"magandang umaga Senyorita" bati ko sa ina ni Emiliana, at kagaya ng dati ay banayad siyang ngumiti sakin. Mabait ang mga magulang nila kaya naman minsa ay nakikipagbiruan sila samin.
"magandang umaga Lucianna, kayo ba'y nakakuha na ng mga gulay sa taniman?"
"kami'y papunta palang po ni Benilda" tumango siya sa sinabi ko, nasak bakuran kasi ako at inaayos ang mga tanim.
Bumati rin si Tomas and hardinero sa part na ito ng mansyon, gaya ko ay magkasing edad lang kaming dalawa. Naglakad na paalis si Senyorita kaya naman nagkatinginan kami ni Tomas.
"gusto niyo bang samahan ko kayo sa taniman?" nakangiting tanong niya, ngumiti ako pabalik ang cute niya talaga. Ang sarap pisilin ang matambok niyang pisngi.
"sure" napakunot noo siya sa sinabi ko kaya naman nataranta ako.
"a-ang ibig kong sabihin ay kung maaari lang sana" nagtawanan kami.
Saktong lumabas ang magkapatid na si Emiliana, sabay kaming nakatingin ni Tomas doon. Nabigla ako sa paraan na pagtingin niya kay Emiliana wait a minute napangiti ako may gusto siya kay Emiliana!
Natatawa akong binalik ang tingin ko sa magkapatid at napawi ang ngiti ko nang nakangiting nakatingin sakin si Anton, agad akong napaiwas ng tingin na baka namumula pa ako.
"a-ano na tara na ba? Para makarami tayo" napabalik ang tingin sakin si Tomas saka siya tumango.
"Benilda!" tawag ko nang palabas na siya sa kusina, may bitbit siyang basket na dalawa.
"naku Lucianna hindi kita masasamahan dahil may inutos sakin si Senyora Emilia"
"sino ang sasama sakin kung ganoon? Hindi ko alam kung saan tutungo" napanguso naman ako, natawa naman siya napatingin siya kay Tomas na nasa tabi ko at nakayuko. Kanina pa siya nakayuko ah iniisip niya parin ba si Emiliana?
"s-si T-tomas nalang muna ha? S-sige na" agad agad siyang umalis sa harap namin, naiwan akong nagtataka bakit siya namumula at parang nagmamadali?
Naglakad na kami paalis sa mansyon dumaan kami sa likod para mas madali, tahimik parin si Tomas na nasa tabi ko.
"may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya, umiling naman siya saka tumingala at tinignan ang mga puno.
"may gusto sa akin si Benilda" napalaki ang mata ko sa sinabi niya. Weh? Kaya ba nahihiya siya kanina?
"paano mo naman nalaman?"
"umamin siya noon sakin pero hindi ko tinanggap dahil may napupusuan akong iba" nakangiti niyang sabi, i feel sad about Benilda alam kong masakit iyon.
"si Senyorita Emiliana ba?" sabi ko napatingin naman siya agad sa akin.
"ganun ba kahalata?" natawa naman ako sa tanong niya saka ako tumango.
Hindi na kami nagsalita pagkatapos non at kumuha nalang ng gulay, nakakatuwa nanaman ang ginagawa ko ang dami kasi eh.
Tanghali na nang makabalik kami sa mansyon at nakita ko na nakaalis na pala si Emiliana kaninang umaga pagkaalis namin."Lucianna hinahanap ka ni Senyora bilisan mo at pumunta ka doon sa sala" yan ang bungad sakin ni Manang kinabahan naman ako pero pumunta padin.
Nakita kong andoon si Senyora mag isa niya habang may si Benilda ay nasa tabi sa may bintana at binabantayan siya.
"Senyora pinapatawag niyo raw ho ako" magalang kong sabi, hindi naman ako ganito kagalang eh huhu. Napatingin siya sakin saka ngumiti tumayo siya at lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Story [COMPLETED]
Teen Fiction"ako mismo ang tatapos sa istoryang ito"