21

26 1 0
                                    

Para akong batang nakatayo sa harapan ni Anton, ,ano ba naman yan si Marco pa kasi ang nasabi ko.

"hindi mo ba alam na iyon ay bawal?" pangaral niya sakin. Bakit ba nagagalit to?

"may sasabihin  lang siya senyorito" seryosong sabi ko, nakahalukipkip siya sa harapan ko. Andito na kami sa hardin dalawa lang kami buti nga walang tao eh. Asan ba yung mapapangasawa neto?

"sa likod? Walang katao tao doon Lucianna kung ayaw mong mapahamak huwag kang lalapit sa kaniya"

"at kayo senyorito pwede?" biglaan kong sabi, agad naman siyang napatigil sa sinabi ko sa kaniya. Tama naman ako eh anong mali doon? Buti nga si Marco walang mapapangasawa at okay lang na magkasama kami.

"kami ay magkaiba, ako ay amo mo" there. Yun naman pala ang dahilan eh.

"alam ko po iyon senyorito pasensya na po" sana naman sa oras na ito nakabalik na si Emiliana. Naglakad na ako paalis doon, hindi ko siya nilingon.

Hanggang sa makapasok ako sa kusina at napatingin sa mga tao doon, yung apat na babae nagkukumpulan sa gilid kasama si Emiliana. Ano nanaman kaya iyon?

"anong pinaguusapan niyo?"

"andyan ka na pala! Ano? Pinagalitan ka ba ni Kuya?" tanong agad ni Emiliana pagkalapit niya sakin, tumango naman ako.

"naku anong sinabi mo na pinuntahan mo doon?"

"sabi ko makikipagkita ako kay Marco" nanlaki ang mata ni Amihan saka ako himpas sa braso ko.

"sinabi mo talaga?" tumango ako sa sinabi ni Benilda.

"kaya naman pala eh nagalit. Sya nga pala merong sulat na pinadala na sulat si Marco andoon sa kwarto mo" sabi ni Amalia.

"sige na punta muna ako sa kwarto" tumango naman sila sa sinabi ko, sumabay sakin si Emiliana at nagpasalamat sa pagliligtas ko sa kaniya kanina.

Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko ang kapirasong papel doon kinuha ko iyon at binasa.

Magkita tayo sa plaza bukas. Mamamasyal tayo.

Sure!

Para narin sa paggala ko, galang gala na ako eh. Maganda gumala dito sa Manila ngayon walang mga building at hindi polluted.

Bumaba naman agad ako pagkakita ko nun, i saw Rosaly she's sitting. Sa sala mag isa niya habang nakatingin sa bintana. I admire her beauty hindi maitatanggi na maganda siya.

Pumunta ako sa kusina, maggagabi na pala kaya nagluluto na sila. Tumulong ako sa pagluto ng panghapunan.

Then suddenly when im facing at the garden nakita ko si Marco at Anton na nag uusap. Napakunot noo ako nagulat ako nang biglang maglapitan din ang mga babae sa akin at tumingin din.

Wala kaming marinig pero alam kong seryoso iyon.

"ano kayang pinag uusapan nila?" sabi ni Benilda nagkibit balikat ako saka tinuloy ang ginagawa hanggang sa kalabitin ako ni Amalia at tinuro ang pwesto nila Anton.

Nandoon na si Rosaly nakikisali sa usapan, napatingin ako sa mga suot nila. Mapapansin talaga ang karangyaan nila kumpara sa amin, akala ko sa panahon ko lang nag bawal sa ganon eh mas malala pala dito.

Dito talaga malalaman kung saan ka nababagay, napatingin ako sa suot ko madumi. Napangiti ako hindi talaga pwede, well in the first place hindi talaga pwede dahil hindi ako taga dito.

Umalis ang dalawa at naiwan si Marco doon, napailing siya saka naglakad na paalis gusto ko siyang sundan at tanungin kung anong pinagusapan nila pero napako ang tingin ko sa dalawa. Nakayakap si Rosaly kay Anton, ganito ba pwede PDA dito? Napaiwas ako ng tingin saka ko napansin na nakatingin pala sakin si Amihan.

"malala ka na" sabi niya at umiling ngumiti lang ako ng konti, wala naman akong maitatago sa kaniya eh.

Naging tahimik ako sa sumunod na oras, kahit sa paglapag ng mga pagkain nila doon sa mesa kahit andoon silang tatlo hindi ako umiimik. Hindi ko rin tinignan si Anton kahit anong mangyari, naalala ko kasi yung kanina eh yumakap siya pabalik.

"masama ba ang iyong pakiramdam?" paglapit sakin ni Emiliana habang naghuhugas ako ng pinggan. Pumasok na sa mga kwarto nila ang mga kasama ko para magpahinga ako nalang ang naiwan, hindi ako makaramdam ng pagod.

"maayos naman po senyorita, anong oras na po bakit hindi pa kayo nagpapahinga?" tanong ko sa kaniya sumandal siya sa aparador doon.

"hindi ako makatulog eh, naglakad lakad lang ako" nagkwentuhan kang kami ni Emiliana doon hanggang sa matapos akong maghugas.

"kanina habang naglalapag kayo ng pagkain at hindi ka nakatingin sa amin.."

"si kuya ang nakatingin sayo" napatigil ako, ramdam ko ang mga titig kanina eh.

"hinihintay niya atang tumingin ka sa kaniya pero hindi ka tumingin hanggang sa umalis ka na, kaya naman tinanong ko kung maayos lang ba?"

Napatango ako sa sinabi niya, wala naman akong maisagot eh. Kinwentuhan pa niya ako hanggang sa nagpaalam siya nanatili pa ako sa kusina at nagisip kung matutuloy ba ako bukas o hindi.

Magsisimba pa pala ako bukas sabihan ko nalang si Marco na magsisimba ako para hindi ako makapunta sa kaniya, pumunta na ako sa taas para magpalit ng damit.

I lay down tinitigan ko ang kisame, hindi ako makatulog kahit ramdam ko ang pagod ko. Ilang oras pa akong nakahiga ng maisipan kong lumabas para magpahangin hindi naman ako takot kung madilim eh.

Pumunta ako sa hardin walang masyadong ilaw doon kaya naman naupo ako sa damuhan. Naririnig ko ang ingay sa plaza, malapit lang kasi dito eh at may gaganapin din ata.

"mama kamusta ka na?" biglaang sabi ko, kamusta na kaya siya? Kumakain ba siya ng tama?

Kung hindi man ako magtagumpay sa misyon na ito sana makita ko si mama, makapagpaalam man lang ako saglit sa kanoya at mayakap.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng may humablot sa kamay ko kaya napatayo ako, hindi pa ako nakakabawi ng hilahin niya ako papunta sa likod kung saan walang mga ilaw.

Nagpumiglas ako pero hinawakan niya ang bibig ko para hindi ako makasigaw naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko kaya napatigil ako.

"Lucianna huwag kang maingay"

Si Anton. Siya ang humablot sakin at dinala ako dito tinanggal niya ang kamay niya kaya naman lumayo ako sa kaniya, sinag lang ng buwan ang umiilaw sa amin. Nakita ko siyang nakangiti na nakatingin sakin, bakit ba laging nakangiti to kapag kausap ko siya.

"bakit niyo po ba ginawa iyon?" sabi ko naman sa kaniya.

"tayo ay may pupuntahan" nilahad niya sakin ang isang tela, tumingin ako sa kaniya nagtatanong kung aanhin ko ito.

"pantakip mo sa iyong ulo para hindi ka mapahamak" kinuha ko iyon pero hindi ko alam ang pagkabit neto, malay ko ba kung paano.

Napahakbang ako paatras sa gulat nang lumapit siya sakin saka kinuha ang tela at siya na ang nagkabit, maliit ako kaya naman nakatingala ako sa kaniya.

Binaba ko ang paningin ko sa dibdib niya habang kinakabit niya iyon, nanginginig na ako sa kilig dito peste. Baka namumula na talaga ako ngayon dito buti nalang gabi niya.

Nang matapos siya ay nagsuot rin siya ng sumbrero. Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko, mahirao na baka mapatay ako sa istoryang ito.

"natatakot ka ba?"

"hindi naman po sa ganun, pero po mahirap na po kapag may makakita sa ating magkasama"

Napahalukipkip siya sa harapan ko saka hinawakan ang lips niya. Itabi mo ako na maghahawak char.

"bakit kailangang ako pa senyorito?" tanong ko sa kaniya napatingala naman siya na parang nag iisip.

"kasi ikaw ang gusto kong kasama kaya halika na!" he held my hand at hinila niya ako paalis doon.

The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon