Nakabalik na ako sa tabi ni Emiliana pero tulala parin ako, si Lola Cristina siya ang may pakana lahat ng ito pero bakit ako pa? Ano ang meron sakin bakit ako ang nilagay niya?
"ano bang nangyayari sayo Lucianna?" napatingin ako kay Emiliana na nakatayo sa gilid ko.
"wala naman, hindi ka pa ba pagod?" tanong ko sa kaniya.
"gusto mo na bang umuwi?" tumango ako sa sinabi niya, parang pagod kasi ang utak ko eh.
"kung ganoon ay umuwi na tayo, mag aayos pa ako gamit ko para bukas"
"alam ba ng ina mo na uuwi na tayo senyorita?"
"wala akong balak ipaalam, gusto kong surpresahin si Kuya" nakangiting sabi niya, hinintay ko siya dahil nagpaalam siya sa may ari ng bahay.
Napatingin ako sa taas at nakatayo doon si Marco na nakatingin sakin, ngumiti siya saka kumaway. Kumaway din ako at umalis na, thank god Marco gave that information to me alam ko na kung sino ang may pakana.
"magpahinga ka na Lucianna maaga tayo bukas" sabi niya ng makarating na kami sa mansyon, nagbow lang ako at pumasok na sa kwarto.
Binagsak ko ang sarili ko sa kama saka tumingin sa kisame, ang dami kong iniisip at miss ko na si mama. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko.
Una ay dumating na ang papakasalan ni Anton, pesteng yawa naman minsan lang magkagusto sa ikakasal pa sa iba. Pangalawa yung nalaman ko about kay lola anong susunod huh?
Natulugan ko ang pag iisip ko kaya naman kinabukasan binulabog ako ni Emiliana.
"Lucianna! Mag ayos ka ba bilis" kaya naman wala akong gana na na naligo at nag ayos ng sarili ko.
"tara na!" hinilia niya ako pasakay sa karwahe saka pumunta na ng daungan ng barko.
Naglakad na kami papunta sa taas, iisang kwarto ang kinuha ni Emiliana. Iniwan ko siya sa loob at tumambay muna sa labas, ang ganda talaga dito hindi nakakasawang tignan.
Naglakad lakad lang ako sa barko para mawala ang nasa isip ko, tanginang yan namomobrelma ako sa lovelife ko eh wala namang kami duh.
Dalawang araw kaming nasa barko ni hindi kami nagpasundo nang makalapag na kami sa bayan. Sumakay kami sa pampasaherong karwahe bumaba kami medyo malayo sa may mansyon.
Iniwan muna namin sa isang kakilala sa bayan ang mga gamit namin, naglakad kami papasok sa gate.
"kuya!" sigaw ni Emiliana ng makita namin si Anton naglalakad palabas ng bahay nila. Tumakbo si Emiliana papunta sa kuya niya lalakad na sana ako ng mapahinto dahil may sumunod sa kaniya na babae. Maganda, maputi, matangkad gaya sakin pero ang higit na nakapag gulat sakin ay kilala ko ito. Si Reina ang babaeng kasama ng lalaking gusto ko.
Hindi napansin ni Anton na meron ako, nakatunganga ako dito siya yung papakasalan ni Anton may kutob ako. Gusto kong umalis lalo na ng magtabi sila habang nakahawak siya sa braso ni Anton.
Gumalaw ako at naglakad papunta sa kusina, hindi ako lumingon hindi hindi dahil naiiyak ako sa nakita ko. Akala ko ba gusto ko lang siya? Gagi.
"nakarating ka na pala!" nagulat ako kay Amihan ng magsalita siya habang may hawak na basket. Pinalis ko ang luha ko kaya nagtaka siya.
"bakit ka umiiyak?"
"ah hindi nalagyan lang ng alikabok, ah kanina lang nakarating kami gusto kasing surpresahin ni Emiliana si Anton"
"ahh oo nga pala nakarating na yung mapapangasawa niya pero hindi ko pa nakakasalamuha si Amalia kasi ang nakasama niya pero balita ko" lumapit siya sakin saka bumulong.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Story [COMPLETED]
Novela Juvenil"ako mismo ang tatapos sa istoryang ito"