Ilang araw rin akong nagpahinga dito sa gitna ng kagubatan, nakasilip ako sa binatan. Madaming tao dito pero parang hindi na taga bayan. Nagrebelde ba sila?"bakit..bakit galit kayo sa kanila?" tanong ko kay Alejandro nang pumasok siya dito.
"Ang ama ng senyorito mo ay may atraso sa lahat ng tao dito" nagulat ako sa sinabi niya, paanong may atraso sila? Sa pagkakaalam ko ay mabait ang Don.
"alam kong hindi mo ako naiintindihan pero kapag nalaman mo ang mga istorya nila ay magagalit ka rin sa pamilya niya" napaiwas ako tingin. Hindi ko kayang dinggin ang mga sasabihin niya.
"h-hindi na muna ngayon"
"patawarin mo ako sa pagkamatay ni Tomas" yan isa pa yan. Tangina nawalan ako ng kaibigan pero hindi ko alam hindi ko magawang magalit man o ano.
"si senyorita Emiliana?" tanong ko sa kaniya. Napagalaman ko kasi na natunugan nilang nasusunog ang mansyon kung kaya't agad siyang nagpunta at sumugod sa loob.
Nakita niya ako sa kakahuyan at bago siya umalis doon na bitbit ako ay nakita niyang nawalan ng malay si Emiliana na dala ni Kapitan Angelo.
"nasa mabuting kamay siya"
"ang mga magulang niya, kamusta ang pamilya nila?" nagulat siya sa tinanong ko sa kaniya, pero desperado na ako dahil si Anton baka napahamak.
"maayos ang lagay nila. Ang mga kasamahan mo ay lumipat ng bahay" lumipat sila? Saan naman?
"hindi na kita maaari pang dalhin doon dahil mararating nila kung saan ang kuta namin" hindi ako umimik.
"patawarin mo ako sa galit ko pero hindi mo ako masisisi dahil buhay ng ina ko ang nasayang dito" tumayo siya saka lumabas na, alam kong naiiipit siya sakin. Alam ko naman eh ayoko lang talaga mag isip ng kung ano ano.
Ilang araw pa akong nagpahinga nang pinayagan akong lumabas nang matanda. Tinitignan ako ng iba. Hindi ba nila ako sasaktan?
"huwag kang mag alala tanggap ka ng mg iyan" nakangiting sabi sakin ng matanda. Nakita ko si Alejandro na bumubuhat ng panggatong na walang saplot sa itaas.
Napatingin siya sakin saka binaba ang bitbit at naglakad palapit sakin.
"aalis na ako" sabi ko sa kaniya, binulong ko lang iyon pero nagulat ako ng tumango siya. Naglakad siya kaya sinundan ko hanggang sa makalayo kami at kita na ang bayan.
"alam kong...alam kong hindi ako ang laman ng puso mo" nakayuko lang ako habang sinasabi niya iyon.
"pinapalaya na kita pero huwag mong kakalimutan na nandito lang ako para sayo" nakangiti niyang sabi, ayoko mang pakawalan siya pero kailangan kong masiguro ang kaligtasan ni Anton.
Isasantabi ko ang puso ko at nararamdaman ko para sa misyong ito dahil una sa lahat ay hindi ako nagmula dito at hindi ko istorya ito.
"nakasubaybay ako sayo lagi" bago siya naglakad paalis, sinuot ko ang balabal ko at naglakad na palabas kakahuyan na iyon.
Maraming tao sa bayan, mukhang nagchichismisan.
"naku hanggang ngayon nga eh hindi ako makapaniwalang wala na ang mansyon nila Don Diosdado" nalungkot naman ako, maraming ala ala ang nandoon.
"balita ko nga sa susunod na buwan na ang kasal ng panganay nila" napatigil ako sa narinig, sa susunod na buwan agad?
Nagtuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa mansyon, wala nang mga tao doon. Tinitigan ko lang ito, aalis na sana ako nang makita ko si Lola na nakatayo malayo sakin at may hawak na papel.
Hindi ko pa kaya siyang kausapin hanggat hindi ko alam kung sino ang salarin sa lahat ng ito. Malaming kalaban ang nakapaligid sa kanila at tila nakikipaglaban ako sa hangin para lang matuloy ang kasal nilang dalawa.
Bago sya mawala ay may hinulog muna siyang papel na maliit, agad akong natungo doon at kinuha iyon halos malukot ko ang papel nang mabasa ko.
May traydor na nakapaligid sa iyo.
Yun lang hindi na niya sinabi kung sino ito, napabuntong hininga ako at halos sipain ko na ang malaking bato dahil sa stress ko. Tangina gusto ko nang umuwi!
"Lucianna?" nagulat ako nang makita ko si Manang na kalalabas sa may kusina at may hawak pa na isinalba niya ata.
Agad akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya, kahit yakap lang ang magpapalakas sakin. Wala siyang sinabi basta niyakap niya lang ako.
"hija ang laki ng sugat mo. Ayos ka na ba? Halika na pupunta na tayo sa bagong bahay nila andoon silang lahat at maayos ang pakiramdam"
Hinila niya ako pero hindi ako gumalaw, hindi na ako pwedeng sumama pa. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa mga katanungan nila, mas mabuting pagmasdan ko sila mula sa malayo.
"patawarin mo ako manang pero hindi na maaari pa"
"p-pero--" halos manlamig ako ng makarinig ako ng putok ng baril at pagtama iyon sa ulo ni manang.
Nanlamig ako hindi ako makagalaw kahit natumba na si manang sa katawan ko. Hindi ako makagalaw, tangina hindi maproseso ang nangyayari sakin.
"manang!" sigaw ko saka napaluhod sa tabi ng bangkay ni manang, grabe ang iyak ko at halos hindi ko na makita ang lahat dahil sa luha ko.
Tumakbo ako papunta sa pinagmulan ng baril saka ko tinignan pero walang tao.
"tangina lumabas ka!" buong lakas na sigaw ko, halos.mahilo na ako kakatakbo at kakasigaw kung meron man ang pumatay.
"gago! Ako mismo ang papatay sayo kapag nalaman ko kung sino ka!" napaluhod ako doon at nanghina. Ilang minuto pa akong nahiga doon hanggang sa umulan ng malakas, walang buhay akong nagtungo sa bangkay ni manang.
Umiiyak akong hinawakan iyon, kumuha ako ng kahoy saka naghukay ng malalim. Umiiyak ako habang ginagawa iyon dahil kahit lamang iyon ay magawa ko para sa kaniya.
Nilagay ko si manang sa hukay na umiiyak padin, halos hindi ko na makita ang ginagawa ko dahil sa lakas ng ulan. Nang matapos kong tabunan ay napaluhod ako doon, putik putik ang kamay ko habang nakayuko sa puntod.
Tumingala ako sa langit dinama ang ulan at malakas na ihip ng hangin.
"kailan ba matatapos ito?!" buong lakas na sigaw ko, kampante ako na walang makarinig.
Hanggang sa tumila ang ulan saka ako tumayo doon, nang biglang may lumitaw na papel na parang napunit mula sa kung saan.
Isa isang mawawalan ng buhay.
Napapikit ako sa nabasa ko. Hindi pa tapos, hindi pa tapos ito. Umalis ako doon para ipagpatuloy ang misyon na ito kaya ko pa kakayanin ko pa dahil kahit istorya ito ng lalaking mahal ko kahit hindi ako ang babae na bida dito.
Mahihirapan akong magtiwala sa iba, ni hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung sino ang salarin.
Tatapusin ko ito ng ako lang, hahanapin ko kung sino ang may gawa dito. Hindi lang isa ang kalaban dito madami sila, dahil may baho din pala si Don Diosdado. Kawawa ang pamilya niya dahil nadadamay dito at hindi ko hahayaang mawala si Anton at pati narin si Emiliana ang mga taong mahahalaga sakin.
Gagawin ko ang lahat mapanatili lang silang buhay, kahit nanggaling lang sila sa libro ayokong nasasaksihan ang pagkamatay ng mga tao.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Story [COMPLETED]
Teen Fiction"ako mismo ang tatapos sa istoryang ito"