Nakangiti ako habang naglalakad pabalik sa mansyon nila, nasa likod ko lang siya naglalakad din. Walang nagsasalita ni isa amin hanggang sa makauwi kami.Humarap ako sa kaniya. Nakatingin siya sakin, walang ilaw sa part namin pero kitang kita ko ang namumulang mga pisngi niya. May gusto pala talaga sakin ang lalaking ito eh.
"senyorito mauna na po ako at ako'y matutulog na" nakangiti kong sabi, tumango naman siya lalakad na sana ako nang magsalita nanaman siya.
"m-maaari bang samahan mo ako sa museyo bukas?" museum? Hindi ako hilig sa ganoon huhu pero kapag ikaw shurr why not.
"ah kung wala po akong gagawin senyorito at naalala ko po nandyan po ang mapapangasawa niyo kung kaya't impossible po ang iyong hinihiling"
"tumakas tayo" napatitig ako sa kaniya sa sinabi niya, aangal pa sana ako nang makita ko ang ngiti niya.
"p-pero senyorito baka may makakita po sa atin" alam kong bawal ito pero lola patawarin mo ako kung magsusuway ako ng batas dito.
"wala iyan basta nag iingat lang tayo" nakangiti parin siya, tumango nalang ako sa sinabi niya.
"papadalhan nalang kita ng sulat isisilid ko ito sa iyon kwarto" tumango nanaman ako sa sinabi niya, hindi ko naman kayang tumanggi eh.
Nang makabalik na ako sa kwarto doon ko palang naalala na may lakad pala kami ni Marco bukas! Napasapo ako sa noo ko saka humiga sa kama, yung pagod ko nararamdaman ko na kaya naman naitulog ko.
Nagising nalang ako nang tapikin ako ni Amalia sa pisngi.
"akala ko ba magsisimba ka? Mahuhuli ka na" agad akong napabalikwas at naligo, simple lang ang damit na sinuot ko wala naman akong suot na magarbo dito eh.
Paglabas ko sa mansyon nagulat ako nang nandoon si Marco nakangiti habang hinhintay niya ako, ngayon na ba iyon? Lumapit ako sa kaniya.
"tara na?" ha? Halla wala akong plano akala ko mamaya pa, mag aalinlangan pa akong sumama sa kaniya.
"ah Marco pupunta kasi ako sa simbahan" tumamgo naman siya sa sinabi ko.
"doon din ang punta natin bago tayo puputa sa sinasabi ko sayo" nagsabay kaming maglakad malapit lang ang simabahan dito kaya naman nakarating kami kaagad.
Pagpasok namin siya ang pumili ng mauupuan, nasa pinakaharap kami kaya naman naglakad pa kami sa gitna wala pang masyadong tao kaya naman nakita ko ang taong di ko inaasahan.
Si Anton kasama niya si Rosaly magkatabi sila habang si Rosaly ay nagsasalita sa tabi niya. Hindi niya ako nakita nasa pinakagilid ako kaya naman malaya ko siyang matitignan.
"ang totoo niyan ay muntik ko nang makalimutan ang pupuntahan natin ngayon" napatingin siya sakin saka ngumiti, bakit ba ang banayad ng ngiti niya.
"nakita ko nga rin si Benilda kanina at tinanong lang kita, kung hindi ata kita nakita ay umalis nalang ako at babalik sa ibang araw" nagkwentuhan pa kami doon hanggang sa magsimula ang misa.
Hindi na ako lumingon pa sa likod ko nagconcentrate lang ako sa misa hanggang sa matapos ito. Pagkatapos ng misa ay lumapit kami sa pari para magbless kaugalian na talaga ng mga tao iyon lalo na ang mga pilipino.
"magandang araw padre Edgar" bati naming dalawa, napatingin naman siya aamin nagmano kaming dalawa.
"sino ang magandang binbining kasama mo Marco?" nakangiting tanong niya. Magsasalita na sana ako nang may tumabi sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Story [COMPLETED]
Novela Juvenil"ako mismo ang tatapos sa istoryang ito"