6

41 3 0
                                    

"Ate!" napalingon kami kay Amalia na tumatakbo papunta sa amin nakarating na kami sa bahay nila and i can say that its peacefull enough to live.

Napapikit ako at dinama ang hangin ang sariwa talaga eh.

"kanino naman yan galing Lucianna?" base sa boses ni Amalia ay nahimigan ko ang pang aasar, pinandilatan ko siya ng mata dahil alam kong iba ang pangalan na babanggitin niya.

"galing bayan kay Senyorito An-"

"ang ganda diba?" sabay tanong ko, tinawanan niya ako kaya naman napanguso ako at napasimangot.

"oo na saan ba kayo tutungo?" tanong niya sa amin, napatingin ako kay Emiliana na busy sa pagpipitas ng mga bulaklak.

"gustong pumasyal ni Senyorita dito kaya naman napadpad kami dito" napatango siya saka kami sabay na tumingin sa palayan na malawak.

Natutuwa ako sa mga nakikita ko ngayon, mahilig talaga ako dito. Ikaw ba naman sa panahon namin kahit probinsya iyon eh napalibutan naman ng bahay at chismosa na ang iingay.

Magtatakip silim na ng naisipan namin na umuwi, sabay sabay na kaming nagtungo sa mansyon.

"gusto ko pa sanang mamasyal bukas ngunit ako'y may pupuntahan" sabi ni Emiliiana nakasunod lang kami sa kanya.

"saan kayo tutungo binibini?" tanong ko naman sa kaniya, curious ako eh baka pwedeng sumama para naman hindi ako mapalapit kay Anton.

"sa Maynila, ilang araw rin ang byahe ko kaya matatagalan pa akong umuwi" napansin ko ang lungkot sa tono niya, alam kong mamimiss niya ang mahal niya.

"kung ganoon binibini sana ay mag ingat ka sa iyomg paglalakbay" napakunot ang noo ko, pwede rin namang stay safe char.

Pumasok siya sa main door at kami naman ay sa kusina, tapos nang kumain ang lahat at hindi na kami inintay pa. Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng pinggan ng makarinig ako ng kalampag sa kwarto ng mga pagkain, mag isa nalang ako dito sa kusina kaya naman natakot ako.

"pati ba dito may multo?" bulong ko, gaga Lucianna kung ano iniisip mo.

Nagpatuloy ako sa paghuhugas pero naulit ang kalabog, tanginaaaa umuwi pa naman ang magkapatid kaya mag isa ako sa kwarto at sa kusina ngayon. Malayo dito ang kwarto ni Manang Corazon, pinunasan ko ang kamay ko at dahan dahang pumunta doon.

The door is opened gago! Sino pumasok ng ganitong oras sa gabi? Slow motion akong lumapit saka sumilip nakaawang konti ang pinto kaya nasilip ko.

Lalaki na nakaside, nakaupo sa bintana at may hawak na tinapay. Si Anton tanginaaa tago! Aalis na sana ako ng maitama ang tuhod ko sa mesa sa gilid na dadaanan ko sana.

"aray ko! Fuck!" impit kong sigaw, sana hindi niya narinig pero impossible dahil malakas iyon.

Bumukas ng malaki ang pinto saka nagtama ang paningin namin ni Anton, nagulat siya ng makita ako pero bigla siyang ngumiti umayos siya ng tayo saka yumuko para tulungan ako.

"ano bang nangyari sayo?" natatawa niyang sabi tumayo na ako. Inirapan ko siya saka lumawak ang ngiti niya.

"a-ano bang ginagawa mo diyan?" tanong ko din sa kaniya. Pumasok siya sa kwartong iyon kaya sumunod naman ako, nakaramdam ako ng gutom.

"ako'y nagugutom kung kaya't bumaba ako para kumain, ayaw kong istorbohin ang mga tagapagsilbi kaya ako na ang bumaba" napatango nalang ako.

Kumuha ako ng tinapay pero walang palaman, wala bang nutella? Char hehe. Kumuha ako ng gatas hiniwa ko ang tinapay saka linagyan ng gatas sa gitna. Nakasanayan ko na kasi na bawat tinapay na kinakain ko dapat may gatas.

The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon