13

30 1 0
                                    


Busy ako na pumipitas sa maliliit na bulaklak, malawak na lupain pero puro yellow na bulaklak lang ang meron. Sa pagkakaalam ko dandelions ito eh.

Lumayo ako kay Anton na sa unahan palang, tangina grabeng pula ang mukha ko kanina ah. Ni hindi ko napansin na masakot ang paa ko saka ko lang narealize nang nakarating na kami. Ayokong sabihin na masakit ang paa ko at baka buhatin nanaman ako huhu yung puso ko grabe na.

Natatawa ako and enjoy kasing magpitas eh at ang dami pa. Napatingin ako kay Anton at nakatingala siya sa langit. Napatitig ako ang gwapo niya sa lagay na yan, peste naman eh kung pwede lang sana na siya na eh.

Napangiti ako ng mapait at umiling naglakad ako palayo, may ganito palang lugar dito na nawala na sa panahon ko.

"sayang ka" bulong ko at tinuloy ang pagpitas, nang papalubog na ang araw ay nag aya na akong umuwi.

"napalayo ba tayo senyorito?" tanong ko nang naglalakad kami sa sa kagubatan habang hawak niya ang kabayo.

"napalayo tayo ng konti kung kaya'y bibilisan natin para hindi tayo magabihan sa daan" tumango ako, nang makalabas na kami sa kagubatan ay tumunton ako sa malaking bato at doon ako sumakay.

I tried to twist mu foor pero masakit ito, dadampian ko nalang mamaya. Nang mahulog kami kamina hindi na niya binilisan pa ang pagpapatakbo sa kabayo.

Its sunset kaya naman ang ganda ng tanawin lalo na ng makadaan kami sa tulay binagalan ng kabayo ang lakad kaya napangiti ako habang nakatingin sa araw. Ang ganda mamuhay kapag ganitong tahimik lang napalingon ako sa katabi ko at nakitang seryoso siyang nakatingin sakin.

Umiwas agad ako ng tingin. Nakarating kamo sa mansyon ng gabi na wala nang tao sa labas, agad akong bumaba ng kabayo.

"aray ko pesteng yawa!" halos mapaiyak ako sa sakit nang ilapat ko ang paa ko, nalamigan ata peste talaga.

Nilapitan ako ni Anton habang hawak niya ang kabayo, agad naman akong tumayo baka malapan nanaman niya eh.

"mauuna na po ako senyorito" sabi ko saka naglakad na palaalis doon, lumiko ako sa may kusina at agad na napaupo dahil sa sakot ng paa ko.

"Lucianna anong ginagawa mo diyan?" Thank god! Tomas is here agad niya akong nilapitan para alalayan.

"yung paa ko natapilok ako peste ang sakit" tinulungan niya akong tumayo pero ramdam ko na nagiingat siya sa paghawak sakin. Kung sa panahon ko ito ay pinangko na ako pero iba pala ngayon at yung ginawa namin kanina ni Anton dapat hindi na masundan pa.

"ano ba kasing nangyari sa lakad mo? At akala ko ba si Alejandro ang kasama mo?" naglakad na kami papasok sa kusina.

"hindi. May emerg- este may gagawin si Alejandro sa bahay nila" pinaupo niya ako doon, wala nang tao.

Tinignan niya ang paa ko at halos manlumo ko ng nagviviolet na ito. Ganun ba talaga kalala?

"mukhang malala ito, sa palagay ko ipapahinga mo ito hanggang bukas sabihin mo na lang kay manang" tumayo na siya at tumango naman ako, okay lang maiiwasan ko si Anton kung ganoon.

"pakihatid nga ako sa kwarto Tomas masakit pa kasi" sabi ko tumango naman siya at hinawakan ako sa braso.

"saan ka ba natapilok at buti nakauwi ka"

"yung kabayo kasi at saka si senyorito-"

"kasama mo si senyorito?!" hinampas ko ang braso niya dahil ang lakas ng boses niya.

"ang ingay mo! Oo sinamahan niya ako dahil hindi makakasama si Alejandro"

"at dalawa lang kayo ni senyorito? Nahihibang ka na ba? Paano kapag may makakita? Tandaan mo hindi pwede na magmahal tayo sa mga mararangya ang buhay!" napatungo ako sa sinabi niya, alam ko naman eh.

"alam ko iyon at saka pati rin naman ikaw ah! Si senyorita Emiliana!" namula siya sa sinabi ko.

"alam ko yan! Shh huwag ka nang maingay pumasok ka na" nang makapasok ako ay natutulog na ang magkapatid.

Nagpalit lang ako ng damit at nahiga na, pagod na pagod ako kaya naitulog ko.

"Cristina hindi maaari ang iyong sinasabi" sabi ng isang matanda na nakatalikod sakin. Hindi ko maaninag ang mukha niya.

"kailangan kong ituloy para matapos ang kwento" sabi ng babaeng kamukha ni mama! Si lola Cristina! Siya na ba yan? Sumigaw ako at tinawag siya pero walang boses na lumalabas sa akin.

"ngunit mapapahamak siya! Alam mo ang maaaring mangyari kapag hindi niya napagtagumapayan!" ako ba ang tinutuloy nila?

"at paano kung walang nagngangalang Lucianna sa mga apo mo?" ako nga ang tinutukou nilang dalawa, lumapit ako.

Nasa lumang bahay kami, hindi pamilyar na bahay sakin.

"paano kapag hindi nga"

"alam kong mapapagtagumpayan niya iyon, may tiwala ako sa apo ko kahit wala pa siya"

"ano ba ang dahilan? Bakit siya?" yun ang gusto kong malaman, napatingin ako kay Lola nang magseryoso siya.

"dahil may kasalanan ako at kaparusahan ko ay mapupunta sa apo ko. Hindi ko ginusto pero wala akong pagpipilian buhay katumbas ng buhay"

Buhay katumbas ng buhay? Anong ibig niyang sabihin?

"alam mo na noon pa na ang kapalit ng pagmamahal mo sa asawa mo ay ang apo mo" napayuko si lola sa sinabi ng matanda.

"binalaan ka na ni Juana pero hindi ka nakinig" si Lola Juana talaga ang may alam ng lahat pero hindi niya nasasabi.

"nagmahal lang ako, ayokong mamatay ang asawa ko"

"pero ibubuwis mo ang buhay ng magiging apo mo? Libro ang papasukin niya Cristina hindi ito biro"


"alam ko ang ginagawa ko, alam kong nagkamali ako sa paghiling kay Juana na buhayin ang asawa ko pero ang kapalit ay ang apo ko" malungkot na sabi niya.

"alam mo ang ginagawa mo? Baka nakakalimutan mo na parang lalaruin ang tahimik na buhay ng apo mo"

Si lolo? So it means hiniling niya kay Lola Juana na mabuhay si lolo pero ang kapalit ay ang pagkapunta ko dito?

"pinili ko na mapunta siya sa kapanahunan ko gamit ang librong hindi ko tinapos, alam kong tatapusin niya ang kwento" paano ko matatapos kung wala sa akin ang libro?

"at paano kung matulad siya kay Cielo?" nagulat ako nang banggitin niya si Lola Cielo.

"sana nga hindi siya iibig ng sinumang lalaki sa istorya" Lola pasensya na pero susuwayin ka ng apo mo.

"alam mo ba lahat ng mangyayari sa apo mo? Nakausap mo ba ng masinsinan si Juana?" napayuko si lola.

"yun lang ang alam ko pero sana huwag niyang pahirapan ang magiging apo ko. Alam mo kung ano ang takbo ng utak ni Juana"

Si Lola Juana? Ano ba talaga? Pinagkakatiwalaan ko si lola dahil siya lang ang may alam nang nangyayari sakin.

"sa ngayon sana yun lang ang gagawin ng magiging apo mo Cristina"

Biglang nagliwanang kaya napadilat agad ako, nagalaw ko ang paa ko kaya napaigik ako. Panaginip ang lahat pero nakita ko si Lola at nalaman ko rin ang dahilan kung bakit ako!

Hiniling ni lola na buhayin si lolo pero ang kapalit ay mapupunta ako sa librong ito at kung hindi ako magtatagumpay ay mamamatay ako. Napatawa ako ng mapait napaglaruan ang buhay ko ah peste. Pinahid ko ang luhang tumulo mula saking mata.

Kumuha ako ng maliit na papel saka nagsulat para makita ni Lola Juana kung sakali na pumunta siya dito.

Lola alam ko na lahat. Kailangan ko nang makabalik sa totoong mundo ko habang hindi pa huli ang lahat.



The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon