Halos mapasinghap ako ng marinig ko ang nagsalita agad naman silang nagsilingunan sa banda ko, paano ba naman ako ang huling naglalakad tapos nasa likod ko pa ang nagsalita.
"wala kasi akong kasama kung kaya't pwede bang sumama sa inyo?" ulit pa niya.
"senyorito. O-oo naman po" si Amihan ang uanng nakabawi sa amin, nilagpasana ako ni Anton saka unang naglakad nakatingin lang kami sa kaniya saka dali daling sumunod si Tomas para sa ilaw.
"akala ko ba sasakay siya sa kabayo? Akala ko rin nauna na siya?" bulong namin sa isat isa nagkibit balikat naman ako.
"alam ko na" humagikhik nanaman sila at tinignan ako inismiran ko sila saka sila tumawa. Sumunod lang kami sa dalawang lalaki hanggang sa makarating kami sa bahay nila Alejandro.
Maliwanag ito at medyo maraming tao, pumasok ako doon at agad niya akong nakita agad niya akong hinawakan sa kamay at pinaupo. Umupo rin ang mga kasama ko magsasalita na sana siya ng pumasok si Anton kaya naman napatayo siya.
"anong ginagawa mo dito?" nagulat ako sa tono ni Alejandro towards Anton anong meron?
"nais ko lang bumisita at pinahatid ni ama ang tulong ito" sabay lahat niya sa sobre pero nabigla ako at napatayo ng tabigin niya ang sobre ng malakas.
Agad pumagitna si Tomas sa kanilang dalawa at ako naman ay kinakabahan ano bang nangyayari? Hindi naman ganito dati ah. Seryoso lang na nakatingin si Anton kay Alejandro.
"ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito matapos ng kasalanan ng ama mo" bigla akong naguluhan, dumadami narin ang nanonood samin nakatayo lang ako sa gitna nila kasama ko si Tomas.
"a-ano bang nangyayari?" mahina kong sabi, namumula na si Alejandro sa galit.
"ang ama niya ang pumatay sa ina ko" napasinghap ako sa narinig ko at parang nanghina ako. Agad akong napatingin sa tatlong babaeng kasama ko at katulad ko ay gulat din sila.
"kaya tangina ka! Naong karapatan mong magpunta dito?!" susugurin na sana niya si Anton ng hinila ko siya pero wala pa ako sa katinuan.
"wala kang patunay" matigas na sabi ni Anton, may kinapa si Alejandro sa bulsa niya at binagsak sa mesa sa gilid.
"ayan tangina! Ama mo lang ang may kwentas na ganyan dito sa atin!" napatingin ako sa kwentas at tama siya yun ang kwentas ng ama ni Anton.
Pero hindi ko alam kung magagawa ba iyin ng ama niya. Nakatitig lang doon si Anton.
"hindi lang siya ang may ganyan dito!" napatalon ako sa gulat sa lakas ng boses ni Anton.
"gago! Huwag na tayong maglokohan!" tinuro niya si Anton pinigilan ko siya.
"umalis ka na gago! At baka mapatay pa kita wala akong pakialam kung mayaman ka dahil kaya ko kayong patayin!"
"Alejandro!" sigaw ko, hindi ko na kaya pang matahimik. Sobra na si Alejandro hindi pa namin confirm kung ang ama niya ba ang pumatay.
"ano Lucianna?! Kakampihan mo siya?! Tandaan mo mayaman siya mahirap ka! Kaya niyang manipulahin lahat!"
Napatingin ako kay Tomas na kinakausap si Anton habang nakatingin siya sakin umiwas ako ng tingin saka tinignan ang tatlong babae.
"iuwi niyo muna si senyorito, ako na bahala dito" siguro dahil rin sa gulat ay hindi sila nakatanggi agad silang lumapit kay Tomas at sinabihan ito.
Nakaupo na ngayon si Alejandro.
"hindi ako uuwi hanggat hindi uuwi si Lucianna. Kasama ko siyang pumunta dito kasama ko siya dapat na umuwi" napapikit ako sa sinabi niya, napatayo nanaman si Alejandro.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Story [COMPLETED]
Teen Fiction"ako mismo ang tatapos sa istoryang ito"