malaki at malawak.

Pero nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang bahay na ito, ito ang bahay na nasa lukod ng school namin!

Napatigil ako at nakatitig sa malaking mansyon na ang gara, buhay na buhay ang mga halaman sa paligid niya at may mga nagtatrabaho dito.

"k-kaninong bahay ito?" nauutal kong tanong.

"ano ka ba! Nakalimutan mo na ba? Bahay ito ng mga Lopez ano bang nangyayari sayo?" hindi ako makaimik dahil sa gulat parin.

Hindi ako makapaniwala una yung libro pagkatapos nakapunta ako dito tapos etong bahay na ito buhay na buhay at higit sa lahat nagbalik ba ako sa nakaraan?

The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon