18

26 1 0
                                    

Tulala, yan ang itsura namin ngayon habang mabilis na umaandar ang karwahe na sakay namin. Si Tomas, wala na si Tomas namatay siya napatingin ako kay Benilda na tahimik na lumuluha sa gilid.

Gusto ko siyang yakapin dahil maski ako ay nasasaktan din, he's my friend. Sa buwan na nanatili ako dito naging malapit siya sakin, kanina habang hawak namin ang bangkay ni Tomas ay hinila na kami palayo ng isang tauhan na nasa mansyon.

Ayoko mang iwanan pero kailangan, hanggang sa makarating kami sa daungan ng barko. Andoon si Kapitan Angelo kasama ang mga kawal na tila naghihintay sa amin, si Emiliana lang ang nandito naiwan ang tatlo niyang pamilya para ayusin ang gulo nila.


Pagkababa ni Emiliana ay tumakbo agad siya saka niyakap si Kapitan, umiyak siya ng umiyak. Nawalan siya ng kaibigan at yung kasalanan pa ng ama niya. Kapitan kiss her forehead, napaiwas kami ng tingin.


Pinasakay nila kami sa barko, nakadungaw lang ako doon. Kita ang mansyon mula dito at nakakatakot na katahimikan ang nandoon. Walang mga tao ang lumalabas, nakasara lahat ng pinto at bintana.


Kinabahan ako ng maalala ko kung sino ang mga naiwan namin doon, si Anton! Shit! Huwag kang mamatay tangina ka.


Napatingin ako kay Emiliana na nakadungaw kay Kapitan, seryoso lang na nakatitig ang lalaki sa kaniya parang nag uusap sila sa tingin.


"mag iingat ka mahal ko" rinig kong sabi ni Emiliana kay Kapitan, ngumiti naman ang lalaki saka tumango.


"mag iingat ako, pupunta ako sayo at magpapakasal na tayo" napapikit si Emiliana saka may naglandas na luha sa mukha niya.


Ganito ba talaga ang feeling kapag nasa loob ka na ng libro? Ikaw yung makakaranas. Yun ngang pagbabasa ko palang ng tragic stories masakit na paano pa kaya kapag sakin nangyari yun.


Hanggang sa makaalis na ang barko anng makarinig kami ng malakas na sigaw, agad akong tumakbo papunta sa kwartong gagamitin namin at nakita ko si Benilda na dumudugo ang kamay at umiiyak.


Sinubukan siyang lapitan ng magkapatid pero mas lalo siyang nagwala, wala akong magawa. Hindi ko kayang aluhin ang kaibigan ko.


Tinitigan lang namin siya habang nilalabas niya ang sakit sa dibdib niya, alam kong masakit talaga para sa kaniya. Naiiyak ako sa mga naiisip ko nanghihina akong umupo doon at pinakinggan ang iyak niya hanggang sa tumigil siya.


"nakatulog na ba?" tanong ko kay Amihan nang lumapit siya kay Benilda. Nasa kabilang kwarto si Emiliana at kailangan pa namin siyang puntahan.


"nakatulog na, napagod na kakaiyak" sabi niya pero kahit siya ay mugto ang mata. Kinumutan namin siya saka umupo sa kama.


"kailangan natin maging matatag" biglang sabi ni Amalia, napatango ako at napaisip. Alam ko dapat maging matatag ako dahil hindi pa tapos ang misyon ko dito.


Ilang araw kaming naglayag sa dagat, binibisita lang namin si Emiliana at mukha g okay naman na siya. Sabi niya lang na dapat ipagpatuloy ang buhay niya kahit anong mangyari.


Maging si Benilda ay inaalalayan namin para bumalik ang dating sigla, sinabi ko sa kaniya na magsulat siya ng gusto niyang sabihin kay Tomas at itapon sa dagat para mapalaya niya ang sakit para makalaya na rin si Tomas.


"Benilda.." napatingin kami kay Amihan ng lumapit siya na may dalang sulat.


Inabot niya kay Benilda ang sulat kaya naman naguguluhan si Benilda pero kinuha nya rin. She opened it at agad nanaman siyang napaupo saka umiyak pinantay ko siya dahil parang alam ko na kung kanino galing yun.


The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon