16

27 1 0
                                    

"may nagustuhan ka bang libro?" i look at him while im holding a fantasy book, kanina ko pa ito hinahawakan balak ko sana talaga itong hiramin eh.

"ah meron isa lang" sabi ko sabay pakita sa librong hawak ko, napatango naman siya naglakad siya palapit sakin at dahil masikip ay tumagilid kami pareho para makadaan siya.

Ang lawak sa kabila bakit pa siya dumaan dito, i hardly try to avoid his gaze at magkadikit ang balat namin halos hindi na ako huminga.

"bakit parang ika'y takot na takot sakin?" bigla niyang sabi, napatingin ako sa kaniya.

"h-hindi naman sa ganoon senyorito ang pangit lang pong tignan kapag magkadikit ang langit at lupa" hindi siya makaimik.

"kung ganoon pwede mo akong samahan ngunit hindi ka pwedeng dumikit sakin?" tumango naman ako sa kaniya.

"pwes sasamahan mo ako kahit san ako magpunta" pati sa banyo? Char hehe.

"limitado po senyorito hindi lahat ng oras ay sasamahan kita. Madaming mata ang nakatingin sayo at kalat sa buong bayan ang pagpapakasal mo" hindi siya nagsalita sa sinabi ko.

"sana nasa tabi kita palagi" sabi niya sabay talikod at naglakad palayo sakin, napabuntong hininga ako. Sana nga eh hinihiling ko na sana ganoon.

"eto ba ang hihiramin niyong dalawa?" tanong ni Aling Corazon. Tumango naman ako saka ko binigay ang libro sa kaniya, nasa tabi ko si Anton na tahimik.

"malakas ang ulan sa labas, uuwi na ba talaga kayo?" napatingin kami sa labas at mas lalong lumakas nga. Nakakaantok pa ang panahon gusto kong matulog.

Humikab ako saka tinakpan at kinusot ang mata ko.

"may paghihigaan ba kayo dito Aling Corazon? Mukhang ang aking kasamang binibini ay inaantok na" nagulat ako at napatingin kay Anton, nagpalipat lipat naman ng tingin sa amin ang matanda.

"ngunit hindi kayo maaaring magkasama sa isang kwarto" hindi talaga baka gapangin ko siya.

"huwag kang mag alala Aling Corazon wala kaming gagawing masama at hindi ako tatabi dahil alam kong bawal at may respeto ako" mukhang wala talagang magagawa ang matanda at napabuntong hininga na lang saka tumango.

"kung ganoon kunin mo itong susi pumasok kayo sa pintong iyon at maglakad pa may nagiisang pinto doon at andoon ang taging kwarto, sana'y huwag niyong ipagsasabi" kinuha ni Anton ang susi tinignan niya ako saka naglakad na.

"may tiwala ako sa inyong dalawa kung kaya't sana ay walamg mangyari dahil ikakasal na siya sa iba" napatungo ako, kailangan bang ipamukha sakin na hindi talaga pwede?

Hinintay niya akong makapasok doon saka niya sinara ang pinto, pinauna ko siyang maglakad. Hanggang sa makarating kami sa pinakadulo saka kami lumiko at nakita ko na ang isang pinto.

He opened it at bumungad ang isang malawak na kwarto, vintage ang kama at walang mga bintana tago na talaga. May upuan ang mesa din doon at ang maganda may malaking kama talaga at mukhang malambot.

Napatingin ako kay Anton na nakahawak parin sa hamba ng pintuan napalunok ako, bakit parang honeymoon ito? Napaiwas ako ng tingin at naglakad na saka pumunta sa kama. Nakatingin lang ako doon, napatingin ako kay Anton at nakaiwas siya ng tingin.

"a-ah pwede ba akong humiga?" kinakanahang tanong ko, tumango naman siya.

"s-sayo talaga ang bandang iyan, u-uupo ako at magbabasa" sabi niya saka lumapit sa upuan. Pansin ko pa na hawak niya ang librong kinuha ko kanina.

"ah pwede makuha?" sabi ko sa libro napatingin naman siya at agad lumapit sakin saka inabot ang libro.

Humiga na ako saka binuksan ang libro, tinaas ko pa ang palda ko dahil mainit at mas komportable ako doon.

The Forgotten Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon